JERRY OLEA
Na-depress si Shido Roxas nang mabalitaan ang kalagayan ng kanyang ex-girlfriend sa Italy.
“Three weeks ago, I felt a bit sad,” sabi ni Shido sa grand launch ng AQ Prime Stream noong Hunyo 4, Sabado, sa Conrad Hotel, Pasay City.
“A bit depressed. Kasi, yung ex ko from Italy, she was diagnosed with Stage 2 breast cancer… I’m flying end of month to visit her.”
Half-Finnish, half-Russian na nakabase sa Italy ang naturang ex-girlfriend niya. Isang taon at kalahati ang relasyon nila noong 2013-14.
“I actually got to visit her noong 2018, when I went to Milan, Italy. She was supposed to come here 2019,” kuwento pa ni Shido.
“But yung grandma, pinigilan. Kasi, andaming sinabi about the Philippines, na hindi daw safe…
“Iyong connection namin, iba. Lahat ng barkada ko, ayaw siya. And there are rumors about her.
“But then, iba kasi yung personal connection. I think that’s what’s essential for me.”
Di ba, nakakatakot pa ring pumunta sa Europe dahil sa COVID-19 pandemic?
“Pero this time around, wala na halos pong ano, e,” sabi ni Shido.
Wala ba siyang girlfriend ngayon?
Natigilan sandali si Shido bago sumagot, “Baka meron po.”
Ano?! Anong ibig sabihin ng baka meron?! At kung meron man, bakit pupuntahan pa niya ang “Lady in Italy”?!
“Kasi nga, ex ko yun,” pagkunot-noo ni Shido, na umiiwas mag-post sa social media ng litrato na may kasamang girl dahil may mga nagseselos daw.
Wala raw label iyong relasyon niya with the girl na baka girlfriend daw niya ngayon.
Kasama si Shido sa cast ng pelikulang Anatomiya, na nagtatampok din kina Teejay Marquez, Emmanuelle Vera, at Yana Fuentes, sa direksiyon ni Martin Mayuga.
Kasama rin sa naturang nakagigimbal na pelikula sina Cataleya Surio, Elijah Filamor, Ranty Fortento, Renzo Medina, at Apple Castro.
Naka-cluster ang Anatomiya with AQ Prime originals na Nelia, Huling Lamay, Pula ang Kulay ng Gabi, Ligaw, Abandoned, Z Love, Blood & Love, at Losers-1, Suckers-0.
NOEL FERRER
Ang ganda ng “baka meron” na sagot sa tanong kung may relasyon siya ngayon.
Ibang klase rin ang “no label” na relationship na madalas nang nagiging topic ng mga pelikula ngayon.
Good luck kay Shido at ang mga pelikula niya, at ang interesanteng kuwento ng kanyang buhay.
Kayo, Tito Gorgy, ano ang sagot mo sa tanong na… meron po ba kayong relasyon ngayon?
GORGY RULA
Lalong gumuwapo si Shido nang nakatsikahan ko rin siya sa grand launch ng AQ Prime Stream.
Ang ganda ng pagpayat niya, kaya keri niyang magpa-sexy at tatalbugan pa ang mga baguhang sexy actors na ilulunsad ng AQ Prime sa napakarami nilang pelikula.
Kaibigan ni Shido ang lead actress nila rito sa Anatomiya na si Yana Fuentes. Siya raw ang nagdala kay Yana sa AQ Prime dahil matagal na silang magkaibigan nung nasa Japan pa sila.
Naikuwento niya kay Yana ang kalagayan ng ex-girlfriend niya sa Italy.
Kaibigan din ni Shido ang guwapo ring Japanese boyfriend ni Yana na nandoon din sa grand launch ng AQ Prime Stream.
Hindi ko na nga maintindihan ang kuwentuhan nila dahil Nihongo ang pag-uusap nilang tatlo.
Si Shido ay gumanap na young Eddie Garcia sa pelikulang Rainbow’s Sunset (MMFF 2018), kung saan nag-torrid kissing scene sila ni Ross Pesigan na gumanap bilang young Tony Mabesa.
Nakalaplapan muli ni Shido si Ross sa iWantTFC series na Beauty Queens (2020).
In-offer kay Shido ang lead role sa pelikulang Lockdown pero tinanggihan niya iyon dahil hindi niya kayang mag-frontal.
Lumabas din si Shido sa pelikulang Nelia (MMFF 2021).
