PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Top Gun: Maverick, lampas $300M na ang worldwide gross

Ngayon Kaya nina Paulo at Janine, ipalalabas na sa mga sinehan.
by PEP Troika
Published Jun 2, 2022
top gun: maverick ngayon kaya posters
Top Gun: Maverick is now the highest opening weekend gross for a Tom Cruise movie; Ngayon Kaya, starring Janine Gutierrez and Paulo Avelino, will finally be shown in theaters two years after its original playdate.

JERRY OLEA

Lumampas agad sa $300M ang worldwide gross ng bagong pelikula ni Tom Cruise na Top Gun: Maverick.

Ang domestic gross ng four-day opening weekend nito ay $160.5M.

Take note na ito ang unang pelikula ni Tom Cruise na umabot sa $100M ang opening weekend gross sa North America.

Ang dating pelikula niya na pinakamalakas ang opening weekend gross ay ang War of the Worlds (Hunyo 2005) na humamig ng $64.9M sa unang weekend nito sa takilya ng US at Canada.

Take note din na itong Top Gun: Maverick ang may widest release sa kasaysayan sa North America. Sa international market ay naka-$139.5M na ito.

Bale pampito na agad ito sa pinakamalalakas na pelikula worldwide ngayong taon.

Ayon sa Box Office Mojo, ang Top 6 sa takilya this year as far as worldwide gross is concerned ay Doctor Strange in the Multiverse of Madness ($877.7M), The Batman ($770.3M), Water Gate Bridge ($626.4M), Uncharted ($401M), Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledore ($396M), at Sonic the Hedgehog 2 ($385.5M).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magbabagu-bago ang mga ranking na iyan, lalo pa’t inaantabayanan din ng moviegoers ang nalalapit na pagpapalabas ng Jurassic World: Dominion at Thor: Love and Thunder.

Sa summer (Mayo-Agosto) movie season ipinapalabas ang karamihan ng Hollywood blockbusters. Buena mano sa summer movie season ng 2022 ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness.

Magpapakitang-gilas din ngayong summer movie season ang mga pelikulang Lightyear, Elvis, Minions: The Rise of Gru, at Nope.

Ang unang Pinoy film na magwa-wide release this year sa local cinemas ay ang Ngayon Kaya nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Hunyo 22 ang target playdate nito.

Sa mediacon ng Ngayon Kaya nitong Hunyo 1, Miyerkules, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City, ay tawa nang tawa sina Paulo at Janine nang uriratin ko tungkol sa kanilang kissing scenes.

Ang huling nagtanong sa mediacon ay ang katotong Bobby Requintina, “Kung meron kayong gustong hilingin sa universe about love, ano yun?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa ang PauNine at natahimik, bago nagturan si Paulo, “Parang cheesy lahat ng naiisip ko, e.”

“Ano?” pakli ni Janine.

“It’s just be gentle. Be gentle. Hinay-hinay,” sambit ni Paulo.

Bittersweet ang ngiti ni Janine, na malumanay na nagsabi, “Ahhm, ako gusto ko lang na eventually when I settle down na kami na forever.

“Kasi, in my family, halos lahat yata ng couples… like my parents, everyone, naghiwalay.

“So, ako po… ba’t nalulungkot ako? Ako, when I get married sana… forever!” napaiyak na bulalas ni Janine habang natatawa.

Ang Ngayon Kaya ay idinirek ni Prime Cruz, at kasama sa cast nito sina Rio Locsin, Donna Carriaga, Alwin Uytingco, at John James Uy.

NOEL FERRER

Salamat sa Top Gun: Maverick at naringgan ko ang mga kaibigan kong hahabulin nila ito sa sinehan. Sequel ito ng Top Gun, ang pinakamalakas na pelikula noong 1986.

Ang bida ritong si Tom Cruise ay magiging 60 years old na sa Hulyo 3. Ang leading lady niya rito na si Jennifer Connelly ay 51 years old.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Memorable ang cameo ni Val Kilmer sa Top Gun: Maverick. Sa totoong buhay ay survivor si Val ng throat cancer. Isiniwalat niya noong 2020 na gumagamit siya ng feeding tube upang makakain.

Ang original target release ng Top Gun: Maverick ay Hulyo 2019. Na-delay iyon dahil may isu-shoot pang masasalimuot na action sequences.

In-insist ni Tom Cruise na minimal ang green screen at CGI aerial shots sa pelikula. Kaya puspusan ang pagsasanay ng mga artista para sa maaaksyong eksena.

Dahil sa paglaganap ng COVID-19 ay na-delay nang na-delay ang pagpapalabas nito sa mga sinehan.

At any rate, mabuti at may pelikulang Pilipino na ang sasabak sa big screen — ang dapat kasali sa Summer MMFF 2020 na Ngayon Kaya.

Ngayon na kaya ang panahon para bumalik ang mga tao para manood ng hindi lang basta pelikula kundi magandang pelikulang Pilipino?

Official entry ang Ngayon Kaya sa kauna-unahang Summer MMFF sana, kaso, na-COVID iyon kaya naudlot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, maipakita nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na may paying audience sila at sinusuportahan sila — hindi lang sa free TV.

Acid test ang fate ng Ngayon Kaya sa takilya sa panahon ng pandemya at ang iba pang ganap sa ating bansa. Sana, mag-hit ito!!!

GORGY RULA

Nakakatuwang nangahas ang T-Rex Entertainment at WASD Films na ipalabas sa sinehan ang pelikula nilang Ngayon Kaya.

Wala talaga tayong laban sa mga malalaking pelikula ng Hollywood na tamang-tama naman, matitindi ang mga ire-release nilang pelikula dahil summer pa sa kanila.

Itong Ngayon Kaya, na magsu-showing na sa June 22, ang isa sa nagustuhan kong ginawa ni Direk Prime Cruz.

Ramdam na ramdam mo ang kinikimkim ng karakter nina AM (Janine Gutierrez) at Harold (Paulo Avelino). Magaling kasi silang dalawa sa pelikulang ito.

Siyempre, hindi tayo naghahangad na pumantay o lumaban ito sa makakasabay na Hollywood films, pero sana magkaroon naman ng crowd ang pelikulang ito at tumagal sa mga sinehan kahit isa o dalawang linggo man lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ni Janine sa nakaraang press preview ng naturang pelikula, ang wish niya sa pagpasok ng buwan ng Hunyo ay ma-appreciate ng manonood ang pelikulang ito.

“Sana mabigyan ng pagkakataon yung Ngayon Kaya na mapanood talaga ng madaming tao sa sinehan, kasi I understand na we’re one of the first to a theatrical release post-pandemic.

“So, sobrang na-appreciate po namin yung pagpunta niyo ngayong hapon, and we’re so grateful for your help na ma-spread yung word na sa sinehan nga tayo maipapalabas.

“Yun talaga yung wish ko ngayong June na people will come out and see this,” pahayag ni Janine.

Sabi naman ni Paulo, “Sana mas lumakas pa yung suporta ng Pilipinas sa pelikula na ginagawa natin dito. Kasi, we all know, parang yung highest-grossing movies for the past couple of years, hindi man lang Pilipino, e. So, parang nakakalungkot.

“Hindi katulad sa India na parang pag pelikula nila, papanoorin nila. The same with Thailand, Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana ganun din ang tingin ko for us na tinatangkilik ang pelikula natin."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Top Gun: Maverick is now the highest opening weekend gross for a Tom Cruise movie; Ngayon Kaya, starring Janine Gutierrez and Paulo Avelino, will finally be shown in theaters two years after its original playdate.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results