Watch Now

Marian Rivera, iwas pag-usapan ang ipinapatayong dream house nila ni Dingdong Dantes

by PEP Troika
May 25, 2022
marian rivera rei anicoche-tan
Marian Rivera (right) on deeper friendship with Beautederm CEO Rei Anicoche-Tan (left): “Nung una, panay product lang. Pero after nun, iba-iba na ang pinag-uusapan namin. About shopping na, about family na. So lumalim nang lumalim. Saka siguro bilang tao, alam mo naman, mararamdaman mo naman kung sincere yung tao sa inyo, kung concerned sa inyo. So, naramdaman ko lahat kay Ate Rhea yun.”
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Iniiwasan muna ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes na sagutin ang tanong tungkol sa ipinapatayo nilang bahay.

Muling kinulit ng PEP Troika si Marian sa presscon ng Beautederm Home ang tungkol sa bahay nila ni Dingdong.

Siyempre, pawang pampaganda, pabango sa loob ng bahay ang mga produkto ng Beautederm Home na ineendorso ng GMA Primetime Queen.

Tinanong namin kung nailalagay na ba ito sa ipinapatayo nilang bahay. Malapit na ba naming masilayan ang kanilang bahay?

“Shhhh! Saka na yun!” mabilis na pag-iwas ni Marian sa mediacon niya sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City, kahapon, May 24, 2022.

“Kapag talagang buong-buo na. Hindi naman kami magdadamot na i-share ‘yan sa mga tao. Basta, pagpasok niyo pa lang, ang Beautederm Home makikita niyo na.”

Wala nang idinagdag pa si Marian nang hiningan ko siya ulit ng kaunting detalye tungkol sa kanilang dream house.

Masaya lang ang aktres dahil maganda ang samahan nila ni Ms. Rei Anicoche-Tan ng Beautederm kaya nakaapat na taon na siyang endorser.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung Martes ay nag-renew uli si Marian ng kontrata, for 30 months, bilang brand ambassadress ng produktong ito.

Mahigit 70 ang celebrity endorsers ng Beautederm, pero espesyal daw si Marian kay Ms. Rei Tan. Nararamdaman daw kasi ni Ms. Rei ang concern ng Kapuso actress sa kanyang kumpanya.

Pahayag ni Ms. Rei, “Sinabi ko kay Marian, mawala na ang lahat huwag lang si Marian. Alam mo kasi na parang siya lang ang nakatatak sa akin. Pag wala si Marian, ‘Asan na si Marian, wala siya?’

“Lahat ng bagay kay Marian, magaan. Walang problema. Saka sagot niya ako sa kanyang management. Kaya na-appreciate ko po yun.

“Kaya hindi lang six months, hindi lang 12 months, kundi 30 months.”

NOEL FERRER

Doon pa rin sa presscon ng Beautederm, nagpasalamat si Marian sa lahat ng tumangkilik ng sitcom nila ni Dingdong na Jose and Maria’s Bonggang Villa.

Naka-12.4 percent ang rating ng second episode nito nung nakaraang Sabado, Mayo 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sabi ni Marian, hindi nila iniisip ang rating. Ang mahalaga ay masaya sila sa taping, at nagbalik-tambalan sila ni Dingdong sa naturang sitcom.

“Kasi, ginagawa namin sa set na masaya kami. Always kami looking forward na mag-taping especially dun sa set na ang saya. I’m sure magri-reflect 'yan on TV kung gaano kami kasaya sa set,” saad ni Marian.

“Parang siguro, pag mag-rate ‘yan, bonus na lang. Kasi ang pinakaimportante, magkasama kami ni Dong, magkatrabaho kami after 10 years. 'Tapos, ang pangarap pa namin na sitcom.

“Kaya bonus lang talaga yung ratings. But of course, very grateful kami na minahal siya ng tao, pilot pa lang. Second episode, maganda pa rin.

"So, sana tuluy-tuloy kami. Para ma-extend nang ma-extend."

JERRY OLEA

Masaya ang Beautederm CEO na si Ms. Rei o Ate Rhea na nakapag-face-to-face mediacon muli.

Aniya sa welcome sppech niya sa programa, “And what makes this day extra special is that we are with one of Beautederm’s biggest and brightest brand ambassadors, the one and the only Primetime Queen of GMA-7, Ms. Marian Rivera-Dantes.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Apat na taon na mula nang ilunsad si Marian bilang endorser ng Beautederm Home. Mula noon ay lumalim ang friendship ni Ms. Rei sa tinatawag niyang “baby girl” na si Marian. Yumabong ang pagmamahal at pagmamalasakit nila sa isa’t isa.

“What is supposed to be a business relationship surpassed all expectations as it transcended a deeper connection that is that strengthened my bond with the Primetime Queen,” pahayag pa ni Ms. Rei.

“Marian is like a sister to me, and I am a very proud ate. And we are family, and family is all about love. It evolves; it transitions into something better…”

Matapos ang pirmahan ng kontrata ay may pa-cake at surprise gifts si Ms. Rei kay Marian.

Paliwanag ni Ms. Rei, “Iyong cake, arte lang ni Ate. Kasi, imagine mo, four years na tayo, di ba? Napapanood ko lang si Marian dati.

“Ngayon, hindi ko naman ine-expect na magiging ganun yung friendship namin. Sobrang na-appreciate ko si Yan-yan. Kasi, hindi lang siya super-big star, pero pag mas nakilala mo siya, napakabuti niyang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And ano, talagang love na love ko siya. Kasi, pag nagtatampo ako, sine-send ko talaga sa kanya. ‘Nagtatampo ako sa ‘yo!’

“Di ba, ganun? Pag mahal mo yung tao, sasabihin mo yung nararamdaman mo, hindi ka nakikipagplastikan because you wanna save the friendship.

“And I appreciate her so much. Kasi, bina-value niya hindi lang yung as client relationship pero naramdaman ko na kahit hindi ako kasing-yaman ng mga ine-endorse niya, sobrang love niya ako. Na alam mo yun, na hindi yun mabibili ng kahit na anong pera.”

Gustung-gusto ni Ms. Rei ang ugali ni Marian.

“Pag ayoko yung tao, ayoko. Pag gusto mo, lalo ma siyang pinapakitaan ng love,” pagtatapat ni Ms. Rei.

“At napakatotoo niyang friend. Siya yung tipo ng friend na napaka-loyal po niyan. Ipaglalaban ka niya, ganun siyang klaseng tao.”

Pag-ayon ni Marian, “Kami ni Ate Rhea, hindi kami instant na naging close, e. Kumbaga, gradual na nangyari 'yan. Dahil siguro palagi kaming nag-uusap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung una, panay product lang. Pero after nun, iba-iba na ang pinag-uusapan namin. About shopping na, about family na. So lumalim nang lumalim.

“Saka siguro bilang tao, alam mo naman, mararamdaman mo naman kung sincere yung tao sa inyo, kung concerned sa inyo. So, naramdaman ko lahat kay Ate Rhea yun.

“Kaya siguro hindi naging mahirap para sa amin yung magkalapit ang loob namin hanggang ngayon.”

Minsan lang daw sila nagkatampuhan, ani Marian, at nalutas iyon. Hindi naman daw OA ang tampuhan na iyon.

Dagdag ni Marian, “Minsan tampo lang, ‘Hoy, baby, bakit mo ako naisip dun?’ May ganun lang. Pero hindi yung sobrang lalim na to the point na nag-aaway.

“Parang hindi yata mangyayari aming dalawa yun dahil tulad ng sabi niya, parehas kami ng ugali. We are very transparent to each other. Ang pamilya ang priority namin, at love namin.

“At pag nakikita namin yung ibang tao na mahal kami, mas mamahalin namin kayo! Parehas kaming dalawa na ganun!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera (right) on deeper friendship with Beautederm CEO Rei Anicoche-Tan (left): “Nung una, panay product lang. Pero after nun, iba-iba na ang pinag-uusapan namin. About shopping na, about family na. So lumalim nang lumalim. Saka siguro bilang tao, alam mo naman, mararamdaman mo naman kung sincere yung tao sa inyo, kung concerned sa inyo. So, naramdaman ko lahat kay Ate Rhea yun.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results