PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FAP director general Vivian Velez, gustong ipahawak sa FDCP ang MMFF

Wala nga bang mandato ang MMDA para hawakan ang MMFF?
by PEP Troika
Published Jun 8, 2022
vivian velez liza dino
FAP director general Vivian Velez: “Itong Metro Manila Film Festival, dapat maibigay ito sa FDCP. Unang-una, wala silang mandate. Ang MMDA, wala sa charter nila ang mag-conduct ng isang film festival... ako na po ang magsasabi, dapat maibalik ito sa FDCP. Sana matulungan ninyo kami." FDCP's current chairperson is Liza Diño.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nanawagan si Vivian Velez sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipaubaya sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pamamahala sa taunang Metro Manila Film Festival.

Si Vivian ang kasalukuyang Director General (DG) ng Film Academy of the Philippines. Nagwagi siyang best actress sa MMFF 1985 para sa pelikulang Paradise Inn na idinirek ni Celso Ad. Castillo.

Ipinahayag ni Vivian ang kanyang panawagan sa paglulunsad ng Pelikulaya 2022 filmfest nitong Hunyo 7, 2022, Martes ng gabi, sa Amrak comedy restobar, Lopez Drive, Quezon City, habang katabi ang FDCP CEO and Chairperson na si Liza Diño.

Ipinagdiinan ni Vivian na maraming critical issues na kailangang i-address kaugnay sa kalagayan ng pelikulang Pilipino.

Lahad ni Vivian, “Unang-una, yung ating mga cinema exhibitions. Kasi, iyan talaga ang isang problema ng filmmakers.

“Kasi, paano naman tayo uunlad kung isa o dalawang araw lang ang ating pelikulang ipapalabas sa sinehan?

“So, I guess, it’s a whole approach, e, ng buong Pilipinas. Kasi siyempre, alam naman natin, negosyo 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But then, someone has to give. Somebody has to give. Hindi kasi pupuwedeng hindi ma-subsidize ito ng gobyerno dahil, otherwise, mamamatay talaga…

“Patay na ang ating pelikula. Kung hindi dito sa ating mga young filmmakers, kasi mga greenhorn pa sila, ‘no? Idealist pa.

“Magaling pa silang manghingi ng pera sa mga magulang nila!” pagbibiro pa ni DG Vivian.

Kasama sa open forum ang mga direktor at producer ng short films sa Pelikulaya festival. Karamihan sa mga ito ay mga estudyante.

Pagpapatuloy ni DG Vivian, “But you know, how long will it last? So, kailangan talaga, yung ating distribution, that’s very critical.

“Number two, pinag-usapan namin iyan sa board, we should be able to take back Metro Manila Film Festival.

“Itong Metro Manila Film Festival, dapat maibigay ito sa FDCP. Unang-una, wala silang mandate. Ang MMDA, wala sa charter nila ang mag-conduct ng isang film festival.

“Alam ko, marami akong puwedeng sabihin because puwede na akong magsalita ngayon dahil by experience ng Film Academy of the Philippines…

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Under MMDA, ako na po ang magsasabi, dapat maibalik ito sa FDCP. Sana matulungan ninyo kami.

“Ang gusto ko sanang mangyari, at the helm of Chair Liza. Kasi, talagang alam na alam niya kung paano gawin ang mga festival na ito.

“Nasa mandate ito ng FDCP. Sana, tulungan ninyo kami na kalampagin ang MMDA na, ‘Maawa na kayo sa industriya! At ibigay ninyo ang Metro Manila Film Festival sa FDCP para ma-manage nang mabuti ito!’

“Yun lang po,” pahayag ni DG Vivian, na umani ng masigabong palakpakan.

GORGY RULA

1975 pa nag-umpisa ang taunang Metro Manila Film Festival. Matagal na at nakaugalian na ang mga LGU ang humahawak ng MMFF.

Tanggap natin na fundraising event ito ng bawat munisipyo na ibinabahagi sa iba’t ibang ahensiya ng movie industry, kagaya ng MOWELFUND, FAP, FDCP, at marami pa.

Mahabang talakayin o diskusyon itong isyung pagbigay ng MMFF sa FDCP. Mas alam ni Sir Noel Ferrer iyan dahil saksi siya sa mga kaganapan kaugnay sa isyung iyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siguro, sa ngayon na umaasa tayong mababalik ang interes ng mga tao sa panonood ng sine, sana ay may maitulong ang mga LGU o bawat munisipyo para sa ating industriya.

Pero sa ngayon ay least priority talaga ang movie industry o ang arts and culture dahil mas marami pang dapat bigyan ng pansin bago ito.

Sa tuluy-tuloy na pagtaas ng krudo at halos hindi na bumabiyahe ang mga jeepney drivers natin dahil sa sobrang taas ng gasolina, uunahin muna ang kumakalam na sikmura ng taumbayan, hindi ang sining at kultura.

Pero sabi nga ni FDCP Chairperson Liza Diño, inaasahan niya sa bagong administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos na susuportahan nito ang ating movie industry na naging malapit naman ito sa kanyang pamilya noon pa.

“Sana with this new administration, I know how much it has given support to arts and culture in the past and if there’s one thing that we saw is they never saw arts and culture as an expense, and it is not an expense. It’s the soul of the country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I hope that eto na… hindi lang po suporta, hindi lang po pagbibigay at pagtsa-champion sa ginagawa ng mga ahensya na nakakatulong sa pelikula. Pero, investment.

“Let’s invest in our film industry,” bahagi ng pahayag ni Chair Liza sa nakaraang mediacon ng Pelikulaya 2022.

Ang “Pelikulaya” ay portmanteau ng mga salitang pelikula, kulay, at laya. Hybrid festival ito ng LGBTQIA+ films mula Hunyo 10 hanggang 26, kaugnay sa pagdiriwang ng Gay Pride Month at ika-20 anibersaryo ng FDCP.

“Pantay-Pantay, Iba’t Ibang Kulay” ang tema nito, at naka-line up dito ang limampung (50) pelikula, Pinoy at banyaga.

Kabilang sa mga pelikulang Pinoy na tampok sa Pelikulaya 2022 ang Manila By Night (Ishmael Bernal), Ang Tatay Kong Nanay (Lino Brocka), Esoterika: Maynila (Elwood Perez), Markova: Comfort Gay (Gil Portes), at Big Night! (Jun Robles Lana).

Nasa line-up din ang Gameboys The Movie (Ivan Andrew Payawal), Kasal (Joselito Altarejos), Billie and Emma (Samantha Lee), Memories of Forgetting (Joselito Altarejos), Traslacion (Will Fredo), at Pink Halo-halo (Joselito Altarejos).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

pelikulaya

Mag-i-streaming online ang mga pelikulang ito sa FDCP Channel sa ilalim ng Spectra Pelicula segment. Ang face-to-face screenings ay sa FDCP Cinematheque Centres (Manila, Iloilo, Davao, Negros at Nabunturan), Metropolitan Theater, at Cinema ‘76-Anonas.

NOEL FERRER

Ang mismong lawyer na ng pamahalaan, represented by the Solicitor General, has decided on the legal basis ng MMFF at kung bakit ito nasa jurisdiction ng MMDA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapaloob ito sa ruling na nasa report ng PEP Troika. Enough said.

mmff

mmff

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

mmff

mmff

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
FAP director general Vivian Velez: “Itong Metro Manila Film Festival, dapat maibigay ito sa FDCP. Unang-una, wala silang mandate. Ang MMDA, wala sa charter nila ang mag-conduct ng isang film festival... ako na po ang magsasabi, dapat maibalik ito sa FDCP. Sana matulungan ninyo kami." FDCP's current chairperson is Liza Diño.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results