PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Michael V. writes poem about the results of 2022 elections

Michael V., idinaan sa tula ang saloobin sa resulta ng nakaraang eleksyon
by PEP Troika
Published May 27, 2022
michael v may 2022 elections
Michael V. on social media: "For me, social media is a tool na p’wedeng gamitin ng lahat ng taong may cellphone at may access sa internet. And yes, pwede s’yang gamiting outlet for expressing emotions, opinions, art or all of the above. Yun mismo yung ginagawa ko. Minsan the message gets through pero sadly, minsan hindi."
PHOTO/S: @michaelbitoy on Instagram

GORGY RULA

Pagkatapos ng eleksyon at maiproklama ang mga nanalong kandidato, sa social media natin nababasa ang saloobin ng karamihan sa ating mga kababayan.

Marami ang nakapansin sa dalawang tulang isinulat ni Michael V. at ipinost sa Instagram at Facebook.

“Mindset” ang titulo ng unang tulang ipinost niya nung Mayo 13, 2022.

Nagpahayag siya sa tulang yun na tanggap na niya kung sino ang iniluklok ng mas nakararami. Move on na raw at tuloy na siya sa kanyang trabaho bilang artista.

Pero sabi niya, “Lahat ng may gusto nito, ito mismo ang makukuha n’yo.

“Pero hindi ako bulag at dalawa ang mata ko:

“Isang mata sa bayan at isang mata sa ‘yo.

“Susundin ko ang gobyerno kahit hindi kita ‘binoto.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuri si Bitoy sa napakaganda niyang tula, at nasundan pa ito ng panibagong tula na muling pinuri at pinusuan.

“Sama All” ang titulo nito at marami siyang saloobin sa mga nangyayari at hanash ng iba.

Ang mensahe niya sa huling bahagi ng tula: “Simple lang ang sinasabi ko, ‘wag nang lagyan ng kulay;

“Ito nama’y ‘kuwan’ lang… hindi naman ako nang-aaway.

“Wag basta-basta patol, ‘wag nang sayangin ang ‘yong laway.

“Weather-weather lang ‘yan! Ganyan talaga ang buhay.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naka-text ng PEP Troika si Bitoy at kagaya ng iba, sa social media niya inilalabas ang kanyang naoobserbahan sa paligid at ang tunay na nararamdaman.

Aniya, “For me, social media is a tool na p’wedeng gamitin ng lahat ng taong may cellphone at may access sa internet.

“And yes, pwede s’yang gamiting outlet for expressing emotions, opinions, art or all of the above.

“Yun mismo yung ginagawa ko. Minsan the message gets through pero sadly, minsan hindi.

“So it’s also a great tool to get to know your audience/followers.

“FYI, hindi ko makuhang magalit o mainis sa social media. Nae-entertain ako more than anything.

“Pag may knowledge ka ng audience mo, kahit sang-ayon o kontra sila sa ‘yo, mas magkakaroon ka ng malinaw na direction sa career mo.”

Ngayong bago na ang format ng Bubble Gang, na talagang pinag-isipan nang husto ni Michael V., may mapapanood kaya tayong ilang sketches na nagpapahayag ng tunay na nararamdaman nila sa nangyari sa ating paligid?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Curious ako kung may pitik siya sa ibang gags na gagawin nila na kinatuwaan naman ng karamihan.

Abangan na lang natin ang bagong bihis na Bubble Gang tuwing Biyernes ng gabi sa GMA-7. Twenty-seven years na itong namamayagpag at lalo pang kinatutuwaan ng mga televiewers at bentang-benta pa ito sa TikTok.

JERRY OLEA

Pumitik at nagpapitlag sa aking puso ang taghoy ni Bitoy: “Hindi magkakaintindihan ang makata at ang tanga.”

Ang talinhaga ng kanyang mga larawandiwa ay nagpaumid sa aking dila.

Kung meron mang umismid, magkukunwari akong nasamid.

Lilipad sa hangin ang hiwaga ng kanyang mga tula.

Kung titingalain ay sa langit maluluklok, pero sa mga dadapurak ay sa impyerno isasadlak.

Que sera, sera.

Kung ano’t ano man, ang isa pang ka-Babol na si Paolo Contis ay sakdal ligaya sa sinapit ng inendorso niyang Ako Bicol partylist. Pero nalungkot din si Paolo sa muling pagkabigo ni Richard Yap sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tumakbo si Richard na congressman sa North District ng Cebu, ngunit pinagkaitan siya ng suwerte.

Naging kaibigan ni Paolo si Richard nang magsama sila sa teledramang I Left My Heart in Sorsogon.

Noong nagsimula ang kampanya, alam daw ni Paolo na nangunguna si Richard sa survey. Kaya nagulat siya nang nabalitaan niyang lotlot de leon ang ending nito.

“Nag-alok pa ako mag-ikot with him… hindi na niya ako nabalikan, hehehe,” pakli ni Paolo.

Naging abala na rin kasi si Paolo sa pag-iikot sa Kabikulan noong panahon ng kampanya.

NOEL FERRER

Lodi talaga si Bitoy! Mapa-acting, directing, pagguhit, pag-awit at ngayon, pagtula, nagagawa ni Michael V. nang maayos at magaling!!!

Lodi ko rin siya bilang family man at bilang kaibigan! He has my support and love always.

Napapa-sana all ako sa kanya sa pagiging purpose driven niya bilang total artist talaga.

When I grow up, I want to be like Michael V. or Bitoy as we have always loved him!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Michael V. on social media: "For me, social media is a tool na p’wedeng gamitin ng lahat ng taong may cellphone at may access sa internet. And yes, pwede s’yang gamiting outlet for expressing emotions, opinions, art or all of the above. Yun mismo yung ginagawa ko. Minsan the message gets through pero sadly, minsan hindi."
PHOTO/S: @michaelbitoy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results