Watch Now

Vince Rillon, sinigurong hindi lang wild love scenes ang pambato sa pelikula nila ni AJ Raval

by PEP Troika
Apr 21, 2022
Vince Rillon, AJ Raval
Reaksiyon ni Vince Rillon sa desisyon ni AJ Raval na maging pihikan sa paggawa ng sexy movies: "Actually, gusto naman talaga niya ang ginagawa niya. Kaya lang, baka maapektuhan yung pag-aaral niya, para kahit paano maiba ang tingin sa kanya ng mga tao. Medyo lie-low lang daw po muna siya."
PHOTO/S: Vivamax / Kaliwaan

GORGY RULA

Isa si Vince Rillon sa natutuwa sa desisyon ni AJ Raval na i-prioritize muna ang pag-aaral kesa sa pag-aartista.

Read: AJ Raval tinanggihan ang Scorpio Nights dahil kay Aljur Abrenica?

Si Vince ang leading man ni AJ sa pelikulang Kaliwaan ng Vivamax, at maaaring ito na ang huling sexy movie ni AJ.

Pero naniniwala si Vince na hindi naman tuluyang iiwan ni AJ ang pag-aartista.

"Actually, gusto naman talaga niya ang ginagawa niya. Kaya lang, baka maapektuhan yung pag-aaral niya, para kahit paano maiba ang tingin sa kanya ng mga tao.

"Medyo lie-low lang daw po muna siya," pakli ni Vince nang nakapanayam namin sa DZRH nung Miyerkules, April 20, 2022.

May sex scenes daw sila ni AJ sa Kaliwaan, pero hindi na raw ito mapapansin kapag napanood ang kabuuan ng pelikula dahil maganda ang kuwento nito.

"Pag napanood nila ‘tong pelikula, siguro hindi nila hahanapin yung daring namin ni AJ Raval kasi sa kuwento. Grabe kasi yung nangyari sa amin dun, grabe!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero ibinigay po namin AJ ang best namin dun,” sabi pa ni Vince.

Vince Rillon, AJ Raval

Read: Vince Rillon, hindi pa maka-move on sa mapusok na love scenes nila ni Paolo Gumabao

Samantala, nilinaw naman ng dating leading man ni AJ na si Sean de Guzman na hindi siya umabot sa panliligaw sa sexy actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatatlong pelikula (Nerisa, Taya at Hugas) at isang series (Iskandalo) sina AJ at Sean.

Aminado si Sean na hindi malayong ma-in love siya kay AJ, pero hindi raw niya binalak na ligawan ito.

"Wala pong balak… nagkaroon pero tapos na po yun," medyo nalilito pa niyang sagot nang nakapanayam namin sa story conference ng pelikula niyang Fall Guy ng 3:16 Media Network at Mentorque Production.

"As of now kasi, hindi ko tinitingnan sa ganun, e. Parang mahalaga po yung friendship namin.

"Kaming dalawa ni AJ, good friends po kami. Suportado po namin ang isa’t isa sa gusto namin sa buhay.

"Kung ano man yung gusto niya sa buhay niya, suportahan ko siya. Siya din para sa akin.

"Ayoko lang isugal yung friendship namin, kasi mas solid yung friendship namin,” dagdag niyang pahayag.

AJ Raval, Sean de Guzman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Maganda ang desisyon ni AJ Raval na i-prioritize ang kanyang pag aaral.

Pero hindi ba niya kaya kayang ibalanse talaga ang dalawa?

Oh well, I wonder kung may iba pang compelling reason sa kanyang pag-iwan pansamantala sa paggawa ng pelikula.

JERRY OLEA

Inlabey si AJ kay Aljur Abrenica, kaya hindi natin masisi ang sexy star kung umiwas muna sa hubaran at harutan sa pelikula.

Pinakawalan ni AJ ang proyektong Scorpio Nights 3, na malugod na sinalo ni Christine Bermas.

Nawa’y pagbutihin ni AJ ang pag-aaral na babalikan niya. At nawa’y lalong tumibay ang pagmamahalan nila ni Aljur.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Reaksiyon ni Vince Rillon sa desisyon ni AJ Raval na maging pihikan sa paggawa ng sexy movies: "Actually, gusto naman talaga niya ang ginagawa niya. Kaya lang, baka maapektuhan yung pag-aaral niya, para kahit paano maiba ang tingin sa kanya ng mga tao. Medyo lie-low lang daw po muna siya."
PHOTO/S: Vivamax / Kaliwaan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results