PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Top Gun: Maverick, Jurassic World Dominion on PH cinemas

Liza Diño-Seguerra, hinihikayat ang pagbabalik-sinehan ng Pinoy moviegoers.
by PEP Troika
Published Jun 6, 2022
Top Gun: Maverick, Jurassic World Dominion
FDCP Chair Liza Diño-Seguerra, optimistic na mas madaming pelikulang Pilipino ang ipapalabas sa mga sinehan ngayong 2022. "Nakita naman nila ngayon talagang mula Dr. Strange… Spider-Man pa lang, di ba? Punung-puno na. So, there’s no reason for us to not try," tukoy ni Liza sa mga naunang Hollywood films na pinalabas sa bansa. Nasa second week sa mga sinehan ngayon ang Top Gun: Maverick ni Tom Cruise (left) at ipapalabas na rin sa June 8 ang Jurassic World Dominion ni Chris Pratt (right).
PHOTO/S: Top Gun: Maverick / Jurassic World Dominion YouTube trailers

JERRY OLEA

Tuloy pa rin ang pamamayagpag ng bagong pelikula ni Tom Cruise na Top Gun: Maverick sa second weekend nito. Namamayagpag with flying colors ang worldwide gross nitong umabot na sa $548.6M.

Read: Top Gun: Maverick, lampas $300M na ang worldwide gross; Ngayon Kaya, ipapalabas sa mga sinehan

Ikaapat na ito sa talaan ng pinakamalalakas na pelikula this year. Ang Top 3 sa worldwide gross this year, so far, ay Doctor Strange in the Multiverse of Madness ($909.4M), The Batman ($770.3M), at ang Chinese war film na Water Gate Bridge ($626.6M).

Needless to say, ito pa ring Top Gun: Maverick ang nanguna sa North America last weekend (Hunyo 3-5). Naka-$86M ito sa mga sinehan ng U.S. at Canada last weekend, kaya umabot na sa $291.6M ang domestic gross nito.

Ang pumangalawa sa takilya ay ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness ($9.3M), on its fifth weekend.

Maging sa Pilipinas ay pangalawa ang Doctor Strange in the Multiverse of Madness sa Top Gun: Maverick sa dami ng local cinemas na pinagpapalabasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Hunyo 8, 2022, Miyerkules, magpapasiklab na sa mga sinehan natin ang Jurassic World: Dominion. Ito ang sequel sa Jurassic World: Fallen Kingdom (2018); ang ikaanim na installment sa Jurassic Park franchise; at ang final film sa Jurassic World trilogy.

Opo, ito ang conclusion sa storyline na inumpisahan sa orig na Jurassic Park trilogy.

Ang setting ng istorya ay apat na taon matapos mawasak ang Isla Nublar. Nagkalat na ang mga dinosaur sa iba’t ibang panig ng mundo.

Pangunahing characters sa Jurassic World: Dominion ang ethologist na si Owen Grady (Chris Pratt), at ang dating manager ng Jurassic World na si Claire Dearing (Bryce Dallas Howard). Andiyan din ang paleobotanist na si Dr. Ellie Sattler (Laura Dern), ang mathematician na si Dr. Ian Malcolm (Jeff Goldblum), ang paleontologist na si Dr. Alan Grant (Sam Neill), at ang geneticist na si Dr. Henry Wu (BD Wong).

May running time na 2 hours and 27 minutes ang Jurassic World: Dominion. Sa Jurassic movie na ito pinakamarami ang animatronic dinosaurs. Ang dinosaur antagonist dito ay isang Giganotosaurus (“giant southern lizard”).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Magaganda ang Hollywood films na sunud-sunod na ipinapalabas ngayon. Mayo hanggang Agosto ang summer movie season sa Amerika, na pinasimulan ng Doctor Strange in the Multiverse of Madness.

Madalas na nauuna pang ipalabas sa Pilipinas ang Hollywood blockbusters. Nakagawian kasing Miyerkules ang opening day ng mga bagong pelikula sa ating bansa, samantalang Biyernes pa ang opening day sa USA at Canada.

Sa Hunyo 8 ay ipalalabas na sa local cinemas ang animated film na Lightyear. Sa Hulyo ay ang dami nang nag-aabang sa Thor: Love and Thunder.

Parami nang parami ang Pinoy moviegoers sa local cinemas. Sana, ituluy-tuloy ito kapag ipalalabas na ang pelikula natin, na sisimulan ng pelikulang Ngayon Kaya na magsu-showing na sa Hunyo 22.

Sabi nga ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra, push pa rin ang kanilang campaign na "Nood Tayo ng Sine" para mabalik ang interes ng mga taong manood ng pelikulang atin sa sinehan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maganda rin daw itong sinisimulan muna ng malalakas na Hollywood films para masanay na ang mga taong manood sa sinehan.

Paliwanag ni Liza, "Meron tayong campaign na 'Nood Tayo ng Sine' kung saan sinusuportahan natin ang mga films natin na hinihikayat natin ang mga local audience natin na manood sa sinehan.

"Ang ginagawa namin ngayon, nakikipag-ugnayan kami sa mga producers para ibigay sa amin yung mga listahan ng mga pelikulang ipapalabas sa mga sinehan.

"Kasi, we wanna amplify by giving support in terms of the campaign. Kasi, alam ko namang intentional ngayon bakit konti lang mga Filipino film na lumalabas sa market, kasi gusto nilang masanay muna yung mga manonood na manood ng pelikula kahit pa foreign film o Hollywood film, para masanay sila."

Naniniwala si Liza na makakatulong ito para makahatak din ng audience para sa Filipino films.

"Nakita naman nila ngayon talagang mula Dr. StrangeSpider-Man pa lang, di ba? Punung-puno na. So, there’s no reason for us to not try.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Right now siyempre, ang gusto mong ibalik muna, yung confidence ng mga manonood na it’s safe to watch inside the cinemas.

"So, ano ba yung mga pelikulang makakapag-draw sa mga manonood natin na tumaya? Kumbaga, mag-risk man lang, siyempre Hollywood talaga ‘yan, aminin na natin.

"So, ang hope ng Filipino industry is, the more na natsa-challenge sila na manood ng sine, lumabas na yung mga Filipino films, less takot na sila kasi safe naman pala."

Inaasahang another mega-hit itong Jurassic World: Dominion, at sana may natira pa para sa local films kagaya ng Ngayon Kaya.

NOEL FERRER

We are a Top Gun generation.

Katulad ni Gary Valenciano na isinama ang asawa niyang si Angeli sa panonood ng sine, marami sa ating mga kaedad ang pinanood muna ang original version bago panoorin ang Top Gun: Maverick dahil maganda ang emotional connection nito sa naunang version.

Ang ganda lang na nagbabalik na sa sinehan ang mga tao. May kamahalan lang. More than PHP300 ito sa ordinary cinema, PHP490 sa Director’s Club, at PHP670 naman sa IMAX.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, magtuluy-tuloy na ang ganitong pagsuporta ng mga tao sa panonood ng pelikula sa sinehan—kahit sa pelikulang lokal. Sana talaga!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FDCP Chair Liza Diño-Seguerra, optimistic na mas madaming pelikulang Pilipino ang ipapalabas sa mga sinehan ngayong 2022. "Nakita naman nila ngayon talagang mula Dr. Strange… Spider-Man pa lang, di ba? Punung-puno na. So, there’s no reason for us to not try," tukoy ni Liza sa mga naunang Hollywood films na pinalabas sa bansa. Nasa second week sa mga sinehan ngayon ang Top Gun: Maverick ni Tom Cruise (left) at ipapalabas na rin sa June 8 ang Jurassic World Dominion ni Chris Pratt (right).
PHOTO/S: Top Gun: Maverick / Jurassic World Dominion YouTube trailers
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results