Watch Now

"Leaked" photos diumano ni Iñigo Pascual, may kinalaman sa pulitika?

by PEP Troika
Apr 14, 2022
inigo pascual leaked photo
"Leaked" photos diumano ni Iñigo Pascual, kumalat ilang araw pagkatapos ideklara ng ama niyang si Piolo Pascual ang suporta nito kay Vice President Leni Robredo.
PHOTO/S: @inigopascual on Instagram

JERRY OLEA

Kumalat noong Abril 11, 2022, Lunes Santo, ang scandal video ng isang babaeng itinuturong si Aika Robredo, ang 34-anyos na anak ni Vice President Leni Robredo.

Nang hapong iyon ay nag-tweet si VP Leni, “Best antidote to fake news is the TRUTH. Let us not lose focus. Tuloy tuloy lang ang paggawa ng kabutihan. This was how I survived the last 6 years.”

Read: Aika Robredo keeps focus on campaign as fake news strikes Leni's daughters

Nag-open letter kapagkuwan sa Facebook si Archbishop Socrates B. Villegas, D. D.

Bahagi ng open letter ni Father Soc na naka-pin sa kanyang verified FB account:

“Dear Aika,

“I am sorry to hear about the malicious fake videos that liars have made about you. It is incredible that they spread these lies during the Holy Week!

“The purveyors of these calumnies against you clearly have no sense of the Lord who called Himself the Truth. The disciples of the Prince of Darkness hatched this rotten egg.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Let not the lies disturb you. The truth of your life of decency and humility and service and intelligence is known by all of us. Only liars will believe their own kind.

“As for you, stay focused on doing what is good and be unperturbed in living by the truth according to the principles your parents planted in you…”

Noong Lunes Santo rin idineklara ni Piolo Pascual sa Instagram, “Si Leni Robredo ang presidente ko…”

Kakakip niyon ang video clip na 2 minutes and 25 seconds, kung saan ipinaliwanag niya kung bakit si Leni ang kanyang choice na maging kasunod na presidente.

Nasa Facebook at Twitter account din ni Papa P ang nasabing video, na ang caption naman, “Ang totoong Unity ay pagkakaisa ng taumbayan. Pilipino para sa kapwa Pilipino. “Kay Leni Robredo sigurado tayo diyan.”

Ang hashtags niyon ay #PioloForLeni at #KayLeniTotoongUnity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Piolo Pascual, Regine Velasquez declare all-out support for Leni Robredo

Abril 13, Miyerkules Santo, kalat na sa Twitter at Messenger ang dalawang litratong nakabuyangyang ang astig na private part ng lalaki.

Hindi kita ang mukha sa mga litrato, pero itinuturo iyon na anak ni Piolo — ang 24-anyos na si Iñigo Pascual — base sa tattoos nito sa katawan.

Iyong isang litrato ay naka-focus sa ari at hindi kita ang mga tattoo pero kawangis sa hugis, kulay, at laki.

“Leaked” photos nga ba iyon dahil sa pagiging kakampink ni Piolo?

NOEL FERRER

Grabe at itinaon pa talagang Holy Week nang ilabas ang mga ganito, and no one deserves this.

Sana, with the Lenten Season, we have the time to reflect and discern. Ano ba talaga ang direksiyon ng buhay at bansa natin?

Ayaw nating sukuan ang kabutihan ang mga Pilipino, pero bakit may puwang sa ganitong panlilibak at pang-aabuso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Wala naman sigurong halong isyu ng pulitika itong pagkalat nitong "leaked" photos na sinasabing kay Iñigo raw ito.

May ilan pa rin kasing nagdududa na hindi ito kay Iñigo. Sinipat nila nang husto ang tattoo sa dibdib na parang magkaiba naman daw.

Pero kahit kay Iñigo man ito, hindi ito makakabawas sa kanyang pagkalalaki. Hindi na ito bago, at hindi na siguro nila ito papatulan pa.

Wala naman sigurong balak na magsampa ng demanda ang management team niya, o sa Star Magic pa rin ba siya?

Napansin lang namin sa ilang huling post ni Iñigo sa kanyang Instagram account, tinanggal na ang comment section.

Kahapon kasi ay pinutakti pa ito ng comments, na ang babastos na ng sinasabi ng iba.

Marami namang supporters ni Iñigo na nakiusap na huwag na sanang ikalat pa ang malisyosong litratong yun. Pero mabuting tanggalin na lang ang comment section para hindi na mapaglaruan ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Leaked" photos diumano ni Iñigo Pascual, kumalat ilang araw pagkatapos ideklara ng ama niyang si Piolo Pascual ang suporta nito kay Vice President Leni Robredo.
PHOTO/S: @inigopascual on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results