Sanya Lopez, itinutukso sa St. Benilde player na si AJ Benson

by PEP Troika
Apr 29, 2022
aj benzon sanya lopez
Ipinahiwatig ng College of St. Benilde star player na si AJ Benson na sana ay mapadalas ang panonood ng Kapuso actress na si Sanya Lopez sa kanilang mga laban sa NCCA.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Magkaka-boyfriend na kaya si Sanya Lopez pagkatapos ng First Lady?

Kahit ang mga kasamahan niyang The Dears sa First Lady ay excited nang magka-boyfriend ang Kapuso actress at hindi puro trabaho lang.

Nagkatuksuhan nga nang sumama si Sanya Lopez kay Maxine Medina manood ng laban ng College of St. Benilde at Mapua University sa NCAA, noong April 19, 2022, sa gym ng La Salle Greenhills.

Si Maxine ay alumna ng College of St. Benilde at sinuportahan niya ang basketball team ng kanyang alma mater.

Hindi nga lang nanalo ang kanilang team, pero todo cheer sina Sanya at Maxine lalo na kapag nakakapuntos ang star player nilang si AJ Benson.

Pagkatapos ng laro ay naimbitahan sina Sanya at Maxine na ma-interview sa in-between show na Game On na hinu-host ni Martin Javier. Napapanood din ito sa GTV.

Doon ay tinukso si Sanya kay AJ, lalo nang pumasok ang basketbolista para ipakilala sila. Nag-sorry si AJ kay Sanya na hindi sila nanalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Sanya, may next time naman kaya okay lang yun.

“I need you more. I need you next time,” sabi ni AJ kay Sanya.

“I’ll be there,” sagot naman ni Sanya, na parang may slight na kilig kay AJ.

Sabi naman ni Sanya sa unang interview sa kanya, madalas na mga basketbolista ang nanliligaw sa kanya noon. Pero naka-focus talaga siya sa trabaho, kaya hindi siya nagkaka-boyfriend.

Lalo na siguro ngayon, lalong dumarami ang nanliligaw sa kanya.

“Okay lang naman, wala namang problem dun. Pero if ever kasi, yung liligawan ng mga iyan ay yung mga Dears,” pa-humble na sagot ni Sanya sa host ng Game On.

Tingnan na lang natin kung magkakaligawan na kina AJ Benzon at Sanya Lopez. Sana, magka-boyfriend na talaga ang bida ng First Lady.

JERRY OLEA

Na-link before si Sanya Lopez kay Gab Lagman, na ang totoong pangalan ay Gabriel Paolo Lagman.

Nakatambal ni Sanya si Gabby Concepcion sa First Yaya, na ang Book 2 ay itong First Lady. Gabriel ang tunay na pangalan ni Gabby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa season 1 ng Agimat ng Agila ay si Sanya ang leading lady ni Senator Bong Revilla. Ang pangalan ng karakter ni Senator Bong sa maaksyong fantaserye ay Gabriel Labrador.

Akala natin ay may susunod pang Gabriel sa buhay ni Sanya, ngunit mukhang pang-AJ na siya!

Siyanga pala, “nakabawi” agad ang First Lady sa game of ratings.

Noon kasing nakaraang Biyernes, Abril 22, ay tinalo muli ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ang tandem nina Melody (Sanya Lopez) at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion). Naka-12.2% ang combined ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano, samantalang naka-12.1% ang First Lady.

Pero this week ay wagi na muli ang First Lady, na naka-14.3% noong Abril 25, Lunes kumpara sa 10.9% ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Noong Abril 26, Martes, naka-13.7% ang First Lady, kumpara sa 11.2% ng FPJ’s Ang Probinsyano.

At nitong Abril 27, Miyerkules, naka-14.9% ang First Lady, kumpara sa 10.0% ng FPJ’s Ang Probinsyano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sana nga, hindi lang sa career at sa propesyunal na gawain dapat mabiyayaan kundi pati na sa personal na gawain. Need nating maraming grasya hindi lang materyal kundi o lalo na sa pagmamahal!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinahiwatig ng College of St. Benilde star player na si AJ Benson na sana ay mapadalas ang panonood ng Kapuso actress na si Sanya Lopez sa kanilang mga laban sa NCCA.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results