Watch Now

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, kapansin-pansin ang sweetness sa All-Out Sundays

by PEP Troika
May 29, 2022
julie anne san jose rayver cruz
Sa rehearsal nila para sa All-Out Sundays noong Sabado, Mayo 28, nakunang nagbubulungan sina Julie Anne San Jose at Rayver Cuz.

GORGY RULA

Tuwang-tuwa ang JulieVer fans nang muling magsama sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa All-Out Sundays ngayong Linggo, Mayo 29, 2022.

Live ang Kapuso musical-variety show at kapansin-pansin ang mga nag-perform na magkakasintahan, ang iba naman ay nali-link sa isa’t isa.

Nandoon sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, Ruru Madrid at Bianca Umali, at kapansin-pansin sa studio ang sweetness nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara, lalo na sina Julie Anne at Rayver.

Sa rehearsal pa lang nila noong Sabado, Mayo 28, nakunang nagbubulungan sina Julie Anne at Rayver.

Ang sweet din nina Mavy at Kyline, na napapansin ng ilan nilang kasama.

Nasa isang video na parang kinikilig at nagtatawanan sina Rita Daniela at Gabbi. Na-late lang daw kasi doon sa rehearsal si Khalil, kaya hindi nakunan kung ano naman ang eksena nina Gabbi at Kahlil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masaya ang JulieVer fans dahil kahit hindi talaga magka-love team sina Julie Anne at Rayver, nakikita raw na naging totoo lang sa kanilang nararamdaman ang dalawa.

Happy na raw sila kahit hindi pa umamin ang dalawa.

Pero sa opening number pa lang ng All-Out Sundays ay pawang kantiyaw na ang inabot ng dalawa. Diretsahan silang tinanong ni Rufa Mae Quinto ng, “Magdyowa na ba kayo?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May production number sina Rayver at Kylie Padilla para sa promo ng bagong drama series nilang Bolera na magsisimula sa GMA Telebabad sa Lunes, Mayo 30.

Meron ding song number sina Rayver at Julie Anne kung saan kinanta nila ang "Boyfriend" nina Ariana Grande at Social House.

Ipinakita ang video clip ng message ni Rayver sa nakaraang birthday party ni Julie Anne. Wala silang inamin, pero tila nagkakaintindihan ang dalawa sa mensahe ni Julie Anne kay Rayver.

Sabi ng singer-actress, “Thank you so much for everything and you know the rest.”

Nag-trending sa Twitter ang #AOSPpopPanalo, at kilig-kiligan ang fans sa sinabing yun ni Julie Anne kay Rayver.

NOEL FERRER

Napanood ko ang episode ng AOS ngayong araw, in fairness.

Oo, may chemistry naman sina Julie Anne at Rayver, pero sana mag-evolve pa ito sa pagka-premium artista nila.

I’m watching the third installment of Limitless, at labis ba kung ganitong quality ang i-expect natin sa AOS?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo needs more practice and better material pa ang musical-comedy routine, and yung Bubble Gang promo ay kaya pang i-push para level seasoned at premium product ang labas.

Magaling yung mga young "Pop Artist" na magbosesan. At yung "Queendom," kailangan pang igpawan ang pagiging Da Hu…. para tumuloy sa actual royalty na hindi pilit.

Now that the network has the obvious wider reach, challenge ito ngayon to come up with a show that is really first rate… iyan ang aabangan natin sa AOS!!!

JERRY OLEA

Best-of-the-best ang hatid ng ASAP Natin ‘To this Sunday sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Nagpakilig dito sina KD Estrada at Alexa Ilacad.

Kung magla-live o may fresh episode ang ASAP, abangan natin kung magpo-promote doon sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ng pelikula nilang Ngayon Kaya, na sa wakas ay ipapalabas na sa Hunyo 22 matapos mabinbin ang showing nito noong Abril 2020.

Aamin na kaya ang PauNine? O mauunang umamin ang JulieVer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alin ba sa dalawang pareha ang mas lalanggamin? Team JulieVer ba kayo o Team PauNine?

Sa pula, sa puti!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa rehearsal nila para sa All-Out Sundays noong Sabado, Mayo 28, nakunang nagbubulungan sina Julie Anne San Jose at Rayver Cuz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results