PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Liza Diño still waiting for BBM appointment for her replacement

FDCP Chairperson, inalok kay Darryl Yap?
by PEP Troika
Published Jun 4, 2022
liza dino fdcp succesor
Liza Diño: "Honestly, sa totoo lang, I will respect naman talaga kung ano ang magiging desisyon ng ating bagong administrasyon. Of course, you know, prerogative nila yun e. Sa akin, kung sino man, halimbawa man kung meron, I want to give them the same respect given to me."
PHOTO/S: @lizadino on Instagram

GORGY RULA

Igagalang ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra ang desisyon ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kung sino ang gusto nitong mamuno ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ilalim ng administrasyon nito.

Nakakarating daw sa kanya ang ilang balita kung sino ang piniling ipapalit sa kanya sa FDCP, pero may mga balita ring marami ang nagre-recommend na dapat ay huwag na siyang palitan dahil sa maayos niyang performance sa naturang ahensya.

Totoo bang si Direk Darryl Yap daw ang piniling umupo bilang bagong FDCP chairperson? Pero tinanggihan daw ito ng naturang direktor dahil mas gusto niyang si Liza pa rin ang mamuno ng FDCP.

Sabi ni Liza nang nakapanayam namin sa DZRH nung nakaraang Biyernes, June 3, nagpapa-schedule na raw sila kay President-elect Marcos na mag-courtesy call para mailatag ang kanilang mga proyekto.

“We’re hoping that our dear President can grant us that courtesy call para ma-present namin yung agenda ng FDCP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Saka yung mga continuing programs ng FDCP, kasi it’s so important na magkaroon talaga ng continuity. Not just ako, but the programs mismo.

“Kasi, bago pa lang siya, na-incubate pa lang siya, at ngayon pa lang siya naging relevant sa international community,” pahayag ni Madam Liza.

Ang tinutukoy niyang bagong proyekto ay ang FDCP Film Philippines Incentives na talagang kinarir daw niya sa nakaraang Cannes International Film Festival. Inengganyo niya ang international film producers na makipag-co-produce sa ating film producers at mag-shoot dito sa Pilipinas.

“Grabe talaga yung response at saka feedback ng international community ng formally, ini-launch na natin yung Philippines Incentives in Cannes,” pakli niya.

Nakahanda raw siya sa magiging desisyon ng bagong pangulo kung sino ang gusto nitong pauupuin sa FDCP.

“Honestly, sa totoo lang, I will respect naman talaga kung ano ang magiging desisyon ng ating bagong administrasyon.

“Of course, you know, prerogative nila yun e. Sa akin, kung sino man, halimbawa man kung meron, I want to give them the same respect given to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi na-experience ko rin yung puwedeng ma-experience ng kung sino man.

“Yung, ‘Sino ba yan?’ Di ba, parang nagtaas ng kilay and all. But at the end of the day, we worked hard and then the work speaks for you.

“I hope I stay because I really want to work with this new administration because I believed that their priorities also include arts and culture.

“Napakalaki ng nagawa nila before, in terms of the track record, in terms of what they have done for arts and culture,” saad ni FDCP Chairperson Liza Diño.

JERRY OLEA

Pinost ni Direk Darryl Yap na aprubado na ng Viva Films ang bago niyang pelikula na Maid in Malacañang. Abangan na lang daw natin ang cast nito.

At any rate, ang sabi pa ni Chair Liza, nakakatuwa ang pagtanggap sa ating filmmakers sa 75th Cannes filmfest (Mayo 17-28).

Unang araw pa lang daw ng Cannes ay nakakuha ng partnership doon ang ilang film projects natin, kagaya ng pelikula ni Alvin Belarmino na nabigyan ng development grant na 5,000 euros.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakuha raw ng pelikulang Plan 75, na co-production ng Pilipinas at Japan, ang Camera d’Or na iginawad sa direktor nitong si Chie Hayakawa at sa co-producers nilang sina Alembarg Ang at Wilfredo Manalang. Bida sa pelikulang ito ang Filipina-Japanese actress na si Stefanie Arianne.

Lalo raw pinag-usapan ang mga Pinoy roon nang magwagi ng Palme d’Or ang pelikulang Triangle of Sadness ni Ruben Ostlund.

Ang laki ng partisipasyon sa pelikulang ito ng Pinay actress na si Dolly de Leon, na pinuri ang napakagaling niyang performance.

Read: Triangle of Sadness, starring Filipino actress Dolly de Leon, wins Palme d'Or at Cannes 2022

Ang Cannes ang pinaka-prestigious na filmfest sa buong mundo. Kasama nito sa “Big Three" major European filmfests ang Venice Film Festival sa Italy, at ang Berlin International Film Festival sa Germany.

Siyempre pa, kasali ang “Big Three” sa “Big Five” filmfests.

Ang dalawa pa sa “Big Five” ay ang Toronto International Film Festival sa Canada, at Sundance Film Festival sa Amerika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Lahat tayo ay wait and see sa mga appointment ng bagong gobyerno.

Katulad ni Liza, alam niya ang pakiramdam at paninimbang every time may bagong appointment sa parating na pamahalaan.

Liza certainly made FDCP visible and felt sa mga taga-industriya.

Mas aabangan ko rin ang next na gagawin niya bilang artist din na naisantabi niya habang siya’y nasa posisyon.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Diño: "Honestly, sa totoo lang, I will respect naman talaga kung ano ang magiging desisyon ng ating bagong administrasyon. Of course, you know, prerogative nila yun e. Sa akin, kung sino man, halimbawa man kung meron, I want to give them the same respect given to me."
PHOTO/S: @lizadino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results