Watch Now

Raquel Pempengco, hangad pa rin ang lubos na pakikiramay ni Jake Zyrus

by PEP Troika
Apr 10, 2022
raquel pempengco jake zyrus
Umaasa pa rin si Raquel Pempengco (kaliwa) na magpaparamdam ang kanyang anak na si Jake Zyrus bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang Lola Tess Relucio at tiyuhin. Aniya, “Kasi ang dapat na sasandalan ko ngayon, yung anak ko, pero wala siya. Hindi dahil sa pera, kundi sa nandiyan siya."
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal

GORGY RULA

Ngayong Linggo ng hapon, Abril 10, ang cremation ng mga labi ng lola at tiyuhin ni Jake Zyrus sa St. Jude Crematory sa Lucena City.

Nakapanayam ang ina ni Jake na si Raquel Pempengco sa programa ni Morly Alino sa DZRH nung Sabado ng gai, April 9.

Ayon kay Mommy Raquel, pina-extend pa niya ang burol ng kanyang ina at kapatid dahil sa umaasa silang magpapakita si Jake.

Aniya, “Dapat po si Nanay ay i-cremate nung April 7, in-adjust ko po gawa ng akala ko po ay magpaparamdam si Charice.”

Nagtaka rin daw siya sa inilabas na statement ng manager ni Jake na nagdadalamhati ang singer, at nakipag-ugnayan na raw sila sa isang miyembro ng pamilya. Pero wala naman daw.

“Iyun lang po ang hinanakit ko po na naglabas sila na nag-reach out sa amin.

“Kaya tinanong ko po yung kapatid kong babae, kung nag-reach out sa kanya ang kampo ni Charice, si Jake. Sabi niya, wala ate, walang nag-ano sa akin,” sabi pa ni Mommy Raquel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuti at marami raw ang nagpaabot ng tulong para sa burol at cremation ng kanyang ina at kapatid.

“So far po, nagbibilang na kami kanina, ang lahat-lahat po na babayaran ko, nasa 86 thousand.

“Nagbilang po ako, sabi ko, kulang po ako ng sampung libo. Okay lang, kakayanin ko na iyan. Imi-message ko na lang yung iba kong mga kaibigan.

“Pero sabi ko po, kaya ko po yun. Kakayanin ko po. Sinasabi naman po ng iba na pag may kailangan ka pa, tumawag ka lang.

“Kaya ko po ito,” saad ng ina ni Jake Zyrus.

Kahit hindi na raw magbigay ng tulong si Jake, sana daw ay magpakita man lang siya. Iba raw talaga kapag kumpleto ang pamilya kapag nasa oras ng pagdadalamhati.

“Alam ko pong nagluluksa siya, pare-pareho kaming nagluluksa. Pero sa panahon po ngayon, dapat po, magsama-sama ang pamilya po."

“Hinintay lang po namin. Kung ayaw naman po niyang tumulong, magparamdam lang na kahit na, ‘Mommy o Carl, o Tita Neneng, nakikiramay ako, malayo ako dito.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Or else iparamdam man lang sa kanyang management o iparating sa kanila na, ‘Malayo ako, hindi ako makarating.’ Naintindihan na lang po namin yun,” madamdaming pahayag ni Mommy Raquel.

JERRY OLEA

Gustong sagutin ni Mommy Raquel ang ibang mga nagmi-message sa kanya na sinasabing itinakwil naman daw niya si Jake, pagkatapos ngayon ay humihingi na ito ng tulong?

“I-clear ko lang po, kasi nung time na naglabas na humingi ako ng tulong, marami hong negative na na-receive ko, na kesyo, ‘Itinakwil mo, na ngayon kailangan mo ng pera.’ Wala po akong itinakwil. Alam ni Charice iyan.

“Hindi po ako nagtatanim ng galit. Kilala naman po ako ni Charice o ni Jake.”

Sobrang sakit daw ang naramdaman ni Mommy Raquel sa ipinalabas na statement ng manager ni Jake.

Sabi ni Mommy Raquel, “Kasi ang dapat na sasandalan ko ngayon, yung anak ko, pero wala siya. Hindi dahil sa pera, kundi sa nandiyan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero dahil dun… yun po ang ikinasasama ng loob ko na naglabas sila na nagsasabing nagri-reach out sila, pero hindi naman.

“Sana po, kung alam nilang namimighati ang pamilya nila, huwag nang mag-ano ng ganyan-ganyan na salita.”

NOEL FERRER

Time heals all wounds, they say, pero parang sa kasong ito, it’ll take a really long time to heal.

Lagi nating sinasabi na hindi natin matitiis ang ating mga magulang and vice versa.

Pero kakaiba ito.

Ipagdarasal na lang natin sila. Divine Intervention ang kailangan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umaasa pa rin si Raquel Pempengco (kaliwa) na magpaparamdam ang kanyang anak na si Jake Zyrus bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang Lola Tess Relucio at tiyuhin. Aniya, “Kasi ang dapat na sasandalan ko ngayon, yung anak ko, pero wala siya. Hindi dahil sa pera, kundi sa nandiyan siya."
PHOTO/S: Facebook / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results