Watch Now

Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz, sa Boracay ang taping ng summer specials

by PEP Troika
May 3, 2022
john lloyd max happy together
Kabilang si Max Collins sa special guest sa summer specials ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, ang Happy ToGetHer, na kinukunan ngayon sa Boracay.
PHOTO/S: Courtesy of Joe Barrameda

GORGY RULA

Sa Boracay ang taping ng summer episodes ng toprating sitcom ng GMA-7 na Happy ToGetHer.

Kumpleto ang buong cast ng sitcom, sa pangunguna siyempre ni John Lloyd Cruz, na lumipad ng Boracay Island nung Lunes, Mayo 2, 2022.

Lalo silang na-inspire na pagandahin ang Happy ToGetHer dahil consistent na mataas ang rating nito. Nung nakaraang Linggo, Mayo 1, ay naka-13.4% ito.

Kahit magastos ang mag-out of town taping, okay lang dahil toprater naman at bongga ang pasok ng commercial loads ng show ni John Lloyd.

Nakasama sa taping sa Boracay ang kaibigan naming si Kuya Joe Barrameda, at nakatsikahan niya si Lloydie nung unang araw nila sa Boracay dahil pasyal-pasyal daw muna sila at nag-script reading.

Ngayong araw, Mayo 3, raw sila nagsimulang mag-tape kasama ang mga special guest nilang sina Julie Anne San Jose, Max Collins, at ang Sparkle talent na si Coleen Paz.

Ayon kay Lloydie, okay muna siya sa per project sa GMA-7 dahil matagal din siyang naka-network contract sa dati niyang istasyon, ang ABS-CBN. Kaya gusto muna niya itong subukan para maiba naman daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa raw ng magaling na aktor, meron nang ibinigay sa kanyang script ang GMA-7, at nagustuhan niya ito.

Ang unang usapan ay si Bea Alonzo ang makakasama niya, pero matagal pa raw nilang magagawa ito dahil ginagawa muna ng bagong Kapuso actress ang Start Up Ph kasama si Alden Richards.

Sa ngayon ay sobrang masaya raw si John Lloyd saHappy ToGetHer.

NOEL FERRER

Hindi na raw inaasahan ni John Lloyd na magagawa niya ang Quiboloy movie project dahil wala namang ibinigay sa kanyang script.

Nang kinausap daw siya ng producer ng Quiboloy project, binibigyan na siya ng downpayment, pero hindi niya tinanggap. Gusto raw muna niyang basahin ang script bago niya pagdesisyunan kung tatanggapin niya o hindi.

Mas mahalaga raw ang script bago pag-usapan ang budget.

JERRY OLEA

Noon pa natin naibalita ang passion project ni John Lloyd, yung pelikula nila ni Jasmine Curtis-Smith. Mayo or Hunyo ang target shooting nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos magkasundo ang GMA Films at Viva Films na magsanib-puwersa nitong Abril 29, Biyernes, nakaka-excite kung may project silang ilalatag para kay Lloydie.

E, may offer pang U.S. concert tour para kay Lloydie at iba bang talents ng Crown Artists Management (CAM). Tama ba iyong naulinigan namin na ready na ang limang kanta para kay John Lloyd?!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang si Max Collins sa special guest sa summer specials ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, ang Happy ToGetHer, na kinukunan ngayon sa Boracay.
PHOTO/S: Courtesy of Joe Barrameda
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results