GORGY RULA
Pinatunayan ng GMA-7 na comedy ang isa sa strengths nito, kaya hindi malayong madagdagan pa ito pagkatapos nagsimula ang Jose and Maria’s Bonggang Villa nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong Sabado, May 14, 2022.
Narito ang rating ng prime-time shows ng GMA-7 nung nakaraang Sabado. Naka-9.7% ang 24 Oras Weekend, at 1.7% ang TV Patrol.
Medyo tumaas din ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na naka-11.4%. Sumunod ang Jose and Maria’s Bonggang Villa na may 13.5%, at ang PBB ay 1.6%. Ang Magpakailanman ay 12.9% versus Maalaala Mo Kaya na 2.1%.
Medyo bumaba naman ang ilang programa nung Linggo, Mayo 15, 2022. Napapanatili pa rin ng FPJ: Da King na mataas ang rating. Dapat siguro tapatan din ito ng GMA-7 ng classic films ng mga kilalang action star.
Ang Raya Sirena at Regal Studio Presents ay halos ganun pa rin ang rating kahit inilipat ito sa umaga. Naka-3% ang Raya Sirena, at 3.6% naman ang Regal Studio Presents.

Bahagyang bumaba ang All-Out Sundays (AOS), at baka gusto talaga nila ng televiewers na live ang show. Naka-3.4% ang AOS, at 2.2% ang ASAP Natin ‘To.
Ang replay ng Limitless ay 2.5% at 4.2% ang FPJ: Da King. Ang Game On ng NCAA ay 2.4% at sumunod ang NCAA Finals na 3.7%. Naka-11.2% naman ang 24 Oras Weekend, at 2.4% ang TV Patrol.
Medyo tumaas naman ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-11.4%. Ganundin ang Happy ToGetHer na naka-13.4% versus 1% ng He’s Into Her.
Bahagyang bumaba ang Kapuso Mo Jessica Soho na 15.6%, at ganundin ang The Boobay and Tekla Show na naka-4.3%.
JERRY OLEA
Wow! Ang season 2 finale ng Agimat ng Agila ay naka-11.5%. Bonggang-bongga na ang pumalit dito na DongYan sitcom ay naka-13.5% sa pilot episode.
Read: Dingdong Dantes-Marian Rivera tandem namamayagpag sa likod at harap ng camera
Masasabi ba nating naagaw na talaga ni Dingdong kay Coco Martin ang pagiging Hari ng Telebisyon?
Lunes hanggang Biyernes ay nagho-host si Dingdong ng game show na Family Feud. More or less ay dinoble nito ang ratings na itinatala ng dating nasa timeslot nito, yung Wowowin: Tutok Para Manalo ni Willie Revillame.
Kung Linggo, amazing sa game of ratings ang Amazing Earth na hinu-host ni Dingdong. And now, ariba rin ang sitcom nila ni Marian! Congrats!
Mabuti at napanatili ng Raya Sirena at Regal Studio Presents (RSP) ang kani-kanyang rating kahit binago ang timeslot nila, at replay pa yung RSP.
Medyo nakakapanlumo ang mababang rating ng buena mano sa Limitless trilogy ni Julie Anne San Jose.
Harinawang mag-improve ang ratings ng second maging ng third installment nito. Otherwise, ibalik na lang sana ang Raya Sirena sa original timeslot nito, hane?!
I wonder kung nakakaapekto na talaga sa TV ratings ang mga palabas sa iba’t ibang platforms. Nasa Netflix na ang unang apat na episodes ng KathNiel series na 2 Good 2 Be True. Isandaan at tatlumpo (130) lahat ang episodes nito na installment ang pagpapalabas hanggang Nobyembre.
Read: 5 things to look forward to in KathNiel’s 2 Good 2 Be True
Sa Mayo 20, Biyernes, matutunghayan na sa Netflix ang teledramang Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali. Sa Mayo 18, Miyerkules, streaming na sa Vivamax Plus ang siyam na episodes ng seryeng Love At The End Of The World, kung saan nag-frontal sina Nico Locco at Elijah Filamor, sa direksiyon ni Mark Shandii Bacolod.
Ang Love At The End Of The World ay unang mag-streaming sa GagaOOLala. Mapangahas din ang iba pang aktor dito na sina Kristof Garcia, Rex Lantano, Mike Liwag, Yam Mercado, Khalid Ruiz, Markki Stroem, at Gold Azeron.

Sa Mayo 22, Linggo, naman ang streaming ng first two episodes ng Gameboys (Season 2) sa KTX at Vivamax Plus. Walo ang episodes ng Season 2 ng CaiReel/EliKoy series. Every Sunday ay two new episodes ang mapapanood.

Siyempre pa, excited na tayo sa paglipad ng fantaseryeng Mars Ravelo’s Darna sa TV5, A2Z Channel 11, iWant TFC, TFC, Kapamilya Channel, Jeepney TV, at Kapamilya Online Live. Magpapasiklab na rin kaya ang Voltes V Legacy ng Kapuso Network?

NOEL FERRER
Congratulations, Dingdong and Senator Bong Revilla for your consistent TV ratings. Congratulations, Coco.
Kasi, kahit sa limitadong reach ng ABS-CBN ay naitatayo pa rin ang bandera ng FPJ’s Ang Probinsyano, lalo na sa digital platforms.
Sana nga, umangat pa ang viewership ng Limitless ni Julie Anne dahil ito ang palabas na defines her. May award pa nga sa New York Festivals.
