PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miles Ocampo, sobrang happy sa pagiging Eat Bulaga dabarkad

Miles Ocampo, tuloy pa rin kaya ang teleserye offer ng GMA-7?
by PEP Troika
Published May 8, 2022
Miles Ocampo
Miles Ocampo, sobrang happy sa pagiging guest dabarkad ng Eat Bulaga. Aniya, "Never ko naisip na makasama ako sa grupo nila. Such an unexpected blessing. Sobrang bait po nilang lahat dun.” (Photo credit: @milesocampo on Instagram)

GORGY RULA

Meron pala dapat na gagawing drama series si Miles Ocampo sa GMA-7, pero hindi lang niya naipaliwanag kung bakit hindi ito natuloy.

Nakapanayam ni Joe Barrameda si Miles sa taping ng Happy ToGetHer sa Fairways and Bluewater sa Boracay at sinabi niyang kinukuha siya para sa isang drama series ng GMA-7.

Ani Miles, “May gagawin po sana akong soap with them. I am thankful that they considered me and yung director po ng show ay may tiwala sa akin to do it. But of course, I have my management to decide what’s best for me also.

“For now, I’m doing Happy ToGetHer and Eat Bulaga po.”

Hindi lang niya idinetalye kung bakit hindi siya natuloy, pero masaya na raw siyang meron naman siyang Happy ToGetHer at bahagi na siya sa Dabarkads ng Eat Bulaga.

“I am very thankful for the opportunities na naibibigay nila sa akin. It’s good to be surrounded with people na naniniwala po sa mga kaya po pang i-offer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I really feel loved and appreciated,” saad ni Miles.

Kaya hindi raw niya napigilang maiyak nang i-celebrate ang kaarawan niya sa Eat Bulaga.

“Kasi naman po, after 18 years in the industry, first time ko po nabigyan ng birthday prod and birthday celebration sa TV.

“When I celebrated my birthday po sa Eat Bulaga, saktong one month ko po nun as dabarkad.

“Touched ako po sa love and importansya na pinaramdam nila sa akin,” masayang kuwento ng dating Kapamilya actress.

JERRY OLEA

Ang isa pang ikinatuwa ni Miles, hindi raw siya makapaniwalang makakatrabaho na niya sina Vic Sotto at Joey de Leon na hindi raw niya akalaing makakasama niya sa Eat Bulaga.

“Nung last Sarturday nga po, we celebrated Bossing’s birthday. First time po na nakasama ko sila sa studio and surreal feeling to be on the same stage with Bossing and Boss Joey. Starstruck po talaga!” bulalas ni Miles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Never ko naisip na makasama ako sa grupo nila. Such an unexpected blessing.”

Puring-puri ni Miles ang mga kasamahan niya sa Eat Bulaga, kaya naging close daw siya agad sa mga kapwa Dabarkads.

“Nung first day ko, grabe yung kaba and excitement ko. Sobrang bait po nilang lahat dun. Artista, staff, crew, even yung mga guards po sa APT, sobrang bait nila talaga,” lahad ni Miles.

“First day ko pa lang, sinasabi nila po na bumanat lang ako ng jokes at huwag ako mahiya. Pero siyempre, I’m observing muna hanggang sa comfortable na po akong mag-joke. Kasi kahit waley, sasaluhin ka po talaga nila.”

NOEL FERRER

Anuman ang mangyari, we only wish Miles Ocampo all the best!

Magaling siyang artista, magaan at masayang katrabaho, at mabuting bata! Ay, dalaga na pala siya!

Teka, ang tanong ko — sila ba ni Elijah Canlas, or BFF lang sila?

Grabe kasi ang superlatives sa birthday post ni Elijah kay Miles. Pati sa rally for VP Leni, magkasama sila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

In fairness, bagay sila, ha?!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miles Ocampo, sobrang happy sa pagiging guest dabarkad ng Eat Bulaga. Aniya, "Never ko naisip na makasama ako sa grupo nila. Such an unexpected blessing. Sobrang bait po nilang lahat dun.” (Photo credit: @milesocampo on Instagram)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results