PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dalawang aktres babae sa dilim, hanggang kelan maliligayang araw?

Mag-aalab pa rin kaya ang kanilang love affairs pagkatapos ng eleksyon?
by PEP Troika
Published May 1, 2022
Mag-aalab pa rin kaya ang kani-kanilang love affairs pagkatapos ng eleksyon?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha

GORGY RULA

Ayon sa ilang sources ng PEP Troika, tuloy pa rin ang relasyon ng napakayamang negosyante sa magandang aktres na ilang beses nang na-link sa ilang male celebrities.

Tahimik lang si aktres at pati si negosyante na abala ngayong nalalapit na eleksyon.

Ang isa kasi sa nakarating sa amin ay hiwalay na sila, pero hindi pa pala. Iyun lang ang pinalutang na kuwento para hindi na sila pag-uusapan uli.

Nakatira pa rin daw si magandang aktres sa isang sosyal na village, kung saan ibinili raw siya roon ng bahay nitong napakayamang negosyante.

Ganundin daw ang drama ng seksing aktres na ang daming nagnanasa sa kanya, pero dedma siya sa ibang lalaking pumuporma sa kanya.

Inlabey pa rin daw talaga si seksing aktres kay dakilang actor/politician na pawang magaganda ang nali-link dito.

Ang sabi ng aming source, itong si seksing aktres daw ang sobrang in love pa rin, at siya pa raw ang madalas na nagseselos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Minsan nga ay hindi na raw nakakalabas si dakilang actor/politician para makipagkita sa mga kaibigan dahil pinipigilan daw ito ni seksing aktres.

Kaya kapag tumatanggi raw si dakilang actor/politician na lumabas o makipag-meeting, ibig sabihin ay kasama nito si seksing aktres.

May kumalat na litrato ng dalawa recently, pero matagal na palang kuha iyun, na ikinagulat nila kung bakit lumabas na naman.

JERRY OLEA

Mas mainit pa yata sa tag-araw ang mga romansang ito.

Abangan natin kung lalong mag-aalab ang kanilang powerful love affairs matapos ang eleksyon.

Si magandang aktres ay napapanood natin sa isang teledramang kabit-kabit ang tunggalian.

Si seksing aktres ay sariwa at masabaw, at pinagpapantasyahan ng lalaking netizens.

May dahilan kaya kuntento sila sa ngayon na manatiling mga “babae sa dilim!”

NOEL FERRER

Grabe, nagiging mas kaakit-akit ang mga bawal na pagmamahal lalo na kung may kaakibat na kapangyarihan.

Maaaring sabihin na wala tayong paki at buhay nila yun. Pero kung tunay na puwede silang idolo ng bayan—sa showbiz man o sa pulitika—bakit hindi nila maipagmalaki ang kanilang mga relasyon?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Oh well, sana na lang magtagal pa ang kanilang maliligayang araw.

Read Next
Read More Stories About
PEP Troika blind item
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mag-aalab pa rin kaya ang kani-kanilang love affairs pagkatapos ng eleksyon?
ILLUSTRATION: Ryan Pancha
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results