PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sef Cadayona, Kokoy de Santos tandem on Bubble Gang

Sef Cadayona, puring-puri ang natural na galing sa comedy ni Kokoy de Santos.
by PEP Troika
Published May 19, 2022
Sef Cadayona, Kokoy de Santos
Sef Cadayona (left) on Kokoy de Santos (right): "Napakahusay ni Kokoy, kasi ang bilis niyang mag-absorb. And at the same time, nakikinig kami sa isa’t isa kung papano namin mapapaganda, yung sketch o yung eksena sa kung ano man yung gagawin namin."
PHOTO/S: GMA Corporate Affairs

GORGY RULA

Nakakatuwa na nabuo ang magandang friendship nina Sef Cadayona at Kokoy de Santos nang magkasama sila sa sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

READ: Michael V., bilib sa young cast members ng Pepito Manaloto: Unang Kuwento

Nakitaan ng galing si Kokoy sa naturang sitcom, kaya kinuha siya para maging regular sa gag show na Bubble Gang, na mapapanood na ang bagong format nito sa Mayo 27, Biyernes.

Si Sef nga raw ang isa sa napagtanungan kung okay si Kokoy na isama sa naturang gag show.

"When they asked me kung kumusta si Kokoy, siyempre, thumbs up ako sa kanya. Sabi ko, napakasaya niyang katrabaho at napakadaling katrabaho ni Kokoy.

"Ang saya na pagdating niya sa Bubble, nagkaroon kami ng opportunity na ipakita kung papano yung tandem namin," pahayag ni Sef sa nakaraang mediacon ng Bubble Gang.

Naging magkaibigan sila, at tinutukso na sila ng mga kasamahan nila sa Bubble na magkarelasyon na raw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagay sila bilang mag-BFF sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, at hanggang sa Bubble Gang ay may segment din silang dalawa. May segment silang “Best friends” at puring-puri ni Sef si Kokoy.

Sabi ni Sef, "Yung 'Best Friends,' dalawang teenagers na nasa tambayan ng mga milk tea place, at pinag-uusapan nila kung ano ang mga cringy sa social media," kuwento ni Sef.

Dugtong ni Kokoy, "Wala kaming ginawa kundi mang-okray."

Sabi naman ni Sef, "Napakahusay ni Kokoy, kasi ang bilis niyang mag-absorb.

"And at the same time, nakikinig kami sa isa’t isa kung papano namin mapapaganda, yung sketch o yung eksena sa kung ano man yung gagawin namin."

NOEL FERRER

Thankful si Kokoy sa suporta sa kanya ni Sef.

"Sobrang thankful ako sa paggabay niya sa akin mula sa Pepito hanggang sa Bubble,” lahad ni Kokoy.

"Naalala ko nung first day ko sa Bubble Gang, ilang days din yung galing ako sa Pepito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sabi ko, 'Sef, kinakabahan ako. Sinabihan ako na maggi-guest ako sa Bubble Gang.'

"Guest pa lang ako nun, 'Ikaw na ang bahala sa akin.' Basta pinapanood ko na yun nung bata pa ako.

"'Akong bahala sa ‘yo basta chill ka lang,’ sabi niya.

"Cut to, unang araw ko sa Bubble, wala siya. Anong gagawin ko? Buti na lang, lahat ng cast ng Bubble ay maalaga at umaalalay sa mga bagong naggi-guest."

At hindi ako magtataka kung masusundan pa ng ibang assignments ang magandang tambalan na na ito nina Sef at Kokoy dahil pareho silang magaling, masaya, at magaang katrabaho na mga aktor.

JERRY OLEA

Matulis at matinik sa babae si Sef. Isa siyang dakilang mangingibig, at batid natin na maraming dilag ang nahumaling sa kanya.

Bagama’t harut-harutan si Kokoy kay Elijah Canlas sa Pinoy BL series na Gameboys, alam din nating hanggang doon lang iyon. Wala tayong maamoy na lansa kay Kokoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Elijah Canlas, Kokoy de Santos "mas mararamdaman yung lovemaking scenes" in Gameboys S2

Kaya hanggang biru-biruan lang ang pagli-link kina Sef at Kokoy, di ba? Talaga lang, ha?!

Siyanga pala, sa Mayo 22, 2022, Linggo, ay streaming na ang first two episodes ng second season ng Gameboys sa KTX at Vivamax Plus.

"Hi, Lovebirds" at "Work In Progress” ang titles ng nasabing episodes, na PHP99 ang presyo ng bawa’t isa sa Vivamax Plus.

Sa KTX naman ay PHP699 ang season pass para mapanood lahat ng episodes. Take note na walo lahat ang episodes ng Gameboys (Season 2), at every Sunday ay dalawang bagong episodes ang matutunghayan.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sef Cadayona (left) on Kokoy de Santos (right): "Napakahusay ni Kokoy, kasi ang bilis niyang mag-absorb. And at the same time, nakikinig kami sa isa’t isa kung papano namin mapapaganda, yung sketch o yung eksena sa kung ano man yung gagawin namin."
PHOTO/S: GMA Corporate Affairs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results