Watch Now

Xian Lim, pabor ba sa prenup agreement sakaling magpakasal na sila ni Kim Chiu?

by PEP Troika
Apr 20, 2022
xian lim kim chiu prenup agreement
Xian Lim: "I remember… hindi namin napag-usapan, but out of nowhere, we just brought up yung sinabi ni Steve Harvey na every couple needs to have bank accounts. I’m sure some people, may or may not agree na one to pay the bills, one savings for the couple, and one for you and one for her."
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram

GORGY RULA

Si Xian Lim ang tipo na gustong maayos na mapag-usapan ang lahat na mga dapat pag-usapan bago magpakasal.

Sa nakaraang mediacon ng first drama series niya sa GMA-7 na False Positive ay tinanong siya ng PEP Troika, kung sakaling mapagdesisyunan na nila ng girlfriend na si Kim Chiu na magpakasal, sa tingin ba niya ay dapat nang ayusin ang mga kundisyon sa kanilang pagsasama, kasama na ang prenuptial agreement?

Sagot ni Xian, “I strongly believe na dapat plantasado lahat ‘yan before pumasok at you take that leap of faith… in having a baby or getting married.

“Dahil baka kasi pag hindi pa plantsado lahat… I mean, this is just my opinion. Iba-iba naman ang rason ng tao, e.

“But I think na parang… you don’t want na yung mga problema o ganyang hurdles na lumabas, pag once nandun na kayo sa point na yun na magkakagulo kayo, and it might shake up the relationship and it might be a chance na magkahiwalay pa kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Personally, I don’t want na umabot sa point na yun. But I think dapat plantsado.

“I think, bank accounts, and even how you will settle bills, and even... kanina pa namin sinasabi na spiritually dapat handa kayo na your heart dito, dahil you don’t want na magkaroon ng failed marriage, or even na parang you want what’s best for your kid, dapat na pag-usapan talaga.”

Nilinaw namin kay Xian na kung sakali ba, magkakasundo sila ni Kim na meron dapat prenup agreement?

“Hindi pa naman namin napapag-usapan. But I guess to share one thing na nadaanan namin, I remember… hindi namin napag-usapan, but out of nowhere, we just brought up yung sinabi ni Steve Harvey na every couple needs to have bank accounts.

“I’m sure some people, may or may not agree na one to pay the bills, one savings for the couple, and one for you and one for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, I think wala lang… parang I just remember, oh, cool, parang nakita lang namin.

“I think, entering something na ganun kalaki needs proper planning and mapag-usapan nang maigi,” pakli ng bagong Kapuso leading man.

JERRY OLEA

Dumalo ang KimXi sa special screening ng pelikulang 366 nitong Abril 20, Miyerkules, sa isang mall sa Quezon City. Sinuportahan nila ang direktor at bidang babae ng movie na si Bela Padilla.

Ang message ni Xian sa kanyang Instsgram account kaugnay sa birthday ng kasintahan, “To my person that makes my heart beat faster and slower at the same time. To my person that genuinely thinks of others before herself.

“To my person that loves unconditionally and is naturally born with a kind heart. To my person, to my always, happiest birthday!

“Millions of people love you. I love you and I’m crazy about you. Enjoy your day love. Breathe, slow down, cherish the moment.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pa naman daw sila napi-pressure ni Kim, kahit nababalitaan nilang engaged na, o kasal na, at may baby na ang ibang artistang kasabayan nila.

“Hindi ko naman po nararamdaman. Basta ang kasunduan namin, as long as nagmamahalan kami nang lubos, that’s all that matters,” sabi ni Xian.

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Excited ako kay Kim Chiu! Balita ko, sasampa siya sa stage ng Cebu for VP Leni Robredo na bumati sa kanya sa kanyang birthday.

See you Kimmy bukas!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Xian Lim: "I remember… hindi namin napag-usapan, but out of nowhere, we just brought up yung sinabi ni Steve Harvey na every couple needs to have bank accounts. I’m sure some people, may or may not agree na one to pay the bills, one savings for the couple, and one for you and one for her."
PHOTO/S: @xianlimm on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results