Watch Now

JC Santos, naapektuhan nang husto sa performance ni Zanjoe Marudo sa 366

by PEP Troika
Apr 21, 2022
zanjoe marudo bela padilla jc santos 366 premiere
JC Santos (right) on his reaction after watching 366: "It’s a little too much for me! Nahabag ako nang sobra, kasi parang magnified na magnified yung feeling. Na nakikita mo yung close-up, nakikita mo yung reaksiyon ng mata." JC's co-stars in 366 are Zanjoe Marudo and Bela Padilla, who also wrote and directed the movie.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Apektado nang lubos si JC Santos nang mapanood sa big screen ang pelikula nila nina Bela Padilla at Zanjoe Marudo na 366.

“It’s a little too much for me!” bulalas ni JC sa open forum matapos ang special screening ng pelikula nitong Abril 20, 2022, Miyerkules ng gabi, sa isang sinehan sa Quezon City.

“Nahabag ako nang sobra, kasi parang magnified na magnified yung feeling. Na nakikita mo yung close-up, nakikita mo yung reaksiyon ng mata.

“And I wanna commend Zanjoe. This is probably one of the best performances I’ve ever seen. Sa bawat tingin, markadung-markado.

“I felt for his character, at naiintindihan ko yung lahat ng ginagawa niya. And it makes sense to me, everything, every direction.

“At si Bela… we’re doing 100 Tula Para Kay Stella, tapos, nandito na and then she’s directing her own movie right now.

“It’s overwhelming feeling na, ‘Wow! Ang laki na ng na-step up ng co-actor ko na ito! Direktor ko na ngayon at napapanood ko yung pelikula niya.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And it’s such a great performance. I don’t know what else to say, dina-digest ko pa. Congratulations! Great job!”

Maliban sa pagiging lead actress, si Bela ang direktor, bumuo ng kuwento, at nagsulat ng screenplay ng 366.

Pahayag naman ni Zanjoe, “Tama nga yung sinabi ni JC na nama-magnify lahat. Pero parang first reaction ko… nako-conscious ako pag nakikita ko ang sarili namin na ang laki namin sa screen.

“Kasi, noong nanonood ako ng mga movies, sa TV lang saka sa phone. Nakakatuwa rin na unti-unti nang bumabalik yung ganitong klaseng set-up.

“At nag-enjoy ako. Mas na-enjoy ko siya dito sa big screen, at kasama pa sila… thank you, thank you, JC… dahil sa comment mo na yun.

“Pero alam niyo naman yung pressure sa akin nung time na gagawin ko ‘tong project na ‘to dahil…

“Well, alam naman natin kung ano na ang narating ng love team ng JC-Bela pagdating sa mga romance, di ba, sa mga drama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya nung pinapanood ko yung eksena niyo sa kama, grabe! Parang… parang kayo talaga sa totoong buhay.

“Sabi ko, ‘Ang galing!’ Kaya pag si Marco [karakter ni Zanjoe] na ang kaeksena ni June [karakter ni Bela], kitang-kita mo yung pagkakahiwalay.

“Kaya ang galing! Ako naman, basta para sa akin, pag nagtrabaho ako, pag happy ang direktor sa ginawa ko, masaya na ako dun, e.

“Hindi ko na iintindihin yung maririnig, yung sasabihin ng iba — basta ang producer ko, ang direktor ko, satisfied sila sa ginawa ko, masaya na ako.”

Natatawang sambot ni JC patungkol kay Bela, “Actually, na-stress ako para sa kanya dahil sa pagiging aktor at pagiging direktor.

“Sabi ko, ‘Ang hirap nito, ah?!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Magba-blocking pa siya, iiyak pa siya mamaya, makikipag-eksena pa.

“Tapos, kailangan niyang baliin yung mga lines niya. Ang dami, ang daming mahihirap na ginawa niya for this film.”

Nag-streaming ang 366 umpisa Abril 15, Biyernes Santo, sa Vivamax.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May cameo sa movie si Alma Moreno.

GORGY RULA

Sina Bela, JC, at Zanjoe ang tatlo sa pinakamagagaling na artista sa kanilang henerasyon.

Hindi ko napanood itong 366, pero sa galing ng mga artistang ito, mapapaganda na nila ang isang pelikula.

Nasusubaybayan ko si Zanjoe sa The Broken Marriage Vow, at magaling talaga siya. Sila ni Zanjian Jaranilla ang consistent sa roles na ginagampanan nila, hindi sumasabit.

Okay rin si Jodi Sta. Maria, pero may ilang eksenang tila sumusunod lang siya sa gusto ng direktor, kaya hindi lumalabas ang pagka-natural. Kaya gusto ko na rin sanang mapanood si Jodi sa isang pelikula.

Mabuti si Zanjoe at nakakagawa pa ng pelikulang ibang-iba sa series na ginagawa niya.

Sana, tuluy-tuloy na itong mga premiere screening sa sinehan, at kasunod nito ay theatrical showing na ng mga pelikula natin.

Sana hindi na ito mauudlot, kahit sinasabing baka bumalik sa surge ng COVID pagkatapos ng eleksyon. Huwag naman sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

I am happy na nabibigyan talaga ng magagandang roles ang mga deserving na artista tulad ng mga nabanggit, lalo na si JC Santos, na kasama rin sa cast ng pelikulang Tahan with Jaclyn Jose and Cloe Barreto.

Sana, mag-normalize na ang situation natin para maibalik na ang dating sigla ng ating industriya.

As for the COVID situation, mind conditioning na naman iyan, at itataon na bilangan at after the elections. Bakit kaya?

Basta, ingat na lang tayo lahat, mga kapatid!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC Santos (right) on his reaction after watching 366: "It’s a little too much for me! Nahabag ako nang sobra, kasi parang magnified na magnified yung feeling. Na nakikita mo yung close-up, nakikita mo yung reaksiyon ng mata." JC's co-stars in 366 are Zanjoe Marudo and Bela Padilla, who also wrote and directed the movie.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results