PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Top Gun: Maverick of Tom Cruise full of breathtaking scenes

Ngayon Kaya nina Paulo at Janine, ipalalabas sa mga sinehan.
by PEP Troika
Published May 29, 2022
tom cruise top gun maverick
Palabas na sa mga sinehan dito sa Pilipinas ang Top Gun: Maverick, ang sequel ng 1986 blockbuster film ni Tom Cruise na Top Gun.

JERRY OLEA

Nanood ako ng 3:25 p.m. IMAX screening ng Top Gun: Maverick nitong Mayo 28, 2022, Sabado, sa SM Mall of Asia. P670 ang tiket ng nasabing screening.

Napag-alaman ko sa takilyero na noong Mayo 4 lang nag-reopen ang nasabing IMAX cinema matapos iyong isara nang madeklara ang community quarantine sa Kamaynilaan noong Marso 15, 2020.

Magiging senior citizen na si Tom Cruise sa Hulyo 3 pero matikas at makisig pa rin siya sa sequel ng pelikula niyang Top Gun — ang highest-grossing film noong 1986 — na nagpasikat nang lubos sa kanya.

Sa ganang akin ay mas may kurot sa puso itong Top Gun: Maverick, at mas makapigil-hininga ang maaaksyong eksena, lalo pa’t immersive talaga ang panonood sa IMAX.

Ang ganda ng dynamics ni Captain Pete “Maverick” Mitchell (karakter ni Tom Cruise) with Lt. Bradley “Rooster” Bradshaw (karakter ni Miles Teller).

Si Rooster ay anak ni LTJG Nick “Goose” Bradshaw (karakter ni Anthony Edwards), ang namayapang best friend ni Maverick sa original movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Markado ang cameo ni Val Kilmer bilang four-star Admiral Tom “Iceman” Kazansky, ang karibal ni Maverick sa Top Gun.

Kasali rin sa Top Gun: Maverick si Manny Luis Jacinto bilang Lt. Billy “Fritz” Avalone, isang Canadian actor na sa Pilipinas isinilang. Dugong-Chinoy si Manuel, na lumabas din bilang Jason Mendoza sa NBC sitcom na The Good Place (2016-2020).

Humigit-kumulang 50 percent ang okupadong upuan sa nasabing screening ng Top Gun: Maverick, na nag-umpisang ipalabas sa Pilipinas noong Mayo 25, Miyerkules.

Bago nag-umpisa ang screening ay ipinalabas ang bagong infomercial ng Optical Media Board (OMB) na tampok ang bagong OMB Chairman na si Jeremy Marquez.

Sana ay ipalabas na rin iyon sa iba pang mga sinehan. Noon kasing Mayo 25 ay iyong lumang OMB infomercial pa ang napanood ko sa isang sinehan ng isang mall sa Cubao, Quezon City.

Kabilang sa Hollywood films na malapit nang ipalabas sa bansa ay ang Jurassic Park: Dominion (Hunyo 8), Lightyear (Hunyo 15), at Thor: Love and Thunder (Hulyo).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakalagay sa Facebook page ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) na sa Disyembre ipapalabas sa mga sinehan ang Avatar: The Way of Water. Talaga lang, ha? Sigurado ba iyon?

Meron tayong Metro Manila Film Festival mula Disyembre 25 hanggang Enero 7. Dahil sa MMFF kaya Enero 8, 2022 ipinalabas sa local cinemas ang Spider-Man: No Way Home, remember?

GORGY RULA

P490 ang tiket sa Director’s Club ng SM Mall of Asia, kung saan may slide screening ang Top Gun: Maverick at Doctor Strange in the Multiverse of Madness.

Noong Mayo 4 pa nag-umpisang ipalabas sa local cinemas ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness, na siyang pinakamalakas na pelikula ng 2022 so far. Umabot na sa $816M ang worldwide gross nito, kabog ang The Batman na humamig na ng $769M globally.

Sa Hunyo 22 nakatakdang ipalabas sa local cinemas ang pelikulang Ngayon Kaya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, na isa sa walong napili bilang official entries ng 1st Summer MMFF (Abril 11-21, 2020).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ito na lang ang hindi pa naipapalabas sa napiling kalahok sa summer filmfest na ewan kung matutuloy pa. Naipalabas na iyong pito, sa pangunguna ng Love The Way U Lie noong Agosto 2020 sa Netflix.

Naging official entries sa digital edition na MMFF 2020 ang Tagpuan, Isa Pang Bahaghari, Coming Home, at The Missing.

Marso 2021 nag-streaming ang Love or Money sa KTX, iWant TFC, at Sky Cable PPV, bago ipinalabas sa Netflix. Official entry ang A Hard Day sa balik-sinehan na MMFF 2021.

Nawa’y hindi pa nabantilawan itong Ngayon Kaya, na ang playdate ay nasa pagitan ng Jurassic Park: Dominion at Thor: Love and Thunder.

NOEL FERRER

Kahapon, kabi-kabila ang imbitasyon sa special screening ng Top Gun: Maverick at nandoon ang Ateneo batch ni Senator Risa Hontiveros.

Nakita ko rin sa isang post na nanood din ang mga lider ng Ormoc, Leyte na sina Congressman-elect Richard Gomez at Mayor-elect Lucy Torres-Gomez at ang isa pang kaibigan nating si Jing Monis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parang naging event movie na ang Top Gun dahil panahon natin noong naging uso ito. Looking forward ako sa ganitong mga event movies, pati na sa parating na exhibition ng local movies na soon!

Sana nga, Mabuhay na ang Pelikula lalo na ang Pelikulang Pilipino… sa sinehan na ulit!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Palabas na sa mga sinehan dito sa Pilipinas ang Top Gun: Maverick, ang sequel ng 1986 blockbuster film ni Tom Cruise na Top Gun.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results