PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lolit Solis, may sentimyento sa PAMI: "Inisnab nila ako."

Lolit Solis: "Talagang ginawa nila akong non-entity, persona non grata."
by PEP Troika
Published May 27, 2022
Lolit Solis
"Pero naalala ko bigla, kahit isang PAMI [Philippine Artists Managers, Inc.] member, waley! Even Chito Roño na alaga ko, hindi ako binati! Talagang ginawa nila akong non-entity, persona non grata," saad ni Lolit Solis na nagdiwang ng 75th birthday noong May 20, 2022.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Tigib ng emosyon ang ika-75 kaarawan ni Manay Lolit Solis noong Mayo 20, 2022, Biyernes.

"Alam mo, ewan ko, baka naman dahil 75 na ako, ‘no?! Alam nilang konti na lang siguro ang magiging buhay ko!" bulalas ni 'Nay Lolit nang makatsikahan ko sa mediacon ng Beautederm noong Mayo 24, Martes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

"Talagang naiiyak na ako. Kasi, kahit na yung mga long-lost friend… like si Kris [Aquino], hindi ko naman laging kausap pero nakaalala.

"Si Dawn Zulueta, out of the blue, binati ka, di ba? Nagpadala ng suha.

"Huwag na nga yung mga give, kundi yung pag-alala sa ‘yo na kahit na yung long-lost friend mo, ‘Ha?! Naalala nito ang birthday ko?!’

"Pero naalala ko bigla, kahit isang PAMI [Philippine Artists Managers, Inc.] member, waley! Even Chito Roño na alaga ko, hindi ako binati!

"Talagang ginawa nila akong non-entity, persona non grata. Inisnab nila ako. In-upset nila ako!" natatawang talak ng veteran talent manager na infamous ang alok-bati portion sa defunct talk show na Startalk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero binati ako ni Joey de Leon sa Eat Bulaga. Pati si Joel Lamangan, binati ako. Kaya haping-happy ako, yung mga hindi ko naisip na babatiin ako, out of the blue, talagang bumati.

"Ngayon ko na-realize, kahit na anong edad mo, petty ka pa rin. Imagine-in mo, umabot na kami sa ganitong edad, tapos yung konting away-awayan, ek-ek ek-ek, sineseryoso pa rin?!" himutok pa ni ‘Nay Lolit.

Noong Martes ay nag-send ng gift kay 'Nay Lolit ang manager ni Ivana Alawi na si Perry Lansigan.

Nag-text din kay 'Nay Lolit si Tita Malou Choa-Fagar. Sa Beautederm mediacon ay may pa-surprise na cake para kay ‘Nay Lolit.

Pinangunahan ng endorser na si Marian Rivera at Beautederm CEO na si Rei Anicoche-Tan ang pag-awit ng “Happy birthday” kay ‘Nay Lolit.

Kumurot din sa puso ni ‘Nay Lolit ang pakikipag-usap sa friend (“F”) niyang senior citizen, na nakatira na sa isang home for the aged. Si F ay dating talent coordinator sa isang TV show ng isang sikat na TV host (“H”).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Salaysay ni ‘Nay Lolit, "Biro mo, si F, lagi niyang ipinagmamalaki noon pag tinatanong ko, 'Paano iyan, single ka, sinong mag-aalaga sa 'yo pag nag-retire ka na?'

Aalagaan daw siya ng mga pamangkin niya tsu-tsu, na tinulungan niyang mag-aral tsu-tsu.

"Tapos nung matanda na siya, wala nang nag-alaga sa kanya. Kailangan niyang pumunta sa home for the aged na libre, sa gobyerno kasi.

"Tapos yun nga, tumawag siya sa akin, 'Nay, OK lang pag hindi ka dumalaw sa akin dahil alam kong ang layo dito! Pero sana, dalawin ako ng ibang kasamahan natin.’

"Kaya sabi ko kay Gorgy [Rula], kahit na ako ang magbayad ng van papunta sa home for the aged para madalaw si F.

"Na-upset ako, dahil ang hinihingi niya, kumot. Kasi nga, ano daw, ewan ko, tuwing ikalawang buwan daw saka pinapalitan yung kumot ng kama? Sana daw, may pamalit siya na sarili.

"Kaya parang na-upset ako dahil asan yung mga pamangkin? 'Tapos, yun nga, sana daw, madalaw siya tsu-tsu.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Parang, di ba, ang lungkut-lungkot naman ng buhay mo kapag ganoon, di ba? Tapos, kaya galit ako kay H [pangalan ng sikat na TV host], ito ang rason.

"Araw-araw, nanonood sila ng show ni H. Kasi, alam ng lahat doon sa home for the aged na nagtrabaho siya kay H. Kasi, ang inaabangan ng mga yun, batiin siya ni H.

"Siyempre, sa mga ordinaryong araw, 'Hindi naman ako laging babatiin niyan,' sabi raw ni F. E, birthday niya, 'Day! Hindi siya binati.

"Hindi niya ipinakita pero naiyak daw siya. Kasi, parang yung mga matatanda, parang… 'Akala ko ba, nagtrabaho ka kay H?' Parang ganun ang tingin sa kanya."

Ikinalumbay rin siyempre ni ‘Nay Lolit na pumanaw ang movie queen na si Susan Roces noong kaarawan niya.

"Naano ako dahil isa si Susan sa very friendly, di ba? Pag nakita mo, kahit saan…" pagbuntong-hininga ni ‘Nay Lolit.

Hindi nagpunta si ‘Nay Lolit sa lamay ni Susan sa Heritage Park dahil lalo lang daw siyang malulungkot at made-depress doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lolit Solis, bakit irita sa "maganda pero bobitang aktres"?

GORGY RULA

May ilan namang naloloka nang tinext nila si Nay Lolit para batiin sa kanyang kaarawan, dahil ang sagot daw nito, "Bakit?"

Meron din daw siyang sinagot ng "Wow!"

Sabi ni ‘Nay Lolit, napapagod na raw siya sa kasasagot sa dami rin ng mga bumati sa kanya.

Pero sa totoo lang, ramdam ko kung bakit siya nagse-senti dahil naaalala pa rin niya si Kuya Ricky Lo. May common friends silang magkasabay silang tini-treat ng lunch para sa kanilang kaarawan, dahil magkasunod sila ng birthday.

Sabi naman ng ilang taga-PAMI, nung mismong araw ng kaarawan ni 'Nay Lolit ay taranta na sila dahil sa kalagayan ni Susan Roces.

Alam na kasi nilang hindi na okay ang lagay ng Queen of Philippine Movies, kaya doon na sila naka-focus, kaya nakaligtaan na nila ang birthday ng ka-member nila sa PAMI na naging dahilan kung bakit nabuo ang grupo nilang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sobrang saya naman ni 'Nay Lolit dahil sinorpresa siya nina Senator Bong Revilla, kasama pa si Mayor Lani Mercado at ang mga anak nilang sina Bryan at Jolo Revilla.

Si Mayor Lani pa nga ang medyo emotional dahil nun lang sila nagkita muli magmula nang pumutok ang pandemya.

NOEL FERRER

Siyempre, ramdam natin ang ganyang birthday blues. Kaya sa gitna ng lahat ng kaguluhan, I made it a point to greet 'Nay Lolit at nagpadala ng something.

Sana pala, properly labelled. Kasi, mukhang nagkahalu-halo na sa dami ng regalo sa kanya.

"Tatandaan mo, hindi kita friend—anak kita," text niya sa akin na ikina-touch ko rin talaga.

Sa kahit sinumang mahalaga sa atin, dapat talaga ay binibigyan ng importansiya at pag-aalaala. Ngayon din! Because tomorrow is never promised!

We love you, Nanay Lolit!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pero naalala ko bigla, kahit isang PAMI [Philippine Artists Managers, Inc.] member, waley! Even Chito Roño na alaga ko, hindi ako binati! Talagang ginawa nila akong non-entity, persona non grata," saad ni Lolit Solis na nagdiwang ng 75th birthday noong May 20, 2022.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results