PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Robin Padilla on why BBM not included in his aces last election

Bakit di pinasalamatan ni Robin si BBM sa post niya tungkol kay Kris?
by PEP Troika
Published Jun 7, 2022
robin padilla on bbm
Senator-elect Robin Padilla on President-elect Bongbong Marcos: "Paano ko po sasabihin na isa sa alas ko na mag endorso sa akin si incoming president Bongbong marcos eh malinaw naman po sa lahat ng ganap nong kampanya na hindi po ako naendorso ng aking personal na Kaibigan."
PHOTO/S: Robin Padilla Instagram / Fracebook

JERRY OLEA

Umalma ang ilang BBM supporters sa Facebook post ni Robin Padilla noong Hunyo 5, 2022, Linggo kung saan pinasalamatan ng aktor si Kris Aquino sa ambag nito para manguna siya sa senatorial race.

Kinilala kasi ni Robin ang tatlong alas niya para manalo — sina PRRD (President Rodrigo Roa Duterte), SBG (Senator Bong Go), at Inday Sara Duterte.

Sabi pa ni Robin, “Bukod sa mine vote ni Mariel, Royal lumad/Indigenous vote, muslim vote, marcos loyalist vote, DDS vote, katoliko vote, Kingdom of Jesus Christ vote, El shaddai vote at Iglesia ni Kristo vote… Kris Aquino delivered the Aquino Vote for me.”

Read: Robin Padilla, nagpasalamat sa tulong ni Kris Aquino noong eleksyon

Pumalag ang ilang BBM supporters dahil hindi kasama ang bagong halal na presidente na si Ferdinand Marcos Jr. sa mga pinasalamatan ni Robin.

Paglilinaw ni Robin sa Facebook ngayong Hunyo 7, 2022, Martes ng hapon, kalakip ang lumang litrato nila ni Marcos Jr.:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mabuhay. Isang Maalab na pagbati po sa inyo ng kapayapaan.

“Ito Po ay larawan namin 1990s. May klarohin Lang po Ako.

“Paano ko po sasabihin na isa sa alas ko na mag endorso sa akin si incoming president Bongbong marcos eh malinaw naman po sa lahat ng ganap nong kampanya na hindi po ako naendorso ng aking personal na Kaibigan.

“Malinaw naman po na pinayagan niya ako na makasama sa uniteam dahil personal niya akong kaibigan at ang sulat ko po ay para kay kay ms Kris Aquino.

“Malinaw din po ang aking pasasalamat sa marcos loyalist na ako ay kabilang.

“Hindi po ako Maari mag imbento ng ganap na ako ay inendorso ni PBBM na hindi naman po naganap at ilagay sa liham na para kay ms Kris Aquino.

“Katulad po ng sinabi niyo, Marami po akong video at liham na nagpapasalamat at nagtatanggol kay PBBM dahil yun ay patungkol sa aking personal na Kaibigan na si bongbong, hindi yun pulitiko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Wala po kaming negotiated political alliance ni PBBM kundi sa PDP Laban kaya wala po akong maaring idagdag sa tunay na naganap.

“Kung hindi po sapat ang pagiging marcos loyalist ko at pagtindig sa sinoman na mananakit sa marcos maging ito man ay buhay man o namayapa, Pasensya na po kayo.

“hanggang aksyon Lang ako, kulang po ako sa drama.

“Ang pulitika sa akin kelan man ay hindi magiging dahilan Para saksakin ko ang laman ko.

“Ang Kaibigan ko ay Kaibigan ko. Magkaiba man tayo ng paniniwala, Hindi man Kita masamahan pero kapag Kailangan mo ako, Hindi kita iiwan.

“Napatunayan ko po yan hindi Lang kay ms Kris Aquino kundi pati kay bongbong marcos. Kandidato sila o hindi

“Bilang Kaibigan, Nakabantay Lang ako sa likod nila, tabi nila hanggang sa taas nila, sa abot ng aking makakaya.

“Politics is not real. Politics has no friends, only personal interest. I am not a political friend. I will always be a personal friend.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Sa magkakaibigan, hindi na isyu kung hindi napo-post sa social media. Ang mas mahalaga ay nagkakaintindihan at merong komunikasyon sa isa't isa.

Hindi naman natin alam kung ang ang pinag-uusapan kapag nagkikita sila. Hindi naman lahat ibinabase sa social media.

Mas matimbang pa rin ang tapat na pag uusap at tunay na pakikitungo sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatuon ngayon ang halos lahat kay Senator-elect Robin dahil puring-puri siya ng ilang kilalang political analysts. Kaya tumataas ang expectations sa kanya.

Curious ako kung ano ang una niyang ipanunukalang batas.

NOEL FERRER

Let Robin make use of his fresh mandate para gumawa ng mabuti. Huwag nang idawit ang iba pang tao.

I’m sure, gusto rin niyang patunayan what he is made of! Excited tayo diyan.

Deadma na ang BBM issue.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator-elect Robin Padilla on President-elect Bongbong Marcos: "Paano ko po sasabihin na isa sa alas ko na mag endorso sa akin si incoming president Bongbong marcos eh malinaw naman po sa lahat ng ganap nong kampanya na hindi po ako naendorso ng aking personal na Kaibigan."
PHOTO/S: Robin Padilla Instagram / Fracebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results