PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gil Cuerva at Lexi Gonzales, umaming "dating" ang relationship status

Lexi on Gil: "Ngayon po, siya ang nagsisilbing inspirasyon ko."
by PEP Troika
Published Jun 6, 2022
Gil Cuerva, Lexi Gonzales, Love You Stranger, GMA-7
Gil Cuerva on blooming romance with Love You Stranger co-star Lexi Gonzales: "Nag-start naman po before Love You Stranger. Nagkataon po na kasama rin si Lexi sa Love You Stranger. So for me, good for us, happy."
PHOTO/S: James Patrick Anarcon

GORGY RULA

Nilinaw nina Gil Cuerva at Lexi Gonzales na hindi lock-in romance sa Love You Stranger ang pinag-ugatan ng kanilang pagkakamabutihan.

Bago pa man sila nagsama sa bagong Kapuso mystery-romance series na ito, starring Gabbi Garcia and Khalil Ramos, ay lumalabas na raw sila.

Si Gil ay unang nakilala sa Kapuso remake ng My Love From The Star noong 2016; habang si Lexi ay produkto ng Kapuso reality search na StarStruck Season 7 noong 2019.

Hindi pa nila inaaming sila na, pero sabi ni Lexi, meron silang "mutual understanding" ni Gil at puwedeng sabihing "dating" ang relationship status nila.

Pagkumpirma ni Gil, "Nag-start naman po before Love You Stranger. Nagkataon po na kasama rin si Lexi sa Love You Stranger.

"So for me, good for us, happy."

Pag-amin pa ni Lexi, "Before that naman po, we were already seeing each other. It started po after my second guesting sa Taste Buddies."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bago pa itong mediacon ng Love You Stranger, sandali rin naming nakatsikahan si Lexi pagkatapos niyang pumirma ng renewal sa Sparkle GMA Artist Center.

Itinanggi rin niyang sila na, pero ilang buwan na raw silang dating.

Pero kahit hindi pa official na sila na, at wala pang umaamin sa kanila, sinasabi naman ni Lexi na si Gil ang isa sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya.

"Ngayon po, siya ang nagsisilbing inspirasyon ko," pakli ni Lexi.

Mas naka-focus daw muna siya sa trabaho, at ito ang priority niya, hindi ang love life.

"Ang trabaho po kasi hindi lang para sa akin, kundi for my family and for my future, diretso niyang pahayag.

Magsisimula na ang Love You Stranger ngayong June 6, Lunes ng gabi, sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Bolera.

NOEL FERRER

Ganoon pala yun, namumutiktik ng love sa cast ng Love You Stranger, ha!

It took a while bago nila natapos ito because of the pandemic.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana suportahan din ito ng ating televiewers who may have been back to their viewing habits na ba talaga? Or nasa online streaming na ba napunta?

In any case, we will always be supportive of new and good content sa media!

JERRY OLEA

Kota Kinabalu (as in “quota”) na tayo sa mga kuwentong hiwalayan nina Moira de la Torre-Jason Hernandez, Carla Abellana-Tom Rodriguez, Kylie Verzosa-Jake Cuenca, Kylie Padilla-Aljur Abrenica, Chad Kinis-Nikko Alano Chua, at Amber Heard-Johnny Depp.

Nahahalukay pati ang hiwalayan nina Paolo Contis-LJ Reyes, Paolo Contis-Lian Paz, Bea Alonzo-Gerald Anderson, Julia Barretto-Joshua Garcia, Janine Gutierrez-Rayver Cruz, Nadine Lustre-James Reid, at iba pa.

Kaya nakaka-good vibes na mag-"hello, young lovers" tayo kina Gil Cuerva at Lexi Gonzales na nagyakapan sa GMA-NCAA All-Star Basketball Game kahapon, Hunyo 5, Linggo, sa FilOil Flying V Centre.

Obvious sa body language nina Gil at Lexi na magkasintahan na sila.

Hayaan na lang natin sila sa pagde-deny sa ngayon, at hintayin na lang natin kung kailan nila aaminin ang totoo—kung aamin ba sila, that is.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isa pang ikinaaaliw natin ay ang balik-tambalan nina Jake Vargas at Bea Binene o JaBea sa Kapuso afternoon drama series na The Fake Life, na ngayong Hunyo 6, Lunes, ang pilot episode.

Ang papel nina Jake Vargas at Bea Binene ay young Mark (Sid Lucero) at young Cindy (Beauty Gonzalez). Ang young Onats (Ariel Rivera) naman ay si Kristoffer Martin.

Bea Binene, Jake Vargas

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gil Cuerva on blooming romance with Love You Stranger co-star Lexi Gonzales: "Nag-start naman po before Love You Stranger. Nagkataon po na kasama rin si Lexi sa Love You Stranger. So for me, good for us, happy."
PHOTO/S: James Patrick Anarcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results