Watch Now

Male news personality, follower ng pogilicious models

by PEP Troika
Apr 9, 2022
male celebrity blind item
Pero kumpara sa Kapamilya reporters na discreet, mas malaya ang Kapatid at Kapuso broadcasters na ipahayag ang kanilang sarili.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA

Tama ba ito, mga ka-Troiks, na sa Twitter pala, niri-retweet nila o kaya binu-broadcast kung alin ang madalas mong nila-like na tweets ng mga pina-follow mo?

Isang kaibigan kasi ang nagkuwento sa akin na nabuking niya kung alin ang madalas na nila-like ng isang kilalang male news personality.

Isang araw, nagulat na lang daw siya nang pumasok sa kanyang Twitter account ang post ng isang hunk model na super flex sa gym.

Talap-talap daw ni Model sa post na iyon na kung saan naninigas ang muscles at iba pang bahagi ng katawan.

Nalokah ang kaibigan ko dahil hindi niya ito pina-follow, bakit nag-pop up sa Twitter niya?

Iyon pala, dun niya na-gets na nag-like doon si Male News Personality na pina-follow ng kaibigan ko.

Ganun daw pala iyon!

Parang niri-report o niri-retweet ng Twitter kung aling tweets ang nila-like mo.

Kinalkal ng kaibigan ko itong Twitter account ni Male News Personality, doon niya nakitang ang daming pina-follow ni Male News Personality na pogilicious models at ang masigasig siyang nagla-like.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Meron pa roon, kilalang may kumalat na vidjakol, super like dun si Male News Personality.

Kunsabagay, ano ba ang atin diyan? Tila wala namang pakialam si Male News Personality kung malaman ng buong mundo ng social media na sobrang naa-appreciate niya ang male beauty.

Keber niya kung pagdudahan siyang bading, sa kabila ng matapang niyang pamamahayag.

Bakit ba?! Hindi naman iyon nakakabawas sa iyong pagiging male broadcaster na nakilala sa matapang at balanseng pagbabalita.

NOEL FERRER

Oo naman, malaya itong Kapuso broadcaster na naipapahayag ang sarili niya.

May natsismis ding Kapatid reporter na ganyan dati pero kebs, at least, it doesn’t get in the way of work.

Mas tago at pamhinta ang Kapamilya reporters.

Pero mababalitaan mo naman silang laman ng mga masahihan ng mga hombre.

Kebs, di ba? At least, malaya at masaya sila.

JERRY OLEA

Wagas ang ugnayan ng kilalang male news personality at ng kontrobersyal na male senatorial aspirant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binibiru-biro ni Male Senatorial Aspirant na may kaharutan itong matapang na male news personality.

May boy toy si Male Senatorial Aspirant na kasa-kasama niya sa pangangampanya, at keber sa mga usaping bulaluhan at bola-bola!

Mag-partner man sila sa budots-budots alang-alang sa mga butanding ay tumawa na lang tayo at makiindak!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pero kumpara sa Kapamilya reporters na discreet, mas malaya ang Kapatid at Kapuso broadcasters na ipahayag ang kanilang sarili.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results