PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

False Positive, Apoy Sa Langit pilot episode ratings

Positibo ba ang pagtanggap ng mga manonood sa unang teleserye ni Xian sa GMA-7?
by PEP Troika
Published May 5, 2022
false positive apoy sa langit ratings
Kapuso primetime series False Positive, starring Glaiza de Castro and Xian Lim (left), and the afternoon drama series Apoy Sa Langit, starring Mikes Quintos, Maricel Laxa, Zoren Legaspi, and Lianne Valentin (right), both premiered on May 2, 2022.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Masaya ang buong team ng False Positive sa rating na nakuha ng pilot episode nito noong Lunes, Mayo 2, 2022.

Naka-9.6% ito, at 3.1% naman ang katapat nitong Viral Scandal.

Bumaba nang bahagya ang TV series nina Glaiza de Castro at Xian Lim nung Tuesday, Mayo 3, nang magtala ito ng 9%.

Pero masaya na ang mga taga-False Positive dahil alam nilang marami pang aabangan dito, lalo na pag tatamaan na ng sumpa si Edward (Xian) at maranasan nitong mabuntis.

Nakakaaliw rin ang bangayan nina Malakas (Buboy Villar) at Maganda (Herlene Budol) na ibang-iba sa nakasanayan nating mythical characters.

Nasa Ireland ngayon si Glaiza de Castro kasama ang asawang si David Rainey. Pero todo rin siya sa pagpu-promote sa social media.

Samantala, ang saya rin ng mga taga-First Lady dahil napapanatiling mataas ang rating (13.9%) nung Lunes, at 14% naman nung Martes, Mayo 3.

JERRY OLEA

Gaya ng nasabi ko na before, walang kalaban sa ratings ang GMA-7, lalo na kung weekend (Sabado at Linggo), at kung hapon pag weekdays.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-5.1% ang pilot episode ng Apoy sa Langit nina Maricel Laxa, Zoren Legaspi, at Mikee Quintos noong Lunes, Mayo 2. Ang teledramang ito ang pumalit sa book 2 ng Prima Donnas.

Naka-5.6% naman ang Raising Mamay, at naka-5.2% ang Artikulo 247.

Noong Martes, Mayo 3, ay nanatiling 5.1% ang Apoy Sa Langit, samantalang naka-5.3% ang Raising Mamay, at naka-4.6% ang Artikulo 247.

Umaariba man sa ratings ang First Lady nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, hindi man lang ito makalapit sa ratings noon ng First Yaya na madalas nasa line of 2.

Nakakapanghinayang na hindi agad naipalabas ang dambuhalang action-adventure series na Lolong. Swak na swak sana sa panahon ng eleksyon ang istorya ng malaking buwaya, na maihahambing sa mga taong ganid sa kapangyarihan.

Hopia at asado pa rin tayo na ang Voltes V Legacy ang magpapakitang-gilas nang lubos sa hanay ng mga Kapuso shows ngayong 2022.

NOEL FERRER

Salamat sa mga bagong episode ng local teleserye at ito ang umaaliw sa kamalayan ng mga Pinoy ngayon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana rin, katumbas ng dami ng pang-aliw natin ay ang pagbibigay ng tamang balita at paggabay sa mga tao ngayong parating na eleksyon.

Natanong ko minsan ang isang journalist kung bakit naging malaking problema ang fake news na dala ng pagkapopular ng social media. Marahil, hindi ito natapatan ng diin ng mainstream media.

Puwede pa kayang maiba ito? Sana.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso primetime series False Positive, starring Glaiza de Castro and Xian Lim (left), and the afternoon drama series Apoy Sa Langit, starring Mikes Quintos, Maricel Laxa, Zoren Legaspi, and Lianne Valentin (right), both premiered on May 2, 2022.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results