Watch Now

Christine Bermas, pinalitan si AJ Raval sa Scorpio Nights 3; AJ, bakit tinanggihan ang pelikula?

by PEP Troika
Apr 18, 2022
Christine Bermas, AJ Raval
Christine Bermas (left), kumpiyansang inihayag na kaya niya lahat gawin para sa Scorpio Nights 3 na originally ay para kay AJ Raval (right). Pero paglilinaw niya, "Well, feeling ko naman po is kaya ni AJ Raval. Siguro, may some reason lang na… nag-fit sa ganun."
PHOTO/S: Jerry Olea / @ajravsss Instagram

JERRY OLEA

Sinalo ni Christine Bermas ang movie na Scorpio Nights 3, na tinanggihan ni AJ Raval.

Read: Sean de Guzman at AJ Raval, mala-Scorpio Nights ang steamy love scenes sa Taya

Okay lang kay Christine na second choice siya sa nasabing pelikula na ididirek ni Lawrence Fajardo.

"Aware po ako na ibinigay yung project kay AJ Raval. Aware po ako dun," mabining pahayag ng 19-anyos na si Christine nitong Abril 17, 2022, Easter Sunday, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

Batid din ni Christine kung gaano kapangahas ang Scorpio Nights (1985) ni Anna Marie Gutierrez, at Scorpio Nights 2 (1999) ni Joyce Jimenez.

Inialok ng Viva kay Christine ang Scorpio Nights 3 bago mag-Semana Santa. Nitong Holy Week, pinanood niya ang dalawang pelikula.

Ano ang masasabi niya sa nasabing movies?

Napangiti si Christine, "Sobrang… sobrang parang… kakaiba. Iba talaga yung Scorpio Nights.

"Nung day pa lang na in-offer siya sa akin, pressured na pressured na ako! Siyempre natuwa po ako, and honestly, medyo naging emotional.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sobrang thankful po ako na napunta sa akin ang project na ito."

Bakit kaya niyang gawin ang Scorpio Nights 3 na hindi kaya ni AJ?

"Well, feeling ko naman po is kaya ni AJ Raval. Siguro, may some reason lang na… na… that’s why, siguro, ahh, medyo… nag-fit sa ganun," alumpihit na tugon ng young actress na NBSB o no boyfriend since birth.

"And for me naman po kasi, hindi naman po sa kinuha ko yung para kay AJ Raval. Siguro, may reason din si God."

May magbabawal ba kay Christine na gawin ang mga mapupusok na eksena sa Scorpio Nights 3?

"Wala po! Wala po… wala po," mabilis na tugon ng dalaga, na Virgo ang zodiac sign.

Ano ang kaya at hindi niya kayang gawin sa nasabing pelikula?

"Ako, lahat kaya kong gawin. Lahat, kaya ko."

Nagandahan si Christine sa istorya ng Scorpio Nights 3, na medyo related daw sa unang Scorpio Nights.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayaw idetalye ni Christine ang role niya rito. Ang nasabi lang niya, ang karakter niya ay nakatira sa squatters’ area at maraming interesting na kaganapan doon.

GORGY RULA

Nagulat si Christine na sumuporta lang naman siya sa bagong project ng 3:16 Media Network ni Len Carillo at ng Mentorque Productions ni John Bryan Diamante, pero in-acknowledge siya ni Direk Joel Lamangan, at in-announce na siya na ang magbibida ng Scorpio Nights 3.

Si Direk Law Fajardo ang magdidirek nito, kaya inaasahang iba ang approach dahil ibang-iba na ngayon ang sitwasyon at hindi na ito panahon nina Anna Marie Gutierrez at Joyce Jimenez.

Sa tingin ko, mas bumagay kay Christine dahil ang maganda sa batang ito, nag-iiba-iba ang hitsura niya. Bumabagay siya sa role na ibinibigay sa kanya.

Sana, dumaan pa muna siya sa mas matinding acting workshop para makuha niya ang tamang pag-handle sa role niya sa pelikulang ito.

Mas maganda rin kung may ipapakilala silang bagong mukhang lalaki para sa proyektong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, keri na itong mapanood sa mga sinehan. Nakikita nang bumabalik na tayo sa normal, pero hindi pa bumabalik ang interes ng mga tao na pumasok sa sinehan.

Sana, malapit nang mangyari ito.

NOEL FERRER

I’ve always liked the Scorpio Nights material of our dear Peque Gallaga and Uro dela Cruz.

Actually, alam ito ni Direk Lore Reyes na sa amin ni Soxie Topacio ipinagkatiwala ni Direk Peque para gawin ang theater version nito.

Promise namin ni Direk Lore na gawin ito nang maayos at maganda para maging proud sina Direk Peque at Lore, at mangyayari iyan sa tamang panahon.

Dito sa gagawing Part 3 ng pelikula, ang masasabi ko lang, sana’y gandahan talaga nila ito dahil may history at legacy na kaakibat itong obrang ito.

Meron pa ngang South Korean adaptation ito (Summertime noong 2001), kaya tough act to follow.

Good luck sa mga gagawa nitong klasikong obrang ito. Don’t let the masters down!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christine Bermas (left), kumpiyansang inihayag na kaya niya lahat gawin para sa Scorpio Nights 3 na originally ay para kay AJ Raval (right). Pero paglilinaw niya, "Well, feeling ko naman po is kaya ni AJ Raval. Siguro, may some reason lang na… nag-fit sa ganun."
PHOTO/S: Jerry Olea / @ajravsss Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results