PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelica Panganiban on going back to work after giving birth

Angelica, gustong burahin ang ilang past interviews niya para di makita ng anak.
by PEP Troika
Published May 25, 2022
angelica panganiban and gregg homan
Angelica Panganiban: "Parang… thirty years na rin naman ako sa industriya, parang ang dami ko nang naiambag. Siguro ngayon na hinihingi na nung life yung pag-focus naman ako sa aking family, dahil sobrang blessed ko na magkaroon naman ako ng tinatawag na pamilya ngayon. Gusto ko, dun ako mag-focus. Gusto kong ibigay ang lahat ng oras ko dun."
PHOTO/S: YouTube

GORGY RULA

Kasama ni Angelica Panganiban ang partner niyang si Gregg Homan sa unang vlog nito sa sinimulan nilang YouTube channel na The Homans.

Isa ito sa pinagkakaabalahan ng aktres ngayon habang nasa bahay lang siya at pinaghahandaan ang kanyang panganganak.

Read: Angelica Panganiban is expecting her first child

Ibinahagi nilang dalawa kung paano sila nagkakilala at nagkadebelopan, hanggang sa nang nalaman nilang nagdadalantao na ang aktres.

Masaya nilang pinag-usapan kung paano nalaman ni Angelica na buntis na siya nung nasa lock-in taping na siya ng sitcom dapat nila ni Piolo Pascual.

Read: Pia Wurtzbach replaces Angelica Panganiban in Piolo Pascual's sitcom

Sabi ni Angelica sa interview sa kanya sa YouTube channel naman ni Meryll Soriano, pumasok lang siya sa lock-in, umihi, at lumabas dahil doon niya nakumpirmang buntis na pala siya.

Sa kanilang first vlog, ikinuwento ni Gregg kung paano ito ibinalita sa kanya ni Angelica.

Naging seryoso ang kanilang pag-uusap nang sabihin ni Angelica na hindi pa niya masasabi sa ngayon kung babalik ba siya sa trabaho pagkatapos niyang manganak. Ang tinitiyak lang niya ay magpu-focus siya sa pag-aalaga sa kanilang magiging anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal na rin daw niyang ibinuhos ang sarili sa trabaho, at panahon na rin daw na harapin na niya ang binubuo niyang pamilya.

“Parang… thirty years na rin naman ako sa industriya, parang ang dami ko nang naiambag.

“Siguro ngayon na hinihingi na nung life yung pag-focus naman ako sa aking family, dahil sobrang blessed ko na magkaroon naman ako ng tinatawag na pamilya ngayon.

“Gusto ko, dun ako mag-focus. Gusto kong ibigay ang lahat ng oras ko dun.

"Kasi si Gregg din, babalik ng work. Ako, parang tututukan ko muna yung baby.

“Pero pag parang kaya ko na, hindi lang ang bata… kapag kaya ko nang iwan siya, yun siguro, babalik na ako ng work,” pahayag ni Angelica sa kanilang YouTube channel.

Pinag-usapan din nina Angelica at Gregg kung sino sa close friends nila ang kukunin nilang ninong at ninang para sa kanilang magiging baby.

Bukod sa non-showbiz friends ni Gregg, ilang taga-showbiz na magiging ninong at ninang ay close friends ni Angelica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Isa na dun siyempre ang mga matatalik naming kaibigan. Nandiyan si Glaiza [de Castro], si Ketchup Eusebio, si John Prats,” pakli ni Angelica.

NOEL FERRER

May spurts of messages kami ni Angge and I could really feel that she is in a good place now.

Nabisita ko na rin ang lugar nila ni Gregg and it’s a loving community that they have at kapitbahay nila ang masayang si Direk Andoy Ranay sa Olongapo.

Patuloy raw si Angge sa pagri-research ng tips at kung ano pa tungkol sa pagdadalantao, hanggang sa naloloka na raw siya sa mga nababasa at napapanood niya sa YouTube. Kaya gusto na lang daw niyang matuto sa sarili.

“Totoo yung term na nakaka-overwhelm every day. Gusto ko siyempreng matuto on my own. Sure naman ako na marami akong matutunan,” sabi ni Angelica.

Isa rin sa mga kausap ni Angge si Ate Juday (Judy Ann Santos) niya na sobrang ipinapakita rin ang pagmamahal sa kanya at suporta sa kanyang pagdadalantao na matagal na nating hinintay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Darating at mangyayari talaga ang lahat sa tamang panahon. Living proof diyan ang mahal nating si Angelica Panganiban!

JERRY OLEA

Sabi pa ni Angelica Panganiban sa interview sa kanya ni Meryll Soriano, kung maaari lang ay burahin niya ang mga nakaraan niyang interviews at kung ano ang mga kalokahang ginawa niya noon, para hindi ito makita ng kanyang anak.

“Dyusko! Pag na-research ‘to ng anak ko, maibabalik sa akin yung mga pagkakamali ko nun!” bulalas ni Angelica.

“Kailangan ko na lang magawan ng paraan ito para maging positive ito sa kanya.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban: "Parang… thirty years na rin naman ako sa industriya, parang ang dami ko nang naiambag. Siguro ngayon na hinihingi na nung life yung pag-focus naman ako sa aking family, dahil sobrang blessed ko na magkaroon naman ako ng tinatawag na pamilya ngayon. Gusto ko, dun ako mag-focus. Gusto kong ibigay ang lahat ng oras ko dun."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results