Ken Chan, itinangging si Rita Daniela ang pinatamaan sa isyu ng backstabbing

by PEP Troika
May 27, 2022
Ken Chan, Rita Daniela
Ken Chan to unnamed friend who betrayed him: "May mga tao talagang pilit kang ibababa, pero may nakapagsabi sa akin dati, actually ang parents ko. Sabi, kapag pilit kang ibinbaaba, hayaan mo lang sila. Kasi, kung sino ang pilit na binababa, siya yung tinataas ng Panginoon."
PHOTO/S: @akosikenchan / @missritadaniela Instagram

GORGY RULA

Itinanggi ni Ken Chan ang tanong ng PEP Troika kung ang dati ba niyang ka-love team na si Rita Daniela ang pinatatamaan niya sa spicy tweets niya noong nakaraang buwan.

Read: Cryptic tweets ni Ken Chan tungkol sa backstabbing, patama kay Rita Daniela?

Natawa si Ken nang tinanong namin ito sa kanya sa katatapos lang na mediacon para sa bagong single niyang "Quaranfling" ng GMA Music.

Pabiro ang sagot ni Ken tungkol sa pagra-rant niya noon sa Twitter na na-Google lang daw niya yun.

Hindi siya nagbigay ng ideya kung sino ang tinutukoy niya, pero hindi raw si Rita ito. Okay na okay raw sila, kahit hindi sila madalas nag-uusap.

Meron lang daw ibang taong pinipilit pa rin siyang ibinababa.

Saad ni Ken, "Kasi, marami talagang tao sa atin… hindi lang naman po sa isang artista. Kahit sa ating lahat, na makakaranas talaga ng ganung experience. May mga tao talagang pilit kang ibababa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero may nakapagsabi sa akin dati, actually ang parents ko. Sabi, kapag pilit kang ibinababa, hayaan mo lang sila. Kasi, kung sino ang pilit na binababa, siya yung itinataas ng Panginoon.

"I always remember that. Yun ang nagpapa-remind sa akin na huwag ko dapat isipin yung mga tao na yun," pahayag ni Ken.

Hindi na namin siya pinilit kung sino ang pinatatamaan niya, pero sa tono ng mga sagot ng Kapuso actor, kinalimutan na niya yun at itinuturing pa rin niya itong kaibigan.

"Hindi kasi ako nagtatanim ng sama ng loob, ng galit, e. Yun ang isa sa mga ano ko po… isa sa mga blessed and thankful ako.

"Hindi ko naman sinasabi na hindi ako marunong magalit, pero hindi ako nagtatanim ng galit at sama ng loob. So, madali talaga akong magpatawad ng tao.

"Wala naman pong problema dun. Kung ano po… maging kaibigan ko pa rin naman siya," saad ni Ken.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kare-renew lang ni Ken ng kontrata niya sa Sparkle, ang talent management arm ng GMA-7.

Pero wala pa raw siyang naka-lineup na projects pagkatapos ng Mano Po Legacy: Her Big Boss. Naka-focus daw siya ngayon sa All-Out Sundays (AOS).

Next month ay ilu-launch ang single niyang "Quaranfling" sa AOS.

JERRY OLEA

Open pa rin daw si Ken sa posibilidad na makasama uli sa isang project si Rita.

"Looking forward pa rin po ako na makatrabaho si Rita in the future," saad niya.

"Pero naniniwala po kami ni Rita… kasi kahit kami po, e, ipinaliwanag sa amin ng Sparkle, na talagang may time lang po talaga ang love team.

"Especially po ang love team namin ni Rita, aksidente lang naman po talaga yun, e. We’re just so blessed lang po talaga na sinuportahan po kami ng mga tao during ng My Special Tatay.

"Looking forward po ako sa magiging future projects po namin ni Rita. Siguro, hindi po muna po ngayon, for the next… hindi ko po alam kung ngayong taon o next year, baka hindi muna po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naniniwala po kasi kami ni Rita na mas maganda na may makakatrabaho po kami na ibang artista at mga co-actors po namin.

"Kasi for us, mas healthy pong ganun, e, na nakakasalamuha po namin ang iba’t ibang artista po at ibang production."

Nagkatambal sina Rita at Ken sa Metro Manila Film Festival 2021 film na Huling Ulan sa Tag-araw.

May dalawang natapos na pelikula si Rita na hindi kasama sa cast si Ken, yung Sa Ngalan ng Ina at Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa na parehong idinirek ni Joel Lamangan.

NOEL FERRER

Natupad na raw ang pangarap ni Ken Chan na makatrabaho si Bianca Umali, dahil isa raw ito sa pinaka-close sa kanya, pati si Ruru Madrid.

Bukod kay Rita ay si Bianca raw ang isa sa gustong makasama ni Ken sakaling ma-quarantine.

"Sila po talaga ang masasabi kong parang mga kapatid ko na. Mahal na mahal ko ang mga taong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lagi kong sinasabi sa kanila na love ko sila, at ganun din naman sila sa akin, love din daw nila ako.

"Alam ni Kikay iyan. Ang tawag ko kasi kay Bianca, Kikay, at ang tawag ko naman kay Ruru, Lolong. Kasi, malapit nang mapalabas ang Lolong, e.

"Si Kikay at saka si Lolong ay sobrang malapit sila sa akin, at sila ang gusto kong makasama during quarantine.

"Every time na magkasama kami, lagi kaming masaya. Yung mga hilig namin, kumain, magluto, mag-binge watch ng mga series, mga pelikula, yun ang hilig namin, and I think magkakasundo kami sa bagay na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ilan pa sa mga gustong makatrabaho ni Ken ay ang mga kaibigan din niyang sina Julie Anne San Jose, Glaiza de Castro, at Gabbi Garcia.

Pero gusto rin daw niyang subukang maka-partner ang ibang baguhang Sparkle talents.

Alam natin sa industriyang ito na lalago at uunlad ka lang kung iba’t iba ang makatrabaho mo, lalo pa yung tinuturing na pinakamagagaling sa ating larangan.

Go lang nang go, Ken!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ken Chan to unnamed friend who betrayed him: "May mga tao talagang pilit kang ibababa, pero may nakapagsabi sa akin dati, actually ang parents ko. Sabi, kapag pilit kang ibinbaaba, hayaan mo lang sila. Kasi, kung sino ang pilit na binababa, siya yung tinataas ng Panginoon."
PHOTO/S: @akosikenchan / @missritadaniela Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results