GORGY RULA
Pinaghahandaan na ang pagre-reformat ng isang weekly show na napapanood sa gabi.
Medyo matagal na ang programang ito, at padami nang padami ang cast. Ang iba ay hindi na nagagamit dahil sa limitado na ang taping gawa ng pandemic.
Nagkaroon ng malaking pagbabago at napagdesisyunang tanggalin na ang ibang regular cast at magpasok ng iba na dati ay naggi-guest lang sa programang ito.
Sa aming pagkakaalam, mahigit sampu ang tinanggal at merong tatlong bagong ipinasok.
Medyo gumanda ang rating nito nang nabago ang timeslot, at marami pang puwedeng gawin dahil maganda ang format ng show.
Abangan natin!
NOEL FERRER
Actually, isa ito sa na-miss kong programa ngayong election season.
Sayang at medyo hindi ito nag-level up sa pagbibigay ng komentaryo sa mga nangyayari sa sarili nitong paraan. Bakit kaya sila nagpaka-safe?
Oh well, mahal pa rin naman natin ang henyo sa likod ng programang ito.
Sana, maibalik ang kanilang magandang nasimulan na, pati na kinakailangan nating TAPANG!!!
JERRY OLEA
Matatanggal ang isang fortysomething na aktor, pero papasok ang isang yummylicious actor na kalahati ng edad niya.
Magpapaalam ang isang sexy star, pero eentra ang isang premyadong aktres.
As far as this weekly TV show is concerned, papunta pa lang tayo sa exciting na part. Di ba, Kuya B?!
