Watch Now

Gandarang aktres, nabuking ng hotel staff ang dalang sex toy sa lock-in taping

by PEP Troika
Apr 19, 2022
Gandarang aktres, ayaw umamin na sa kanya ang sex toy na naiwan sa hotel kunsaan siya ay nanuluyan kasama ng ibang cast members ng isang proyekto.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA

Ang dami pa rin palang kadramahan sa ilang lock-in tapings. Patuloy pa rin kasing naghihigpit ang production kahit medyo maluwag na at pababa nang pababa ang kaso ng COVID-19.

Sana nga tuluy-tuloy na ito, at hindi na mangyari ang surge na nakikita raw nila pagkatapos ng eleksyon.

May ilang artista kasing nahihirapan talaga sa lock-in dahil wala na silang ibang magawa kundi ang teleseryeng ginagawa nila.

May iba pang trabaho ang ilang artista, at ang ilang personal na pangangailangan ay di na nagagawa.

Ewan ko kung dala na rin ng pagkabagot kaya ang ibang artista ay may dalang gamit pantanggal ng pagkainip o siguro pagkaburyong sa mahigit isang buwang nakatengga sa isang lugar.

Isa na rito ang sex toy. Yes! Meron palang may nagbabaon ng sex toy!

Kasi, diyeta na rin sa sex at hindi kasama ang dyowa. Kaya salamat sa sex toy, specifically ang dildo!

Nabuking sa isang lock-in taping ng sikat na TV show na meron palang nagbaon ng dildo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami sa cast ang involved kaya mahirap tukuyin kung sino ang nagmamay-ari ng dildo na naiwan sa lobby ng hotel na tinutuluyan nila.

Basta nung nag-pack-up daw sila, nakita ng hotel staff na naiwan ang sex toy na ito sa sofa ng lobby. Ipinarating ito sa production staff, kaya kaagad na ipinahanap kung sino ang nagmamay-ari nito.

Ang first suspect nila, mga baklitang make-up artists at stylists. Ipinadala sa group chat ang litrato ng natagpuang dildo.

Depensa ng mga bading, hindi raw sila gumagamit ng ganung klaseng dildo. Pambabae raw yun. For ladies!

Hindi ko alam kung ano ang pagkakaiba ng pambabae at pambading na sex toy na ito.

Pinag-aralan daw ng mga staff kung sino ang posibleng may-ari nito. Nagkaroon ng process of elimination, hanggang sa napunta sa grupo ng mga babaeng artista na kinabibilangan ng mga komedyante, character actress, at beauty queens.

Isa raw sa kanila ang posibleng may-ari nito, dahil doon daw sa sofa ng lobby ng hotel tumambay ang grupo ng kababaihang ito. Maaaring nahulog sa bag nila, kaya naiwan doon sa sofa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang ngayon ay wala pang umaami. na sa kanya ang naturang sex toy. Wala pang nag-claim sa pobreng dildo!

JERRY OLEA

Da-de-dil-do-du! By process of elimination, ang prime suspect na owner ng mahiwagang dildo ay isang gandarang aktres.

Ipinagdiinan ng mga bading na hindi nila kailangan ng dildo upang ma-satisfy ang kanilang makamundong cravings, dahil marunong silang dumiskarte.

I wonder kung ano ang design ng dildo kaya nasabing pambabae iyon. Is it for dual stimulation?

Curious din akong malaman kung battery-powered ba iyon o USB rechargeable. Mananatili na lang sigurong dedma ang may-ari mismo ng abandonadong dildo. Di na ike-claim.

Dedma! Dedma! Dedma-me-mi-mo-mu!

NOEL FERRER

What’s wrong with a dildo?

Mas okay na gumamit niyan at magsariling sikap kung sinuman yun, kaysa sa labagin ang protocol at bumisita sa kuwarto ng may kuwarto tulad ng ibang nababalitaan natin, di ba?

Go girl o kung sinuman yun, claim that dildo from the concierge! Pronto!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gandarang aktres, ayaw umamin na sa kanya ang sex toy na naiwan sa hotel kunsaan siya ay nanuluyan kasama ng ibang cast members ng isang proyekto.
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results