PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Benz Sangalang to consider frontal nudity for the right project

Benz, payag na walang plaster kung natuloy ang Scorpio Nights 3 nila ni AJ Raval.
by PEP Troika
Published Apr 29, 2022
Benz Sangalang
Ang karanasan ni Benz Sangalang nang tanggalin niya ang plaster matapos ang daring na eksena sa Secrets: "Masakit ho! Kaya nga ho parang… tinuruan ho nila ako na lagyan ng langis, ganyan. E, hindi ako nakapagdala. Kaya talagang masakit!"
PHOTO/S: Jerry Olea / CTTO

JERRY OLEA

Masaya ang baguhang hunk actor na si Benz Sangalang pagkatapos ng shooting ng Vivamax movie na Secrets.

Read: Newcomer Benz Sangalang changes his mind about frontal nudity: "Wala pa nga akong pangalan, tapos aarte na ako?"

Co-stars niya rito sina Janelle Tee, Denise Esteban, at Felix Roco. Ito ay sa direksiyon ng multi-awarded writer-director na si Jose Javier Reyes.

"Masaya po, nakatapos na ng isang movie na isa ako sa mga lead," lahad ni Benz nitong Abril 27, 2022, Miyerkules, sa Wing Zone-Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

"Nabawasan na yung tinik ng dibdib ko, kumbaga. Kasi, bago po magsimula talaga ng shooting, kabadung-kabado ako, e.

"Direk Joey Reyes pa yung direktor kaya yun, parang… kinalmahan ako."

Kumustang ka-partner si Janelle?

"Mabait naman po. Parang akala ko noong una, medyo intimidating. Kasi, beauty queen siya, e," saad ni Benz.

"Parang conyo-conyo. Pero nung nakasama ko nang matagal, Okay naman po siya. Siyempre, alam niya, unang lead role ko yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang gina-guide niya ako na parang ganyan. Yun po.”

Gaano siya ka-daring sa Secrets? Hanggang saan ang paghuhubad niya?

Napangiti si Benz, "Sakto lang po, e. Parang… lahat po, may plaster naman. Pero meron akong isang scene na wala akong plaster.

"Kasi, saglit lang siya. Saka sa isang araw lang na yun kukunan nang ganun. Pero walang ipinakita.

"Pero iyong iba pa pong scenes namin, talaga pong may plaster. Kahit po yung eksena na tumakbo kami sa dagat ni Felix."

Ano ang pakiramdam niya nung tinatanggal ang plaster?

"Masakit ho! Kaya nga ho parang… tinuruan ho nila ako na lagyan ng langis, ganyan," salaysay ni Benz.

"E, hindi ako nakapagdala. Kaya talagang masakit! Hanggang ngayon nga, minsan meron pa akong hinihilot na parang…"

Benz Sangalang

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

So, mas gusto niyang huwag nang mag-plaster sa intimate scenes in the future?

Napakunot-noo si Benz, "Siguro, depende ho sa project, e. Kung kakailanganin naman sa project na wala…

"Kunyari, yung direktor, pihikan. Meron daw kasing direktor na ayaw nilang may plaster."

Dito sa Secrets, bago pa sila mag-shooting ay napagkasunduan nang magpa-plaster sila.

"Sinabi naman ni Direk Joey na, ‘Nasa sa inyo!’ Ayaw raw niya na bold na bold kasi," lahad ni Benz.

"May story po kasi talaga yung movie. Parang suspense kasi siya. Yung sikreto, tungkol sa akin, e. Sikreto ko siya.

"Tapos, sa akin po… kasi, first time ko namang mag-lead saka first time kong maghubad, kaya kahit paano, merong bago.

"Before naman, support-support lang ako. Hindi naman ako naghuhubad, ganyan."

Sa totoong buhay, marami ba siyang secrets?

Napatango si Benz, "Medyo marami po, e. Ha! Ha! Ha! Ha! Pag nakita po nila, kunyari may direktor ako na kinailangang ilabas yun…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos, ipinakita ko—magigimbal sila. Yun ang masasabi ko. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

"Pero sa ngayon, hindi pa kailangan, e."

Dalawang project ang naka-line up na niyang gagawin sa Vivamax.

Una, yung Sitio Diablo na pagbibidahan nila ni AJ Raval, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

Ikalawa, yung part 2 ng Taya, kung saan co-stars niya sina Angeli Khang at Diego Loyzaga.

GORGY RULA

After Secrets, payag nang mag-frontal si Benz sa pelikulang Scorpio Nights 3 na pagtatambalan sana nila ni AJ.

Nang tanggihan ni AJ ang nasabing project at sinalo iyon ni Christine Bermas, natanggal na rin sa casting niyon si Benz.

Sa halip, gagawin na nina Benz at AJ yung Sitio Diablo.

Mas may chemistry si Benz with AJ kesa kay Christine?

"Hmmm, tingnan na lang po natin. Sana po. Kasi, si Sean de Guzman, sumikat nung silang dalawa ni AJ," sabi ni Benz.

"Hindi naman ako parang nag-e-expect. Pero sana. Gagalingan ko na lang!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Benz Sangalang, Secrets, Vivamax

Sa palagay niya, bakit napili siya ni Direk Joey Reyes na kuning lead actor sa unang Vivamax film nito?

"Hmmm... siguro po dahil bagay sa akin yung role. Kasi, parang mahiyain ho kasi yung role, e," sagot ni Benz.

"E, sa ngayon, nagsisimula ako, medyo mahiyain ako. Nung maghuhubad-hubad na ako sa shooting ng Secrets, ang tagal bago ako nakapaghubad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagwo-workout naman po ako, maganda naman po ang katawan ko, wala naman pong ikakahiya…"

NOEL FERRER

I understand movie comeback na ito ni Benz na dati nang nag-artista at ngayo’y nabigyan ng second chance sa kanyang career. Good luck!

Sa kanyang FB posts, parang eternally ay nagdyi-gym siya, so kita mo talagang pinangangalagaan niya ang kanyang physique.

Sana dito sa kanyang pagbabalik, husayan niya ang kanyang acting para mapansin siya at mapuri!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang karanasan ni Benz Sangalang nang tanggalin niya ang plaster matapos ang daring na eksena sa Secrets: "Masakit ho! Kaya nga ho parang… tinuruan ho nila ako na lagyan ng langis, ganyan. E, hindi ako nakapagdala. Kaya talagang masakit!"
PHOTO/S: Jerry Olea / CTTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results