PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Running Man Philippines, kasado GMA-7; final cast, kaabang-abang!

Sinu-sino ang mga Kapuso artists na kasama sa cast ng Running Man Philippines?
by PEP Troika
Published May 22, 2022
blind item
Sinu-sinong mga Kapuso artists ang magiging bahagi ng cast ng Running Man Philippines? Ang Pinoy edition ng popular reality game show na ito mula sa South Korea ay malapit nang umere sa Kapuso Network.

GORGY RULA

Baka sa susunod na linggo ay ia-announce na ang mga artistang kasali sa Running Man na gagawin ng GMA-7.

Sikat ang reality-variety show na ito ng South Korea na may pagka-comedy. Bagay na bagay ito sa karamihan ng Kapuso stars na forte ang pagpapatawa.

Pero ewan kung swak ang ibang stars na kinuha nila para sa show na ito. Abangan na lang natin kung tama itong mga nasagap naming pangalan ng mga artistang kasali sa bagong show na ito.

Kasali raw rito ang isang actor/TV host na meron ding ibang programang hinu-host.

Kabilang din ang magaling na aktres na malapit nang matapos ang pinagbibidahang drama series.

Kinuha rin daw ang isang magandang aktres na galing sa isang talent/reality search, ang isang komedyanteng kabilang din sa isang magtatapos na drama series, ang isang magaling na aktor na nakilala sa isang sikat na Pinoy BL series, ang isang maganda ring aktres na mukhang bibigyan ng break ng Kapuso network, at ang hunk actor na bida sa isang drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Karamihan sa kanila ay abala rin sa ibang shows, pero sila pa rin ang isinama sa bagong show na ito.

Hindi ko alam kung paano pa makakapag-promote itong si hunk actor ng bago niyang drama series kung kasali rin siya rito sa Running Man.

Sa pagkakaalam ko, next month na sila tutulak pa-South Korea para i-shoot ang naturang show.

Abangan na lang natin ang kanilang official announcement ng bagong show na ito.

JERRY OLEA

Popular ang variety-reality show na Running Man na unang umere noong Hulyo 2010 sa South Korea.

Ang mga masusugid na tagahanga nito ay ginawan ng subtitles ang episodes nito sa iba’t ibang wika, gaya ng English, Persian, Spanish, Portuguese, French, Italian, Thai, Vietnamese, Chinese, Malay, Indonesian, Burmese, Arabic, Russian, at Turkish.

Nagkaroon na ito ng version sa China at Vietnam, at magkakaroon din sa Indonesia.

Ang una nating nabalitaan na maghu-host ng Pinoy adaptation ay ang isang komedyanteng palakaibigan. Sa kung anong kadahilanan ay tila pinalitan siya ng makisig na actor/TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Yung magaling na aktres na napabalitang kasama rito ay nakatakda sanang gawin ang isang madramang teledrama. Matagal na yung ikinakasa pero baka may conflict sa scheduling ng mga sangkot dito.

Yung magaling na aktor na nakilala sa isang sikat na Pinoy BL series ay bagong dagdag sa isang weekly TV show. Magbabakasyon kaya agad siya sa nasabing programa para magdagdag-saya sa Running Man Philippines?

At yung hunk actor na bida sa isang drama series, napag-iwanan na ng napapabalitang kasintahan niya. Hopefully, makakatulong nang lubos sa kanyang career ang pagsali sa reality-variety show na nakakaaliw ang games!

NOEL FERRER

Sana nga ay pumatok din sa atin ang Running Man with an exciting batch of cast members.

Sana lang, mapangatawanan nila ito, at mag-gel silang lahat para hindi lang magmukhang hodgepodge smorgasbord ang kombinasyong ipapakilala in the coming days.

Magiging runaway winner kaya ito sa ratings? Sana naman….

At least, exciting na may bago na naman tayong mapapanood sa local TV!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinu-sinong mga Kapuso artists ang magiging bahagi ng cast ng Running Man Philippines? Ang Pinoy edition ng popular reality game show na ito mula sa South Korea ay malapit nang umere sa Kapuso Network.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results