JERRY OLEA
Kung musical ang morning ritual ng beautiful actress at bortalicious actor sa lock-in taping ng isang teledrama, itataghoy ng beautiful actress ang awiting "Tukso" (1979) na pinasikat ni Eva Eugenio.
“Kayrami nang winasak na tahanan/ Kayrami nang matang pinaluha/ Kayrami nang pusong sinugatan… Oh tukso, layuan mo ako!”
Kapwa pamilyado ang beautiful actress at bortalucious actor. Mas may edad nang konti si gandarang aktres kay aktor na makisig.
Sa lock-in taping nila sa lalawigan, katapat ng kuwarto ni beautiful actress ang tinutuluyan ni bortalicious actor.
Nakagawian ni beautiful actress na mag-coffee sa terrace tuwing umaga. Maya-maya, nagugulat na lang si beautiful actress dahil lumalabas si bortalicious actor at nagwo-workout.
Deadma-deadmahan si bortalicious actor na naghuhubad ng sando at nagpe-flex ng muscles. Nagpapakitang-gilas si bortalicious actor sa pagpu-push up!
Nagugulat pa kunwari si bortalicious actor pag nakita si beautiful actress, saka ito maggu-good morning.
Walang malisya iyon kay beautiful actress kesehodang may pa-Felix Bacat si bortalicious actor.
Smile-smile na lang si beautiful actress ss pagpapa-cute ni pogi.
NOEL FERRER
Owwww, medyo may record naman si bortalicious actor na magpa-effect sa kung sinumang patola. Pero sorry na lang siya at hindi siya type ni beautiful actress.
Ito rin kasi yung actor na hindi alam kung ano ang gagawin sa buhok at nag-iiba talaga ang look niya palagi.
Too bad, at kahit kinakitaan na siya ng husay sa pagganap ay nananatili pa rin siyang Da Hu.
GORGY RULA
Parang aligaga kasi itong si bortalicious actor. Hindi mapakali kapag nasa lock-in taping kaya kung anu-ano ang ginagawang kababalaghan at kabalbalan.
May mga nagawa na rin daw iyan noon na na-reprimand ng production. Sana, mag-focus na lang siya sa trabaho dahil nagkakapamilya na siya.
Si beautiful actress naman ay tila seryoso talaga sa trabaho, at walang balak na haluan ng landian.
Ewan ko ba! Siguro, dala na rin ng pagkabagot sa lock-in taping, at pang-vacay mode ang location kaya kung anu-anong naiisip lalo na’t ang gaganda ng mga kasama mo sa set.
Pero ang latest na nabalitaan namin, hindi na nagla-lock-in taping ang ibang programa.
May ibang materials na sisimulan na mahirap talagang gawin sa isang location. Kaya ang iba raw ay naka-lock-in ang first cycle ng taping at ang kasunod ay uwian na.
Pero nandiyan pa rin ang matinding pag-iingat kahit medyo maluwag at nasa low-risk na ang COVID status natin ngayon.
