Watch Now

Kapamilya na si Matteo Guidicelli, mapapanood sa Kapuso program

by PEP Troika
Apr 22, 2022
farm to table
Kapamilya actor Matteo Guidicelli guests on GTV's Farm To Table hosted by Chef JR Royol. GTV is an affiliate station of GMA Network.
PHOTO/S: GTV

GORGY RULA

Nang inikot namin ang Paete, Laguna ay nasagap naming may binili palang lupa roon ang mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Parang halos isang bundok daw ito na pag-aari ng lolo ni Leandro Baldemor, pero hindi alam ng aktor kung gaano ito kalawak at kung magkano ang bili rito ng mag-asawang Guidicelli.

Kaya yung mga nakikita natin sa Instagram account ni Matteo na nangangabayo sa isang farm, maaaring doon iyan sa Paete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba raw talaga ang farm life at nagustuhan ito ng mag-asawang Matteo at Sarah.

Ito ang isa sa ibabahagi ni Matteo sa guesting niya for the first time sa programang Farm to Table ni Chef JR Royol sa GTV.

Siyempre, nakaka-excite mapanood ang Kapamilya actor sa Kapuso network! Kaya abangan ito sa programa ni Chef JR kung saan nilibot nila ni Matteo ang trails ng Pestaño Farm sa Antipolo, Rizal at sinubukan ang iba’t ibang activities.

farm to table

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibabahagi rin ng dalawa ang inspiring stories nila at masasarap na recipes, kagaya ng pag-brew ng locally produced cacao tea.

farm to table

Maghahanda rin sila ng steak and eggs na pam-breakfast, fish in lemon butter sauce with Thai mango salad on the side, at lemon and lime marmalade served with herb bread.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

farm to table

Nakakatakam isipin, lalo na’t sasabayan ito ng mga kuwentuhan nila sa buhay, sa pamilya, at ibabahagi rin ni Matteo kung paano niya nagustuhan ang farm life.

Abangan to sa Farm to Table ni Chef JR sa Linggo, April 24 ng 7:00 pm., sa GTV.

JERRY OLEA

“Love Together This Summer” ang hiyaw ng mga Kapuso ngayong tag-araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung pelikulang Miss Granny ni Sarah Geronimo ay rumatsada sa ratings (GMA at GTV) nang ipalabas noong Abril 15, Biyernes Santo ng 7:00 p.m.

Ano kaya ang kahihinatnan ng guesting ni Matteo sa GTV?

9:35 p.m. na ang timeslot ng Bubble Gang tuwing Friday sa GMA 7 — mas maaga —kaya inaasahan nating mas lalakas ang ratings nito.

Balik-Kapuso si Rufa Mae Quinto, na bida sa “Sikreto” episode ng Tadhana bukas, Abril 23, Sabado ng 3:15 p.m., sa Siyete.

Co-stars ni Rufa Mae sa episode na ito sina Irma Adlawan, Arra San Agustin, Luis Hontiveros, Ashley Ortega, at iba pa.

tadhana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ire-replay ng Magpakailanman bukas ng 8:00 p.m., pagkatapos ng Agimat ng Agila, ang episode na "My Stalker Girlfriend" nina Kate Valdez at Migo Adecer.

Sa Abril 24, Linggo ng 3:05 p.m., ang premiere ng fantaseries na Raya Sirena ni Sofia Pablo.

Meron pa ring Regal Studio Presents tuwing Linggo ng 4:35 p.m.

Sa Abril 25, Lunes ng 3:25 p.m., naman ang premiere ng Raising Mamay ni Ai-Ai delas Alas. Mapantayan man lang kaya nito, o lalampasan ang kabogerang ratings ng Little Princess ni Jo Berry?

Andami pang ibang aabangan sa GMA Network, na patuloy ang pag-ariba sa ratings at commercial load.

Nalalapit na ang pagwawakas ng Prima Donnas. Hindi ito masyadong sumipa sa ratings kaya hindi na ito mae-extend, at malabo nang nagkaroon ng third season.

Noong Abril 21 ay nag-umpisa sa Netflix ang Japanese series na He’s Expecting. Comedy drama ito, kagaya ng forthcoming Kapuso series na False Positive na mag-uumpisa sa Mayo 2, kung saan buntis ang karakter ni Xian Lim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ilulunsad ng ABS-CBN, KROMA, at 917Ventures ngayong Mayo ang PIE, ang unang real-time at multi-screen interactive channel sa Pilipinas.

Hatid ng PIE o Pinoy Interactive Entertainment ang tinatawag na “tradigital” viewing kung saan mae-enjoy ang all-day contests kung saan puwedeng manalo ng mga papremyo tulad ng pera at pagpapadami ng followers sa social media, at teleserye kung saan kayang baguhin ang takbo ng kuwento gamit ang iba’t ibang device tulad ng TV, laptop, desktop, at mobile devices.

pie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan ang pagbabalik ng game show na “Pera o Bayong” sa PIE, ang unang interactive teleserye sa Pilipinas na UZI, at ang reality show na Palong Follow kung saan kailangang magtulungan ang viewers para makilala ang susunod na bigating content creators.

Mayroon din itong mga palabas na puwedeng salihan at ariin ng manonood tulad ng “Ekstra Ordinaryo,” “Bida Body Part,” at “Playlist Natin.”

Nagsimula na ang test broadcast ng PIE nitong Abril.

Sa Mayo, puwede na itong mapanood ng 11 milyong tahanan na may digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Zamboanga, Naga, Baguio, at karatig-probinsiya.

Accesible din ito sa 85 milyong Pilipinong nasa digital.

NOEL FERRER

Patuloy ang pagwawagi sa ratings ng First Lady at Widows’ Web na napapanood sa GMA at GTV.

Hindi kalakihan ang agwat ng ratings ng mga ito sa FPJ’s Ang Probinsyano at The Broken Marriage Vow na natutunghayan naman sa TV5, A2Z, at iba pang channels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero as we have said time and again, hindi na lang sa free TV ang paramihan ng viewers kundi maging sa online.

Noong Abril 11, Lunes Santo, nagtala ng all-time high na 222,000 live concurrent viewers ang madugong bakbakan sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Patuloy na nag-e-evolve ang viewing habits ng mga Pilipino. Sa Hunyo ay may bagong streaming platform na ilulunsad para sa Pinoy viewers.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya actor Matteo Guidicelli guests on GTV's Farm To Table hosted by Chef JR Royol. GTV is an affiliate station of GMA Network.
PHOTO/S: GTV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results