Watch Now

Agimat ng Agila ni Bong Revilla, nakatulong sa party list

by PEP Troika
Apr 9, 2022
Dahil may recall sa mga televiewers, nakatulong sa isang partylist ang Agimat ng Agila ni Bong Revilla.

GORGY RULA

Na-enjoy ni Sen. Bong Revilla ang taping niya sa Agimat ng Agila kung saan mas dumami ang cast at nagbalikan pa ang iba na nanggaling sa unang season.

Nung nakaraang March 29 ang kanilang last taping day at nag-Facebook live siya kasama ang beauty queens na sina Rabiya Mateo at MJ Lastimosa.

Natuwa si Sen. Bong sa mga beauty queen na naging bahagi ng Agimat ng Agila.

Wala raw kasing kaere-ere at arte, na parang magkakabarkada lang sila.

Bukod kina Rabiya at MJ, kasama rin si Michelle Dee na abala na ngayon sa Miss Universe-Philippines.

Pero mamayang gabi ay mapapanood na si MJ na pagdududahang si Garote.

A scene from Agimat ng Agila

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siya nga kaya itong si Garote, ang mahigpit na kalaban ni Gabriel Labrador?

Nakakaaliw panoorin si MJ sa Eat Bulaga na nakuha niya ang pagiging komedyante ng co-hosts niya.

Tingnan natin kung eepek siya rito sa isang fantasy-action na Agimat ng Agila.

Ngayong gabi rin sa Magpakailanman ay ang pagsabak ni Herlene Budol o si Hipon Girl sa drama.

Siya ang gaganap sa kuwento ni Rose Vega na ang love life nito naging parte ng isang US reality show, na ang pamagat ay "Fiancée or Financier."

Makakasama niya rito sina Marco Alcaraz, Juan Rodrigo, Marithez Samson, at Lee O’Brian.

Halos lahat ng programang bahagi si Hipon Girl ay nagri-rate. Tingnan natin dito kung uubra sa Magpakailanman.

Magpakailanman art card

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Pagkatapos ng taping ni Sen. Bong sa Agimat ng Agila, nag-iikot pa rin siya sa iba’t ibang bahagi ng bansa dala ang binuo niyang Agimat Partylist.

Tinutulungan niya rito ang panganay niyang anak na si Bryan Revilla, na siyang first nominee ng naturang partylist.

Inamin ni Bryan na nakatulong itong Agimat ng Agila sa naturang partylist.

“May recall kasi e,” pakli ni Bryan sa presscon nung nakaraang Martes, April 5.

“Pag sinabi mong agimat, mapabata man yan o mapatanda, kilala si Agimat as Bong Revilla sa mga bata, pero sa older generation naman, si Ramon Revilla Sr.

“Nakakatuwa na may fans pa rin ang lolo ko ngayon. Yung mga lolo at lola na talaga, you can see them at different parts of the country. Sinasabi nila na napanood nila ang pelikula ng lolo ko.

“I think naman kasi yung agimat, I think it’s a symbol for ano, e… it’s a symbol of pagmamahal at pagtulong sa kapwa,” dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bryan Revilla

NOEL FERRER

Ang dami-dami na ring partylist na pagpipilian.

Good luck sa lahat.

Ano nga pala ang marginalized sector na nire-represent ng Agimat ulit?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil may recall sa mga televiewers, nakatulong sa isang partylist ang Agimat ng Agila ni Bong Revilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results