GORGY RULA
Nagpapasalamat ang Kapuso young actor na si Allen Ansay sa magandang feedback sa bagong mini-series nila ni Sofia Pablo na Raya Sirena, na nagsimulang umere noong Linggo, April 24, 2022.
“Maraming-maraming salamat po talaga. Kasi kung hindi po dahil sa inyo, hindi magiging mini-series ang Raya Sirena.
“Very thankful kami. Every Sunday na po siya, and ayun po, sisiguraduhin po namin na marami pa po kayong aabangan sa Raya Sirena na ‘to.
“Hindi ito katulad ng ibang sirena story, na talagang mas may lalim ang kuwento,” pahayag ni Allen sa nakaraang farewell mediacon ng Prima Donnas na magtatapos na sa Sabado, April 30.
Matindi kasi ang katapat ng Raya Sirena na FPJ Da King, pero kahit paano ay lumaban sa rating ang palabas nina Allen at Sofia noong Linggo.
Simulan muna natin sa live episode ng All-Out Sundays, na naka-4.2% kumpara sa 2.5% combined ratings ng ASAP Natin ‘To.
Sinundan ito ng GMA Blockbusters na naka-3.7%.
Ang Raya Sirena ay naka-3.5%, pumantay sa combined ratings ng FPJ Da King na 3.5%.
Medyo bumaba ang The Best Ka! na naka-2.8%, at 2.9% naman ang Regal Studio Presents.
Tila mababa pa rin ang viewership sa mga oras na yun dahil 4.8% lang ang Amazing Earth.
Ang 24 Oras Weekend naman ay naka-9.7%, at 1.4% ang TV Patrol Weekend.
Bagong episode naman ang sa Daig Kayo ng Lola Ko na naka-10.5% versus Pinoy Big Brother na baka-1%.
Consistent pa ring mataas ang Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz na may 13.7%, at 1% ang katapat nitong He’s Into Her (Season 2).
Sa susunod na linggo ay magti-taping ang Happy ToGetHer sa Boracay para sa kanilang summer episode.
Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay medyo tumaas at naka-16.1%, at sumunod ang The Boobay and Tekla Show na consistent ding mataas sa 4.7%.
Nung nakaraang Sabado, April 23, ay medyo mababa rin ang viewership.
Sa primetime na sinimulan ng 24 Oras Weekend ay naka-7.1% ito, at 1.9% naman ang TV Patrol.
Ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ay 9.4%, at 1.8% ang My Papa Pi. Sumunod ang Agimat ng Agila na naka-10.8% versus PBB na 1.6%.
Mataas naman ang Magpakailanman na naka-12%, at 1.9% ang Maalaala Mo Kaya.
Samantala, consistent pa ring mataas ang game show ni Dingdong Dantes na Family Feud. Naka-7.8% ito nung nakaraang Lunes, April 25.
Magsisimula na rin ang bagong sitcom ni Dingdong na Jose and Maria, Bonggang Villa, na pagsasamahan nila uli ng misis niyang si Marian Rivera.
Abangan natin kung mainit din ang pagtanggap dito ng mga televiewers, lalo na’t magaganda ang ratings ng mga sitcom ng Kapuso network.
JERRY OLEA
Bida si Migo Adecer sa replay episode (“My Stalker Girlfriend”) ng Magpakailanman noong Sabado night sa GMA-7.
Matagal nang umalis sa local showbiz si Migo pero umariba pa rin sa game of ratings ang episode niya sa nasabing drama anthology. In fact, iyon ang pinakamataas ang TV rating nang araw na iyon!

Sa Abril 30, Sabado ng 8:00 p.m., ay fresh episode ang handog ng Magpakailanman, “Ampon Man Sa Iyong Paningin: The Jane Magbanua Story” na pagbibidahan ni Liezel Lopez.
Kuwento ito ng isang babaeng ampon at biktima ng rape.
Tampok din sa episode na ito sina Nonie Buencamino, Sharmaine Arnaiz, Juancho Triviño, Jon Lucas, at Jay Arcilla.

Nag-guest ang Kapamilya na si Sam Concepcion sa live episode ng All-Out Sundays noong Linggo, pero hindi naman tayo nagulantang sa itinalang rating ng programa.
Waging-wagi sa ratings ang Kapuso programs tuwing Sabado at Linggo.
Noong Abril 22, Biyernes, ay kinabog muli ng FPJ’s Ang Probinsyano (12.2%) ang First Lady (12.1%). Ito na ang ikatlong pagkakataon na pinataob ni Carding Dalisay (karakter ni Coco Martin) ang First Lady, di ba?!
NOEL FERRER
Ngayong papalapit na ang eleksyon, the voters need programs to guide them sa maayos na pagpili ng mga leader.
OK pa rin ang entertainment, kailangan nating mang-aliw… pero of course, ayaw nating maging entertainment ang kalalabasan ng ating halalan.
