JERRY OLEA
Nag-viral ang litrato ni Nadine Lustre na bumibili ng sarsang Mang Tomas noong Agosto 2021 sa Siargao Island, Surigao del Norte.
Sa Leni-Kiko rally noong Abril 9, 2022 sa Pampanga, matapos mag-perform si Nadine ay may nag-abot sa kanya ng bote ng Mang Tomas.
Nag-trending na naman iyon, at marami ang nagsulong na dapat kunin si Nadine na endorser ng nasabing sarsa.
Pero ano’t nang maglunsad ng three-episode digital series ang nasabing all-around sarsa—iyong Ming [heart] Tomas na in-upload sa YouTube channel na NutriAsia — hindi si Nadine ang kinuhang bidang babae kundi si Queen Semana.
Pahayag ni Direk Chris Cahilig via Zoom nitong Mayo 26, 2022, Huwebes ng hapon,
"As one of the agencies ng Mang Tomas, we’re very thankful dun sa unintentional na nakukuha naming media mileage with Nadine.
"Because of everything, we’re really very appreciative of Nadine and the people supporting the whole thing.
"It’s just that on my end, hindi ko kasi hawak yung sa mga endorsement. But definitely, I think maganda talaga makita na si Nadine is also endorsing the brand. Kumbaga, mataas na yung affinity ng brand sa kanya."
Magkatuwang sina Direk Chris Cahilig at Direk Joel Ferrer sa pagbuo ng nasabing serye, kung saan ang bidang lalaki ay ang model-actor na si Anton Nolasco.
Si Queen Semana naman ay isang modelo at aspiring actress.
Paano ba napili sina Queen at Anton para gumanap na Ming at Tomas sa nasabing digital series? Hand-picked ba sila o nag-audition?
Natawa si Direk Chris, "Naku, ang hirap ng ano na ito! Ano bang casting ito? Ha! Ha! Ha! Ha! Sobrang hirap! Ha! Ha! Ha! Ha!
"Hands off, noong nakita namin lahat yung… Kasi, I’ve worked na with Queen before. And even si Direk Joel, noong nakita niya si Queen, I think unanimous, e, pati yung brand.
"Right away, si Queen got in. So, initially when we’re looking for a male talent, ito namang si Anton, hindi naman siya nag-audition. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! So, yun.
"We were looking for somebody na kuwela, Pinoy na Pinoy. Alam mo yung makukuha talaga ang brand essence ni Tomas.
"May mga initial recommendations kami pero talagang nare-reject nang nare-reject nang nare-reject ng client. Until I realized, parang, 'Oo nga pala, si Anton, puwede 'to!'
"So, I asked Anton to send an audition piece. Nagustuhan din siya ni Direk Joel, and the brand approved him.
"Pero before Anton, just to give you an idea, nag-three shooting days kasi kami. Yung first shooting day, tapos na, wala pa si Anton. So, syinut muna namin lahat si Queen.
"So, ganun. Ganun ang kuwento. Huling-huling pumasok si Anton."
Susog ni Direk Joel, "Kasi, mahirap hanapin yung perfect Tomas, e. Kasi, especially it’s [a known sarsa brand], so talagang very picky ka when it comes sa pagpili.
"Especially yun nga, kasi, he has to have all the features na kailangang importante. Minsan, parang supposedly perfect na pero kulang na ganito, na ganoon. So, ano siya, small window."
GORGY RULA
As we write this, mahigit 635K views na ang first episode (“Ang MANGhuhula”) ng digital series na in-upload noong Mayo 8 sa YouTube channel ng NutriAsia. Ang second (“Ang GANAduo”) at third episode (“Ang BOTEful Ending”) ay nitong Mayo 25, Miyerkules ipinost.
Da hu si Queen Semana na gumanap bilang Ming sa digital series ng Mang Tomas?
"I’ve been doing commercials since I was, uhm, siguro 16 years old," kuwento ni Queen.
"That was years ago already. And then up until now, yun ang ginagawa ko.
"And then, regarding acting naman, I was under the wing of Direk Rahyan Carlos. Dati pa, even before pa, gusto ko talagang mag-push through ng acting.
"Tapos, nung nagka-work kami ni Direk Chris, sabi niya, 'Alam mo, dapat mag-acting ka!'
"Sabi ko talaga, 'Direk, bigyan mo ako ng chance, I’ll do my best!' Kaya I was happy talaga to be given this chance.
"And not only that, I’m also doing hosting, events, if there’s TV shows as well."
JERRY OLEA
Pasadung-pasado kay Direk Joel Ferrer ang chemistry nina Queen at Anton bilang Ming at Tomas, respectively.
Ani Direk Joel, "Actually, pagdating ko pa lang, nauna sila sa set, e. I saw na they were talking. Tapos pumasok ako sa conversation.
"Very natural yung chemistry nila. So, parang it made the work really easy for us din, behind the scenes. Kasi, kumbaga, we have to shoot kasi na mas paspasan, mas mabilis.
"The good thing about it is, dahil mabilis kami, nagwu-work yung chemistry nila. Kasi, we don’t have to guide them as much.
"Kasi sila rin, they have their own views kung paano gagawin ito. So, very professional environment. Saka actually, andali. Madali yung shoot actually. Naghahanap pa nga kami ng additional days, e!"
Ito bang Ming Tomas series ay na-inspire kahit paano ng One True Pair The Movie nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na in-upload noong Nobyembre 30, 2021 sa YouTube channel ng Jollibee Studios?
Sagot ni Direk Chris Cahilig, "In terms of mga love story and everything, marami namang brand contents na love story talaga.
"Pero ang cute kasi dito, is para siyang origin story [ng sarsa brand]. So, kapag panonoorin mo ang kuwento, malaking bagay pala yung sarsa, sa love story.
"Walang [ibang] brand na gumagawa ng fictional origin story. So, masaya siya!
"At siyempre, along the way… sina Anton, Queenie and Direk Joel are going to be remembered by madlang tao, ng bayan, as part of the origin story talaga ng Mang Tomas."
Dagdag ni Direk Joel Ferrer, "Saka inisip namin actually na hindi paikutin dun sa brand mismo, na yung narrative niya, hindi umiikot sa sauce, e.
"Ang pakay talaga namin, gumawa ng effective and beautiful, engaging love story nina Ming at Tomas. Para hindi rin kami parang… nakatali dun sa sauce mismo.
"Pero nakatali tayo dun sa mismong narrative saka sa journey nila. 'Tapos eventually, papasok din yung brand, which is essential din.
"Pero mas mabigat kumbaga yung dynamics saka yung essence ng them being together, saka yung them being destined. Yung serendipity of all things.
"So, mas nagpo-focus tayo sa story telling na ganun, na hindi siya masyadong madalas na ginagamit. Pero ang hinahabol kasi namin, yung charm of that kind of story."
NOEL FERRER
Looking forward ako sa next project ng progresibong aktres na si Nadine Lustre. Hanga ako sa kanyang lakas ng loob na gumawa ng matatapang na moves sa kanyang career, be it in her acting, music, at kahit sa ads.
Puro breakthrough ang moves ni Nadine. At sana, maging consistent din siya sa pagiging visible sa public dahil kaabang-abang ang mga ginagawa niya! Bravo, Nadine!!!
