Watch Now

Direk Joel Lamangan, binanggit ang mga artistang gustong makatrabaho muli

by PEP Troika
Apr 23, 2022
joel lamangan stars he wants to work with
Sinu-sino ang mga beteranong artista ang gustong maidirek muli ng award-winning director na si Joel Lamangan?
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Ikinasiya ni Joel Lamangan na maidirek muli si Glydel Mercado sa pelikulang Fall Guy, na syinuting sa Angeles City.

Naka-grand slam si Glydel bilang best supporting actress para sa pelikulang Sidhi (1999) ni Direk Joel.

Inaasam ni Direk Joel na makatrabaho muli sa pelikula ang iba pang mga beteranong artista.

“Masaya ako dahil matagal kong hindi nakita si Glydel. Ang tagal kong hindi siya nakasama!” bulalas ni Direk Joel sa storycon ng Fall Guy noong Abril 17, 2022, Easter Sunday, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City.

“Magaling na artista 'yan, e! Kaya nung nagkaroon ako ng pagkakataong isama siya rito, isinama ko na siya rito.

“Kasi, hindi ko alam kung kailan ko siya makakasama pa. Masaya ako!

“Gusto ko ring makatrabaho si Gina… si Gina Alajar, pati si Gina Pareño. Kasi, naging artista ko 'yan. Gusto ko si Alajar.

“Si Ate Vi [Vilma Santos], gusto ko, at may project kaming kino-conceive for her. Pinu-push yun ni John Bryan Diamante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko rin si Sharon [Cuneta], e, wala lang akong material for Sharon. Even Dawn [Zulueta], gusto ko si Dawn. Ang dami kong nagawa kay Dawn.

“Kahit si Richard Gomez, gusto ko uli. Si Boyet [Christopher de Leon], gusto ko ulit makasama…

“Nakakahiya kasi na kukunin mo sila na wala namang project na bagay sa kanila. Kailangan, kung may io-offer ka sa kanila, there’s something they can bite on.

“Something na pagtatrabahuhan nila na maganda. Kasi, kung io-offer mo, ganun-ganun lang, nakakahiya. Lalo na kay Ate Guy [Nora Aunor], lalo na kay Boyet.

“Matagal ko na ring hindi nakatrabaho si Tirso. Ang dami kong ginawang Tirso Cruz III.

“Si Ipe [Phillip Salvador], at least may isa akong natapos, di ba? Yung Isa Pang Bahaghari [MMFF 2020]. Yung iba, wala pa.

“Kaya lang, ang mga producer ngayon, ayaw na ng mga malalaking artista, dahil ang laki-laki ng budget.

“Gusto ko ngang ibalik yung Moral [1982], ang ganda-ganda. Gusto kong gumawa ng parang ganun. Ibabalik ko sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto rin ni Direk Joel na makatrabaho muli si Dina Bonnevie, na napabalitang inayawan siya sa pelikulang Walker, at sinalo ni Rita Avila ang role.

Napakunot-noo si Direk Joel, “Umayaw ba siya sa akin? Ay, hindi! Ako ang umayaw!

“Ayaw niya ng role. Gusto niya, mapabuti yung role. ‘Aba, bakit iibahin mo? Ay, naku, palitan ka na lang!’ Ganun yun, 'Day.

“Gusto ko pa rin siyang maka-work. Mahusay na artista 'yan, kaya lang, parati kaming nag-aaway, kaming dalawa. Pero bati-bati uli.

“Kasi, ganyan-ganyan 'yan, e. Hindi niya alam, naririnig ko, kasi naka-mic!” pagmumuwestra ni Direk Joel.

Hopia din si Direk Joel na makatrabaho muli si Maricel Soriano.

“Merong isang producer na gustong gumawa ng Maricel. Sana, matuloy,” pagbuntong-hininga ni Direk Joel.

GORGY RULA

Dapat ay kasali rin si Amy Austria dito sa Fall Guy, pero hindi lang nagkatugma sa schedule.

Gusto na rin ni Amy bumalik sa pag-arte, at gusto niya sana ito dahil kay Direk Joel Lamangan. Pero tinanong ako ni Amy kung nagtatalak pa rin ba si Direk Joel sa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo natakot daw siya dati kapag si Direk Joel ang direktor nila, dahil may naalala siyang experience noon nung ginagawa nila ang Mano Po (MMFF 2002). Iyon ang mga panahong madaling nagagalit si Direk Joel kapag napi-pressure sa set.

Pero nilinaw naman ni Direk Joel na hindi siya yung tipong talak na lang nang talak. Nagagalit lang daw siya kapag may maling nagagawa sa shoot, lalo na kapag may nali-late.

“Wala kang karapatang magpa-late, kahit sikat na artista ka pa. Wala kang karapatang magpahintay ng mga tao, mga co-stars mo, pati ang crew,” pahayag ni Direk Joel.

Kaya naman disiplinado ang mga artista ng mga pelikulang ginagawa ng premyadong direktor.

Sa dami ng mga pelikulang ginagawa ni Direk Joel na karamihan ay mga baguhan ang mga artista, gusto niya talagang may kinukuhang magagaling na veteran stars para sa major support.

“Kasi ngayon, parang hindi na sila kilala ng ibang mga millennial, di ba?” sabi pa ni Direk Joel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Gusto ring maidirek ni Joel Lamangan si Nadine Lustre.

“Hindi ko pa naidirek si Nadine. Pag may maganda project siguro, gusto kong idirek si Nadine Lustre,” sey ni Direk Joel.

“Ang hitsura kasi niya, Pinay. Kahit saang festival mo siya dalhin, makikita sa kanya ang ganda bilang Filipina actress.

“Hindi siya Latin American, hindi siya Chinese, hindi siya Thai. Pinay ang hitsura niya!

“At may karakter na Pilipina. At marunong umarte!”

Pagkatapos ng eleksyon sa Mayo, sa tingin ba niya ay may mga pagbabago sa industriya ng pelikulang Pilipino?

“I’m hoping na magpunta na ang mga tao sa mga sinehan… pero napakamahal ng sine!” pahayag ni Direk Joel.

“Kaya aking ipinu-propose sa FDCP (Film Development Council of the Philippines), sabihin sa gobyerno, i-subsidize ang cost, ang sinehan.

“Di ba? Kasi, nagbabayad naman tayo ng tax. Kaya sana, i-subsidize. Kung P350 o P250 ang bayad sa sine, P150 sa government.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang natitira, sa tao na lang. Kasi, sa ibang country, subsidized. Sa South Korea, alaga ng gobyerno ang movie industry. Sa Thailand, ganun na rin ngayon.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinu-sino ang mga beteranong artista ang gustong maidirek muli ng award-winning director na si Joel Lamangan?
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results