GORGY RULA
Keber ni Gladys Reyes kung maging stage mother ang image niya kapag pumasok na sa showbiz ang panganay nilang anak ni Christopher Roxas na si Christophe Sommereux.
Hindi lang "stage mother" kundi "proud mommy" din siya na ikinuwento sa amin nang mag-perform si Christophe sa Summer Blast event ng Iglesia Ni Cristo na ginanap noong Abril 30, 2022, sa Phillipine Sports Arena.
"Nag-perform siya sa 50k crowd sa Phil Sports Arena last time. Napakanta niya buong stadium at parang wala siyang kakaba-kaba, pero actually first time niya yun.
"Kasama niya nag-perform dun sina Gloc 9, Itchyworms, etc. Napapasama siya sa mga beterano. Siya, solo performer with guitar," text ni Gladys.
Kasama si Christophe sa launching ng bagong produktong Protect Plus Isopropyl at Ethyl alcohol na ginanap nitong Mayo 20, 2022, Biyernes, sa Marco Polo Hotel sa Ortigas.
Ito ang first endorsement ng buong pamilya dahil bukod sa mag-asawa at kay Christophe, kasama rin ang iba pa nilang anak na sina Aquisha, Grant, at Gavin.

Napag-usapan doon ang hilig ni Christophe sa pagkanta, at ang posibleng pagpasok nito sa showbiz, lalo na ang larangan ng pagkanta.
Biniro namin si Gladys na mukhang papunta na siya sa pagiging stage mother dahil sa all-out na suporta kay Christophe.
Sabi naman ni Gladys, limitless talaga ang suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Kung "stage mother" ang tawag dun, okay lang daw sa kanya.
"Oo, stage mother, bakit ba?" bulalas ni Gladys.
"Kung ang definition ng stage mother ay nandun para sumuporta at nandun ka lagi sa likod ng anak, e, di sige.
"Nandun ako, pero backstage mother ako," dagdag niyang pahayag.
"Pero nakakatuwa, innate kasi sa kanya. Daig niya kami actually… ang music niya, naggigitara. Kusang lumabas sa kanya, e.
"Even yung banter niya with the crowd, parang ang hirap kung aaralin pa lang, e.
"Ewan ko, siguro nagmana siya sa akin ng kapal ng mukha. Kasi, mahiyain si Christopher.
"Nakuha niya kay Christopher ang music, ang type of music, old soul si Christophe, e. Pero he knows mga kanta ngayon," saad ni Gladys.
Ayon naman sa mister ni Gladys na si Christopher Roxas, nais nilang matutong magkaroon ng sariling desisyon si Christophe.
"Kahit ako, pag kinakausap ko ang mga anak ko, sinasabi ko sa kanila na, 'May kalayaan kayong gawin yung gusto niyo.'
"We’re just here to guide them. Pero dapat nandun lang sa batas ng Diyos at batas ng tao. Yun lang po, yun lang ang susundan nila," saad ni Christopher.
Sabi naman ni Christophe, mahalaga pa rin sa kanya ang pag-aaral. Hindi pa raw siya ganun kaseryoso kung talagang papasukin na niya ang music industry.
Nasa Grade 11 na si Christophe sa Bannister Academy sa Eastwood, Quezon City.
"Uhm, actually, to be honest, ngayon tinitingnan ko pa if it’s really my thing," sambit ni Christophe.
"So, as of now, focus ko po talaga is finish studying muna. Tapos, yun nga, on the side, kaya naman.
"So, as for seriousness, hindi naman super serious yet. Pero puwede naman in the future to pursue talaga."
READ: Gladys Reyes, dinepensahan ang pakikiisa sa inendorso ng INC sa 2022 elections
JERRY OLEA
Rock n’ roll daw ang musika ni Christophe. Ang nakaimpluwensiya sa kanya ay Beatles, Queen, at hard rock bands.
Revelation ng ama niyang si Christopher, "Kinukuha na ng Viva ito, e. Ang problema, ayaw ng nanay.
"Kasi po, ako po, under Viva rin po ako. So, gusto ko pong mapunta siya sa Viva, kasi may music [label] sila…
"Maganda naman. I’m sure, maaalagaan siya nina Boss [Vic del Rosario]. Pero may iba na yata itong kinausap," pagturo ni Christopher sa asawa.
Pam-Viva Records, if ever, hindi pam-Vivamax?
Pahayag ni Gladys, "Kasi, nakakatuwa naman na maraming nag-o-offer. Totoo yun, nag-send ng contract actually ang Viva.
"And then Net 25 also is having Kada, di ba? May parang youth-oriented show sila na niluluto under Ma’am Wilma Galvante.
"And she’s already talking to me rin po. Kasi, nakita nila si Christophe. Nakita nila na mahilig kumanta, mahilig sa music.
"And at the same time, yung pag-arte, ganyan. So, magandang training ground sa kanya, if ever, yung youth-oriented show na iyan.
"Saka no pressure. Kasi, weekends ang taping, if ever. Kasi, puro nag-aaral. Kumbaga, puro teens ang kasama niya.
"Kaya nga po, kumbaga, hindi pa kami ganun talaga ka-decided na, 'O, eto, exclusive na dito.' Kasi, gusto rin naming ma-explore niya, di ba? Yung iba-iba.
"Kung gusto mong umarte, eto, may offer nang umarte. Kung gusto niya ng music, kung may record producer na gustong mag-offer, why not? Ibang field naman yun, di ba?
"So siyempre, at the end of ano, siya pa rin ang masusunod. Yun naman ang sinasabi namin. Kami, taga-suggest lang din.
"'Eto, anak, dahil mas nauna kami sa industry.’ Hanggang ano kami, hanggang pagpapaalala."
NOEL FERRER
Grabe, kani-kanyang talent. Ang tatay sa pagluluto. Ang nanay sa pagho-host at pagiging kontrabida tumatak. And if I may add, naaliw ako sa pagsasayaw niya lalo na noong pandemic.
Tapos itong anak naman sa musika. Go go go lang! Iba’t ibang aspeto ng pang-aliw.
Basta nakaliligaya at makabubuti, go tayo diyan. Mahal natin ang pamilya nina Christopher Roxas at Gladys Reyes.
