PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera Family Feud guesting generates high ratings

Ratings ng mga programa noong weekend, bumaba.
by PEP Troika
Published May 10, 2022
marian rivera family feud
Umarangkada sa ratings ang paglalaro ni Marian Rivera sa game show ng kanyang mister na si Dingdong Dantes, ang Family Feud, noong Sabado, May 8, 2022.
PHOTO/S: GMA Network YouTube

GORGY RULA

Ikinatuwa ng televiewers ang paglalaro ni Marian Rivera sa Family Feud noong Biyernes, Mayo 6, 2022. Naka-8.2% ito na isa sa pinakamataas na rating ng sikat na game show ni Dingdong Dantes.

Kapansin-pansin namang hindi ganun kataasan ang rating ng ibang programa sa weekend. Dahil kaya sa mga nagsipagpuntahan sila sa rally ng mga Kakampink at UniTeam?

Sa primetime nung Mayo 7, Sabado, ay naka-9.1% ang 24 Oras Weekend, at 1.3% ang TV Patrol Weekend.

Ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ay naka-10.1%, at ang katapat nitong My Papa Pi ay naka-1.2%.

Naka-11.5% naman ang finale ng Agimat ng Agila, at 1.3% ang Pinoy Big Brother.

Ang Magpakailanman ay naka-12%, at ang Maalaala Mo Kaya ay naka-1.9%.

Nung Linggo, May 8, nanatiling 4.2% ang All-Out Sundays, at ang ASAP Natin ‘To naman ay naka-2.4%.

Tumaas na naman ang FPJ Da King na naka-4.3%, at natalo nito ang GMA Blockbuster na naka-3.2%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-2.8% naman ang Raya Sirena, at 3.3% ang The Best Ka.

Ang Regal Studio Presents ay naka-2.9% naman, at 4.3% ang Amazing Earth.

Sumunod ang 24 Oras Weekend na naka-9.5%, at 1.7% ang TV Patrol.

Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay naka-9.9%, at sumunod ang Happy ToGetHer na naka-12.5%.

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay naka-16.5%, at nakakagulat na lalo pang tumaas ang The Boobay and Tekla Show na naka-6.2%.

NOEL FERRER

Sa bagong administrasyon, sana’y magkaroon tayo ng mga breakthrough productions lalo na sa TV. New formats, fresh combinations, brave real talk and more.

If not, mananatiling katunggali nito ang social media na patuloy ang pag-ariba sa followers nito!

JERRY OLEA

Waging-wagi pa rin ang Kapuso programs nitong nakaraang weekend.

Base sa resulta ng halalan, pakiwari ko’y magtatagal pa ang pamamayagpag ng GMA Network.

Andami pang aabangan nating programa sa Siyete, first and foremost ang Voltes V: Legacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umarangkada sa ratings ang paglalaro ni Marian Rivera sa game show ng kanyang mister na si Dingdong Dantes, ang Family Feud, noong Sabado, May 8, 2022.
PHOTO/S: GMA Network YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results