GORGY RULA
Sabi nga ni Marian Rivera sa mediacon ng Beautederm last week, bonus na lang sa kanila kung mataas ang rating ng sitcom nila ni Dingdong Dantes na Jose and Maria’s Bonggang Villa.
Bahagyang bumaba ang pangatlong episode ng sitcom nila nung Sabado, Mayo 28, pero ito pa rin ang may pinakamataas na rating sa primetime ng GMA-7.
Naka-11.2% ang Jose and Maria’s Bonggang Villa, at naka-1.5% ang penultimate episode ng katapat nitong Pinoy Big Brother Kumunity.
Ang 24 Oras Weekend ay naka-10.1% versus TV Patrol na naka-1.9%.
Ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ay naka-10.2%, at ang katapat nitong My Papa Pi ay naka-1.5%.
Ang Magpakailanman naman ay naka-10.8%, at naka-2% ang Maalaala Mo Kaya.
Samantala, live ang All-Out Sundays nung Linggo, Mayo 29, at nag-trending pa ito dahil sa pakilig nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Naka-3.9% ang AOS, at 2% naman ang katapat nitong ASAP Natin ‘To.
Na-maintain naman ng panghuling installment ng musical trilogy ni Julie Anne na Limitless Rise ang 2.5% rating nito. Consistent pa ring mataas ang FPJ Da King na naka-3.4%.
Ang Raya Sirena naman na malapit nang matapos ay naka-2.8%, at ang sumunod ditong The Best Ka! at Regal Studio Presents ay parehong naka-3.3%.
Ang 24 Oras Weekend naman ay naka-10%, at 1.4% ang TV Patrol.
Bagong episode ang Daig Kayo ng Lola Ko tampok si Jillian Ward, at nakapagtala ito ng 10.5%. Ang PBB finale ay naka-1.4%.
Bumaba ang Happy ToGetHer, na karugtong pa rin ng kanilang Boracay episode. Naka-12.2% ito, galing sa napakataas nilang 15.6 percent nung nakaraang Linggo, Mayo 22.
Bahagya namang tumaas naman ang Kapuso Mo Jessica Soho na may 15.6%.
Nagulat kami sa The Boobay and Tekla Show na replay lang pero naka-4.4%.
JERRY OLEA
Noong Mayo 15, Linggo, ay ginawa nang pang-umaga ang Raya Sirena (10:50 a.m.) at Regal Studio Presents (11:35).
Napanganga na lang ako at napailing nang mapanood ang TV plug ng Kapuso Network na panghapon na muli ang Raya Sirena. Tsk! Tsk! Tsk!
Bonggang-bongga ang pakilig nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz sa live presentation ng All-Out Sundays noong nakaraang Linggo.
Pero Jesus, Maria at Jose! Limited sa ratings ang Limitless concert ni Bb. San Jose, maging iyong guesting pa rin niya sa Happy ToGetHer! Pasang krus at hindi iyon nakaka-happy, di ba?!
Walang halong pambobola, happy tayo para kay Rayver na meron nang primetime series sa GMA-7, ang Bolera, at hindi iyon kabitserye, huh?!
Pero mas magiging happy tayo kung mabibigyan muli ng primetime series si Julie Anne. Hopia at asado nga tayo na i-partner ito kay Alden Richards.
NOEL FERRER
In fairness, magaling si Julie Anne, ha, pero bakit parang may limit ang kunek niya sa audience?
Kung hindi siya ang Sharon, Regine o Sarah ng bagong henerasyon, sino siya? May nagsabing patanong… puwede bang mala-Donna Cruz? Pero si Donna, nagmarka talaga ang ilang kanta at pumatok ang pagbibida sa pelikula.
Hanggang sa meron nang ibang examples ng puwedeng kasapitan ni Julie.
Hanggang sabi na lang ni Tito Gorgy, kailangan din kasi ng luck! Oh well, good luck pa rin kay Julie na sa tingin ko, lalo pang humusay sa pag-perform, ha?
At itong nga ratings, OK na ring indicator na nagbabalik na ang mga tao sa panonood ng TV muli… pero medyo solo flight talaga ng GMA ang mainstream TV ratings because of their franchise.
Tanggapin nating iba na ang panahon ngayon. Hindi na ito apples to apples… iba na ang estado ng major networks. Ibang-iba na.
