Watch Now

Ana Jalandoni, handa nang bumalik sa trabaho?

by PEP Troika
Apr 9, 2022
Ana Jalandoni from instagram
Ayon sa abogado ni Ana Jalandoni na si Atty. Faye Singson, may offers na silang natatanggap mula sa ilang film producers, pero payo raw niya kay Ana, "...take time this coming Holy Week for introspection and to soul-search."
PHOTO/S: @realanajalandoni Instagram

GORGY RULA

Tumatanggi na muna si Ana Jalandoni sa mga interview dahil kailangan na raw muna nilang mag-focus sa kasong isinampa kay Kit Thompson.

Hinihintay nila ngayon ang initial hearing para sa kasong ito. Pero unti-unti na siyang babalik sa trabaho, dahil may offers na dumarating.

Mukhang nakatulong sa kanya itong isyung kinasangkutan dahil may ilang producers na interesadong kunin siya para sa pelikula.

Sandaling naka-text ko ang legal counsel ni Ana na si Atty. Faye Singson, meron daw silang meeting ngayong araw para pag-usapan ang isang movie project na inaalok kay Ana.

Tila handa raw ang aktres na bumalik sa trabaho, pero hindi raw agad-agad. Mas mabuting magpahinga pa rin daw muna ang aktres.

“Napag-usapan po namin is for her to take time this coming Holy Week for introspection and to soul-search,” text ni Atty. Singson sa PEP Troika.

Hindi pa rin sumasagot ang kampo ni Kit Thompson kung ano ang plano ng Cornerstone sa showbiz career ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilang kaibigang nakakausap daw ni Kit, pero hindi sinasabi kung ano ang napag-usapan.

Sa nakaraang interview ni MJ Marfori kay Pia Wurztbach, inamin nito na nagkausap daw sila ni Kit na matagal na rin niyang kaibigan.

“We we’re able to talk already after what happened, and I think, yeah, we’ll just… it’s a very sensitive topic. But he knows how I feel. I’ve expressed how I feel about it.

“Yup! I hope he can get good advice.”

Nag-follow-up question si MJ kay Pia kung ano ang ibinigay niyang payo sa aktor.

“I’m not in the position to give any advice because I’m not a lawyer,” sagot ng Miss Universe 2015.

NOEL FERRER

Kontrobersyal si Ana Jalandoni. Kabi-kabila ang kanyang press statements.

Pero ano ba si Ana Jalandoni? Artista.

Sana, pagsumikapan niyang maging magaling na artista para iyon ang maalala sa kanya at hindi ang pagkakajombag sa kanya.

JERRY OLEA

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Ana mismo ang nag-produce ng launching film niyang Manipula, kung saan leading man niya si Aljur Abrenica.

Idinirek ito ni Neal “Buboy” Tan, at nasa cast din sina Rosanna Roces, Kiko Matos, Marco Alcaraz, Alan Paule, Mark Manicad, at Christian Vazquez.

Nang maka-chikahan ko si Direk Buboy recently sa AQ Prime office, sinabi niya na may naprodyus nang second movie si Ana, with Xian Lim as director.

Balak daw ni Ana na mag-produce pa ng more movies, at hindi kailangan na bida siya o kasama sa cast.

Dun sa movie na dinirek ni Xian ay wala raw sa cast si Ana.

Naiulat natin before na naka-relate si Direk Buboy sa nangyari kay Ana, dahil tinutukan siya ng baril ng dati niyang boyfriend na hunk actor.

Follow-up chika ni Direk Buboy, nakausap niya ang ex niyang hunk actor, at OK lang daw rito na mapangalanan dahil totoo naman ang nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Andun pa rin yung love,” sabi pa ni Direk Buboy.

Ganun din kaya sa kaso nina Kit at Ana?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa abogado ni Ana Jalandoni na si Atty. Faye Singson, may offers na silang natatanggap mula sa ilang film producers, pero payo raw niya kay Ana, "...take time this coming Holy Week for introspection and to soul-search."
PHOTO/S: @realanajalandoni Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results