PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino, bigay-hilig sa paglilihi ni Melissa Gohing

Melissa Gohing, lie low muna sa paglalaro ng volleyball
by PEP Troika
Published May 7, 2022
Rocco Nacino
Melissa Gohing
Rocco Nacino, aliw na aliw sa kakaibang food trip ng kanyang asawang si Melissa Gohing na nasa ika-apat na buwan na ng kanyang pagbubuntis: “Gusto niya, gulay and masabaw na pagkain! Biglang ayaw na niya ng seafood and dry food. Basta masabaw, okay siya! And kailangan katabi ko daw siya lagi kumain, kundi malungkot siya." (@nacinorocco on Instagram)

GORGY RULA

Apat na buwan na ang ipinagbubuntis ni Melissa Gohing-Nacino pero ngayon pa lang niya ito in-announce kasama ang kanyang asawang si Rocco Nacino sa kanilang YouTube channel.

Sa kanilang vlog na Life with the Nacinos, ipinakita ang video chat ng mag-asawa kung saan nasa lock-in taping si Rocco nung araw na iyon.

Doon ginawa ni Melissa ang digital na pregnancy test para sabay nilang malaman kung positive na pregnant siya.

Pareho silang naiyak nang nakumpirmang preggy si Melissa dahil matagal na nilang ipinagdadasal na magka-baby na sila.

Ilang beses na raw kasi silang nag-attempt pero hindi nakakabuo dahil merong Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) si Melissa kaya nahihirapang ma-fertilize. Pero dahil sa tulong ng kaibigan nilang OB-Gyn, nakabuo na rin sila sa wakas.

Naka-text ng PEP Troika si Rocco ngayong Sabado ng umaga, May 7, at sobrang saya niya na okay na okay na raw ngayon ang asawa niyang nasa pang-apat na buwan na ang pagbubuntis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ko sa kanya na sa susunod na buwan ay maaari na nilang malaman ang gender ng kanilang magiging baby.

Tinanong ko siya kung baby boy o girl ang type niyang first baby nila ni Melissa.

Sagot ni Rocco, “Kahit ano kasi first naman, e! 'Tsaka na mag-aim ng gender sa 2nd, Hehe!"

Sobrang nakatutok daw siya ngayon sa kanyang asawa dahili naglilihi pa ito.

Siya raw talaga ang personal na bumibili ng mga pagkaing gusto ng kanyang asawa.

Natatawang kinuwento ni Melissa sa kanilang vlog na ibang-iba raw ang gusto niyang kainin ngayong naglilihi na siya. Yung dating gustung-gusto raw niya ay hindi na raw niya type ngayon.

Kaya nandiyan lang daw si Rocco para ibigay ang lahat na gusto niya.

“Gusto niya, gulay and masabaw na pagkain! Biglang ayaw na niya ng seafood and dry food. Basta masabaw, okay siya!

“And kailangan katabi ko daw siya lagi kumain, kundi malungkot siya hahaha!” text ni Rocco sa PEP Troika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi naman ni Melissa sa nakaraang interview ng PEP Troika na kapag magka-baby na raw siya, ibig sabihin tigil na siya sa paglalaro ng volleyball dahil gusto niyang mag-focus na sa kanyang baby at sa kanyang asawa.

JERRY OLEA

Sabi pa ni Melissa sa vlog, lalo silang na-inspire ni Rocco.

“It’s different kasi parang mas nag-grow kami as a couple din. Mas na-feel mo yung love ng husband,” sambit ni Melissa.

“Sobrang na-inspire kami sa nangyayari sa aming buhay ngayon.”

NOEL FERRER

Bull’s eye!!! Ibig sabihin, full-time homemaker muna si Melissa habang si Rocco naman ay kakayod bilang padre de familia.

Ngayon, kakaiba na ang purpose ng kanilang buhay. Hindi na para sa kanila lang.

Para na sa future ng inaanak natin!

Congrats, Enrico at Mel!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino, aliw na aliw sa kakaibang food trip ng kanyang asawang si Melissa Gohing na nasa ika-apat na buwan na ng kanyang pagbubuntis: “Gusto niya, gulay and masabaw na pagkain! Biglang ayaw na niya ng seafood and dry food. Basta masabaw, okay siya! And kailangan katabi ko daw siya lagi kumain, kundi malungkot siya." (@nacinorocco on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results