Watch Now

All-Out Sundays, tatanggap na muli ng live audience; Calista at Ate Gay, live na rin ang shows

by PEP Troika
Apr 21, 2022
all-out sundays
Simula sa Linggo, Abril 24, 2022, ay magpapapasok na muli ng live audience ang musical-variety show ng GMA-7 na All-Out Sundays.
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Magandang balita ang ipinost ng All-Out Sundays sa kanilang social media accounts: simula sa Linggo, Abril 24, 2022, ay magpapapasok na silang muli ng live audience.

Ramdam na nating unti-unti na tayong bumabalik sa normal, kahit may kahigpitan pa rin.

Limited seats lang ang puwede sa loob ng studio. Kung hindi ako nagkakamali, hindi dapat lalagpas ng 80 people ang allowed sa loob ng studio.

Pero kahit paano ay dagdag ng saya ito sa Kapuso stars na magpi-perform sa naturang Sunday musical-variety show.

Sa mga interesadong mapasama sa audience na papapasukin sa studio ay dapat magpa-register sa www.GMANetwork.com/AOSstudioaudience!

Doon ay makakapili kayo ng petsa at oras na gusto ninyong manood. Meron sa April 24, Sunday ng 10 a.m. hanggang 2 p.m., at 5 p.m hanggang 9 p.m. na taping.

Meron ding taping uli sa April 25, Monday ng 11 a.m. hanggang 3 p.m., at 5 p.m. hanggang 9 p.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagkatapos ninyong magpa-register ay hintayin ninyo ang notification thru SMS at email. Ipapakita ninyo pagpasok ng studio ang notification na ito kasama ang isang valid government ID at ang inyong vaccination card.

Para lamang ito sa fully vaccinated, edad 18 years old and above. Walang walk-ins na tatanggapin sa loob ng studio.

Narito ang iba pang reminders sa mga mapapasamang audience sa studio ng AOS:

“Audience will be subject to temperature check and identity verification before entering the studio.

“A daily health monitoring form needs to be accomplished prior to studio entry.

“Non-transferable color-coded wristbands will be provided to all verified audience.

“No masks, no entry. Masks should be worn at all times while inside studio premises.

“No food and drinks (except water) allowed inside the studio.

“Any violator will be asked to leave the studio premises immediately.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganun na rin kaya sa iba pang programa? So far ay wala pa raw desisyon kung gagawin na rin ito sa Eat Bulaga. Ganun pa rin ang set-up nila na napapanood araw-araw.

Ang The Boobay and Tekla Show ay pinag-uusapan pa raw kung magpapasok na rin ba sila ng audience kahit limitado rin.

JERRY OLEA

Abang-abang tayo kung magkakaroon na rin ba ng audience ang Kapamilya shows na ASAP Natin ‘To at It’s Showtime, maging ang daily noontime show ng TV5 na Lunch Out Loud.

Namamayagpag sa ratings at commercial load ang GMA Network, kaya marapat lang na sila ang mag-pioneer sa mga ganitong alituntunin.

Dumarami na ang mga concert at event na may live audience — pero matumal pa rin ang pasok ng moviegoers sa local cinemas.

Sa Abril 26, Martes ng 6:00 p.m., na ang Vax to Normal concert ng Calista sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Magtatanghal ang Calista kasama sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Darren Espanto, at Ken San Jose.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tribute concert ito para sa frontliners ng bansa who deserve praise for their valiant efforts throughout this pandemic.

“We’re slowly working our way back to how things were before the pandemic. And this wouldn’t have been possible if not for our brave frontliners,” sabi ng Calista sa kanila Facebook page.

“They deserve all the praise, and this is our way of saying thanks. It’s been a tough two years, and we think it’s important to hold events like this concert to spread hope.”

Ang Calista ay mina-manage ng Tyronne Escalante Artist Management (TEAM).

vax to normal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Abril 28, Huwebes ng 8:00 p.m., naman ang benefit concert ng The Entertainment Arts & Media (TEAM) sa Music Box, Timog Avenue, Quezon City.

Covid Out, Ate Gay In ang title ng comedy show na pangungunahan ng Mash-Up Queen na si Ate Gay.

Ang malilikom na pondo ay ilalaan para sa GRACES (Home for the Elderly).

Kasali sa palabas sina Sean de Guzman, Marco Gomez, Dax Martin, Regina Otic at EJ Salamante, sa direksiyon ni Obette Serrano.

ate gay comedy show

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyanga pala, noong Abril 17, Linggo ng Pagkabuhay, ay nagsama-sama sa entablado ng ASAP Natin ‘To ang mahigit 30 Kapamilya artists at naghandog ng mga awiting puno ng inspirasyon.

Ito’y upang pasalamatan ang mga sumuporta sa 100-araw na fundraising ng “Tulong-Tulong sa Pag-Ahon: Isang Daan sa Pagtutulungan” ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation para sa mga sinalanta ng bagyong Odette.

Pinangunahan ito nina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez-Alcasid, Moira de la Torre, KZ Tandingan, Ice Seguerra, Nyoy Volante, at Jona.

As of Easter Sunday, nakapaghatid na ng food packs sa 207,649 na pamilya at home repair kits sa 584 na pamilya habang umabot na sa higit P105.86M ang cash donation at nagkakahalaga naman ng P16.5M ang in-kind donations.

NOEL FERRER

Magandang senyales na nagno-normalize na ang lahat. Sana, bumalik na ang live audience sa ating mga programa.

Pero sana hindi naman totoo ang sinasabing surge ng COVID by May. Hay, COVID be gone na talaga… sana!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula sa Linggo, Abril 24, 2022, ay magpapapasok na muli ng live audience ang musical-variety show ng GMA-7 na All-Out Sundays.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results