Watch Now

Paulo Avelino at Janine Gutierrez, naka-relate sa mga role nila sa Ngayon Kaya

by PEP Troika
Jun 4, 2022
paulo avelino janine gutierrez ngayon kaya
Janine Gutierrez on working with Paulo Avelino: "I was really happy to be able to work with him. I always wanted to. Pinapanood ko yung mga pelikula niya. And ahhhm, noong nalaman ko na on board siya sa project, parang dun ko na-realize na… Even more, na talagang maganda yung materyal. Ang ganda ng pagkasulat. Ahhm, yun. So, excited talaga."
PHOTO/S: T-Rex Entertainment Facebook

JERRY OLEA

Naka-relate nang lubos sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez sa characters nilang sina Harold at PM, respectively, sa pelikulang Ngayon Kaya.

“Parang ako yun. Parang ako siya, e,” sambit ni Paulo sa mediacon noong Hunyo 1, Miyerkules, sa Sine Pop, Cubao, Quezon City.

“Kumbaga, buong buhay ko, hindi naman ako masyadong nagsasalita. Computer lang ang inaatupag ko.

“So, pagdating sa pag-ibig or sa crush mo, parang ano ka lagi, parang dinadaan mo lang lagi sa friendship dahil hindi mo alam kung may pag-asa ka o hindi.

“Ayun, at wala ka ring perang pam-vape,” pagbibiro pa ng premyadong aktor.

Sambot ni Janine, “Gusto kong pinapanood yung mga ganitong klaseng kuwento.

“Kasi, parang… after, parang napapaisip ka sa sarili mong buhay kung ano pa ba yung mga dapat mong sabihin na hindi mo nasabi.

“Or parang it serves as a reminder na huwag mong masyadong ipagpabukas yung mga kailangan kong sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lalo na last two years, di ba, natutunan nating lahat na hindi sigurado kung ano ang mangyayari bukas.

“So, I like how it works as a vehicle to parang look at yourself and your own life, at yung mga mahal mo sa buhay.”

Magkasundo na talaga sina Paulo at Janine. Comfortable sa isa’t isa…

“Sakto lang!” bulalas ni Paulo.

Natawa si Janine, “Ha! Ha! Ha! Ha! I knew you’re gonna say that!”

Palabas na sa Hunyo 22 sa local cinemas ang Ngayon Kaya.

Idinirek ito ni Prime Cruz, at kasama sa cast sina Rio Locsin, John James Uy, Donna Carriaga, at Alwin Uytingco.

GORGY RULA

Syinuting ng PauNine ang Ngayon Kaya noong 2019, bago pa lumaganap ang pandemya.

Nagkalapit sila nang husto sa lock-in taping ng Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You, at nang makasama sa U.S. concert tour ni Ogie Alcasid.

Ikinakasa na ang bagong Kapamilya TV series na pagsasamahan nila, na co-produced with a foreign network, at magsu-shoot abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mediacon ay hindi tahasang inamin nina Paulo at Janine kung ano na ang estado ng kanilang relasyon. Pero sang-ayon si Janine sa obserbasyon na happy siya sa kung anong meron siya ngayon.

Nakangiting lahad ni Janine, “Happy ako sa work, sa buhay, sa family. Healthy lahat.”

Noong sinu-shoot ang Ngayon Kaya, wala pang feelings si Janine para kay Paulo?

“Idol ko siya,” mabilis na sagot ni Janine.

“And I was really happy to be able to work with him. I always wanted to.

“Pinapanood ko yung mga pelikula niya. And ahhhm, noong nalaman ko na on board siya sa project, parang dun ko na-realize na…

“Even more, na talagang maganda yung materyal. Ang ganda ng pagkasulat. Ahhm, yun. So, excited talaga.”

Ano ang kaibahan ng noon at ngayon?

Mabining tugon ni Janine, “Ahhm, I guess marami nang pinagsamahan ngayon. And I’m looking forward to work with Pau more.”

Pahayag naman ni Paulo, “Siguro dati kasi, first project namin na magkasama ito. Uwian pa noon, yung dating style ng pagsusyuting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos, nag-Marry Me, Marry You. Wala kaming choice kundi kausapin ang isa’t isa dahil kami rin ang nagkikita araw-araw sa set.

“So siguro, mas ano, ahhh, mas kilala na namin yung isa’t isa kumpara dati.”

NOEL FERRER

It really all starts with a good script.

Alam niyo bang ka-batch dapat namin si Prime Cruz sa Ricky Lee Writing Workshop?Nag-attend siya ng first few sessions, pero naging busy kaya hindi siya natuloy.

Hindi man natuloy noong Summer MMFF (Abril 11-21, 2020), sana talaga ay suportahan ng mga kababayan natin sa sinehan ang Ngayon Kaya para rin manumbalik hindi lang ang sigla ng industriya kundi ang boost sa mga independent producer, tulad ng napakabait na si Rex Tiri, sa paggawa pa ng maraming makabuluhang mga pelikula.

See you sa mga sinehan para sa Ngayon Kaya!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janine Gutierrez on working with Paulo Avelino: "I was really happy to be able to work with him. I always wanted to. Pinapanood ko yung mga pelikula niya. And ahhhm, noong nalaman ko na on board siya sa project, parang dun ko na-realize na… Even more, na talagang maganda yung materyal. Ang ganda ng pagkasulat. Ahhm, yun. So, excited talaga."
PHOTO/S: T-Rex Entertainment Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results