PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Family Feud, DongYan sitcom, Happy ToGetHer bongga ang ratings

Alamin ang wekend ratings dito...
by PEP Troika
Published Jun 7, 2022
Family Feud, Jose & Maria's Bonggang Villa, Happy ToGetHer
Pasok sa top-rating weekend shows ang GMA-7 offerings na Family Feud (left) na hinu-host ni Dingdong Dantes, ang sitcom nina Dingdong at Marian Rivera na Jose & Maria's Bonggang Villa (upper right), at ang sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer (lower right).
PHOTO/S: Screengrab from Family Feud / Jose & Maria's Bonggang Villa / Happy ToGetHer

GORGY RULA

Naglagare ang mag-amang sikat sa TikTok na sina Boy Ina at JR Dumangas noong Lunes, Hunyo 6, 2022.

Sa tanghali ay naglaro sila ng "Maritest" sa Lunch Out Loud, at nakuha nila ang jackpot na PHP50,000.

Panay ang bleep kapag nagsalita na itong tatay ni JR, dahil panay ang mura nito. Kinahapunan ay naglaro naman silang mag-ama kasama ang dalawa nilang kaibigan sa Family Feud.

Natalo sila ng grupo ng YouTubers na Makasarap TV. Pero mataas ang rating nito na naka-9.1%. Nakasanayan na ng mga taga-Family Feud ang rating na hindi na bumababa sa 8%.

Samantala, okay naman ang rating ng mga programa ng GMA-7 nung nakaraang weekend. Nung Sabado, June 5, ang Magpakailanman ang may pinakamataas na rating sa primetime.

Naka-12.7% ito, at 1.4% ang Maalaala Mo Kaya. Ang 24 Oras ay 8.3%, at 1.6% naman ang 24 Oras Weekend.

Hindi na gaanung tumaas pa ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento na naka-9.8%, at 1.2% naman ang katapat nitong My Papa Pi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tama na ring simulan na ang pagbabalik nina Michael V at Manilyn Reynes sa Sabado, June 11. Naging Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento na ang title nito.

Nung Linggo, June 5 ay naka-4% ang All-Out Sundays, at 3.1% naman ang ASAP Natin ‘To. Sumunod ang GMA Blockbusters (Cats and Dogs… Kitty Galire) na 3.8%, at natalo nito ang FPJ Da King (Ang Padrino) na naka-2.3%. Dapat siguro, pelikula rin ang itatapat sa FPJ Da King na laging mataas ang rating.

Naka-4% naman ang final episode ng Raya Sirena. Ang The Best Ka ay 3.6%, at ang Regal Studio Presents (“My Special Outing”) ay 3.8%.

Sumunod ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na 5.8%. Ang 24 Oras Weekend naman ay 11.3%, at 1.8% ang TV Patrol.

Medyo tumaas ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-11.4%. Ganundin ang Happy ToGetHer na sumirit sa 14.3%.

Naka-16.2% ang Kapuso Mo Jessica Soho, at 4.4% naman ang The Boobay and Tekla Show.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Congratulations sa Family Feud for the consistent good ratings and interesting content.

Sa TV ngayon, naghahanap tayo ng mga bagong kakaaliwan. It seems like we have picked up already from the pandemic, kaya endless ang possibilities at endless ang imagination ng paggawa ng bagong shows.

Parang nag-catch on na ang audience and they demand more now from creators.

Kaya, these are exciting times really. Let more concepts flourish! Let more shows thrive and let there be more jobs for people in our industry!

JERRY OLEA

We cannot overemphasize na waging-wagi sa ratings ang GMA Network—lalo na kung weekend, at sa hapon kung weekdays.

Sa primetime kasi, mula Lunes hanggang Biyernes, ay lumalaban ang Kapamilya shows na napapanood sa TV.

Oh, yes, noong Sabado ay pinakamataas sa mga palabas ang Magpakailanman na naka-12.7%, at pumangalawa ang DongYan sitcom na Jose & Maria’s Bonggang Villa na naka-12.1%.

Sabi nga ni Marian sa Beautederm mediacon recently, bonus na lang ang ratings ng sitcom nila ni Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong Linggo na naka-5.8% ang Amazing Earth ni Dingdong ay panlima ito sa pinakamalalakas na programa.

Kapuso shows din ang Top 4—Kapuso Mo Jessica Soho na naka-16.2%, Happy ToGetHer na naka-14.3%, Daig Kayo ng Lola Ko na naka-11.4%, at 24 Oras Weekend na naka-11.3%.

Actually, ang Top TV 12 shows noong Sunday ay pawang palabas sa GMA-7.

Noong Sunday ay balik-ASAP stage si Maymay Entrata. Pasabog ang dance number nila ni Edward Barber at ng G-Force, na may special appearance mula kina Luis Manzano at Kathryn Bernardo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasok sa top-rating weekend shows ang GMA-7 offerings na Family Feud (left) na hinu-host ni Dingdong Dantes, ang sitcom nina Dingdong at Marian Rivera na Jose & Maria's Bonggang Villa (upper right), at ang sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer (lower right).
PHOTO/S: Screengrab from Family Feud / Jose & Maria's Bonggang Villa / Happy ToGetHer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results