Watch Now

Sexy star Christine Bermas, bawal pang magka-boyfriend

by PEP Troika
Apr 20, 2022
christine bermas
Christine Bermas on having a boyfriend: "Siguro hindi muna sa ngayon. Kasi, focus muna tayo sa career. Focus muna tayo sa life. And kapag na-reach mo na yung point sa dreams mo, o sa life mo — yung stable ka na — puwede ka na sigurong um-accept ng love from 'yan, mga manliligaw."
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

NBSB (no boyfriend since birth) ang 19-anyos na si Christine Bermas.

Walang magbabawal sa kanyang gawin ang mga mapupusok na eksena sa pelikulang Scorpio Nights 3, na ididirek ni Lawrence Fajardo.

Considering na marami siyang project, puwede ba siyang ligawan? May time ba siyang mag-entertain ng suitor?

“Open naman ako in the right time and right place,” mabining sabi ni Christine nang makausap namin nitong Abril 17, Easter Sunday, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

“Dun ako sa respeto ko sa manager [Len Carrillo ng 3:16 Media Network] ko, e.

“Kung ia-allow niya ako, then why not, di ba? Ahh, siguro hindi muna sa ngayon. Kasi, focus muna tayo sa career.

“Focus muna tayo sa life. And kapag na-reach mo na yung point sa dreams mo, o sa life mo — yung stable ka na — puwede ka na sigurong um-accept ng love from 'yan, mga manliligaw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bawal pa siyang makipag-boyfriend?

“Opo, bawal pa po talaga,” malumanay niyang pag-amin.

Naiisip ba niyang magrebelde sa pagbabawal ng manager niya? Naramdaman ba niyang parang sinisikil ang kanyang freedom? Nasasakal ba siya sa ganoong pagbabawal?

“Hindi! Hindi po! Actually, marunong akong natutunan sa ganyan,” mabilis na tugon ni Christine.

“And naka-help 'yan sa akin, yung ganyan na bawal mag-boyfriend. Kasi siguro, if walang ganyan na nagbabawal sa 'yo, I don’t think so na nandito ako sa industry na ito pag walang nagga-guide sa akin.

“And gusto ko yung ganun po, na gina-guide ako… Hindi naman ako nasasakal. Kasi, yung mga kasamahan ko sa 3:16 Media Network, enough na for me.

“Kapag kasama mo sila, yung Clique V at Belladonas, kumpleto na. Even yung manager namin na si Nanay Len.

“Complete na lahat ng love na hahanapin mo. And hindi ka naman babawalan to go out basta magpaalam lang.

“And siyempre, importante na alam ng nanay namin, ng manager namin, kasi siya yung magga-guide sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siya yung second mom namin dito. So, dapat alam niya.”

NOEL FERRER

Ibang bagay yung No Boyfriend sa walang muwang sa sex, ha?!

Ang Scorpio Nights ay isang major sex drama movie, kaya kakailanganin ni Christine talaga na humugot ng malalim na feeling para sa kanyang acting sa franchise ng klasikong pelikulang ito.

I trust that Direk Lawrence Fajardo will do a good job on this, or baka magpakita sa kanyang panaginip si Direk Peque Gallaga!

GORGY RULA

Sa mga alaga ng 3:16 Media Network ni Len Carillo, mukhang nakakaabala ang love life.

Si Sean de Guzman ay kabi-break lang sa non-showbiz girlfriend, at ganun din si Marco Gomez.

Sunud-sunod na projects ang ibinibigay sa kanila, kaya mag-focus na lang daw muna sa trabaho. Kahit noong Semana Santa ay panay-panay ang workout nila bilang paghahanda sa projects.

Nagsu-shoot na ngayon sina Sean, Marco, at iba pang members ng Clique V at Belladonas ng pelikulang Fall Guy sa Angeles City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May kasunod pang projects na gagawin si Christine, kaya malamang na malabo pa siyang magka-boyfriend. Mabuti na rin yun, at baka mabuntis pa nang wala sa oras.

Maganda si Christine at dapat mag-aral pa siya sa pag-arte para mabigyan pa siya ng marami pang matitinong projects.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christine Bermas on having a boyfriend: "Siguro hindi muna sa ngayon. Kasi, focus muna tayo sa career. Focus muna tayo sa life. And kapag na-reach mo na yung point sa dreams mo, o sa life mo — yung stable ka na — puwede ka na sigurong um-accept ng love from 'yan, mga manliligaw."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results