JERRY OLEA
Inilunsad ni Maria Ozawa ang online gaming portal na Maria’s Room nitong Abril 22, 2022, Biyernes, sa Cove Manila ng Okada hotel resort sa Parañaque City.
Kababalik lang dito ng 36-anyos na Japanese actress-model mula sa Japan. Ano ang na-miss niya sa Pilipinas?
“Everything, the food, the weather, the beaches. I really like the Philippines,” nakangiting tugon ni Maria.
Naiwan ni Maria sa Pilipinas ang kanyang alagang aso two years ago. Aasikasuhin niya ang papeles upang maiuwi niya ito sa Japan.
Lumabas si Maria sa pelikulang Nilalang (MMFF 2015) katambal si Cesar Montano. Gusto ba niyang gumawa uli ng Filipino film?
“Yes, yes, yes, yes. Hopefully very, very soon.”
Handa ba siyang mag-fall in love again sa Philippines?
Natawa si Maria, “Hopefully, hopefully.”
Pero happy siya right now?
“I’m happy, yes.”
Nag-break na si Maria at ang celebrity chef na si Jose Sarasola.
Read: Jose Sarasola admits breakup with Maria Ozawa: "Ang hirap lang talaga ng LDR."
Noong Pebrero pa nag-soft launch ang Maria’s Room, at patuloy na dumarami ang tumatangkilik dito.
“It was really exciting, and of course we did it when I was in Japan. It was like my very first big project also,” ani Maria.
“So, I was really happy that it’s going to work out very well. It means I can come back here in the Philippines also for business and I’m just really thankful.”
GORGY RULA
Dala na rin ng pandemic kaya nauuso ang online gaming, at waging-wagi ang Maria’s Room ni Maria Ozawa para sa mga mahilig maglaro online.
Masaya sila na sa soft launch pa lang ay maganda na ang response kaya nagpapasalamat ang creative director ng M88 Mansion na si Mr. Carlos Lopez sa success nito.
“On behalf of M88 Mansion and together with our celebrity partner, Maria Ozawa, we would like to thank our dear audience for the good reception and overwhelming support.
“May they continuously be with us as we grow the business and do more projects with Maria,” pahayag ni Mr. Lopez.
Maria's Room offers online casino games recommended by Maria Ozawa herself from top gaming providers such as Pragmatic Play, Microgaming, Sexy Gaming, CQ9, and more.
Dito rin sa platform na ito ni Maria Ozawa ay puwedeng makatanggap ang players ng shoutout mula sa Japanese model-actress.

In-introduce din ng M88 Mansion sa Maria’s Room ang workout kits para sa kanilang followers. Inspired ito ng pagiging health and fitness enthusiast ni Maria, na napapanood sa segment na "Monday Mornings with Maria" sa Facebook at YouTube.
Sa totoo lang, marami na ring ganitong online gaming na nagpi-feature ng magagandang female models. Karamihan ay foreign models na wala pa ring nararaket na fashion shows dito sa bansa. At least, may fallback na raket ang ibang female models.
NOEL FERRER
Masusubaybayan ang updates ng Maria’s Room sa social media accounts nito sa Facebook, Twitter, Instagram, TikTok, at YouTube.
Ang M88 Mansion na pasimuno ng Maria’s Mansion ay noong 2007 pa na-establish. Mahigit 1M ang registered players nito sa Southeast Asia.
Kaya doon sa presscon sa Okada Manila, yung fast talk kay Maria ay galing sa iba’t ibang bansa sa Asia, partikular sa Indonesia, Vietnam, Malaysia, at Thailand.
