PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kasal nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo, mas maagang gaganapin

Kasal nina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo, mapapaaga.
by PEP Troika
Published Jun 9, 2022
hidilyn diaz julius naranjo prenup
Umakyat ng Baguio ang engaged couple na sina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo para sa kanilang prenup shoot. Nagtungo rin ang dalawa sa BenCab Museum waterfalls kung saan nag-picture taking sila kasama mismo ang National Artist na si BenCab (kanang larawan).
PHOTO/S: Noel Ferrer

NOEL FERRER

Pagkatapos mag-shoot ng bagong endorsements, umakyat agad papuntang Baguio ang ating Olympic champion na si Hidilyn Diaz at ang kanyang coach and husband-to-be na si Julius Naranjo.

Read: Olympic gold medalist Hidilyn Diaz engaged na sa kanyang coach na si Julius Naranjo

Para ito sa prenup shoot nila na naka-sked gawin sa Northern Blooms na parang New Zealand ang datingan, Mount Costa, at Baguio Country Club.

Naantala lang ang shoot dahil sa pag-ulan. Pero ang masaya niyan, nauna na kahapong mag-prenup shoot sina National Artist BenCab at photographer Cyrus Panganiban kina Hidilyn at Julius sa mismong BenCab Museum waterfalls na ipinaubaya ng Pambansang Alagad ng Sining.

hidilyn julius baguio

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbigay pa ng advance wedding gift na libro ng kanyang life works si BenCab at may pa-fist bump pa with the Swatch timepieces na bigay naman ni Tita Virgie Ramos, na sinasabing isa sa mga inaanyayahang ninang.

Hindi pa hinahayag ang listahan ng mga ninong at ninang pero the wedding will already be soon—as in sooner than we all expect.

At iyan ang magaganap sa City of Pines, Baguio City.

GORGY RULA

Isa ito sa kaabang-abang na event ngayong taon. Sana ma-handle nang mabuti para walang maki-epal at hindi mahaluan ng pulitika.

Inaasahan ang pagdalo ng sponsors ng ating Olympic champion na matagal nang naniniwala sa kanya, kagaya nina Sir MVP o Manny V. Pangilinan at Dr. Vicki Belo.

hidilyn & julius baguio

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Wala pa mang ina-announce na wedding date, pero naalala lang namin sa nakaraang interviews na gusto ni Hidilyn maging June bride. Pero mukhang hindi na kakayanin kung gagawin ngayong buwan.

Kaya posible kayang July na iyan?

Abangan na lang natin ang official announcement, at ngayon pa lang ay binabati na namin sina Hidilyn at Julius!

JERRY OLEA

Mabibilang sa mga daliri ang sponsors na masigasig mag-promote kay Hidilyn Diaz bago siya naka-gold sa Olympics. Kabilang diyan ang Unilab, kung saan endorser siya ng Alaxan FR.

Siyempre, kailangan ng masusing preparasyon para sa pag-iisang dibdib nina Hidilyn at Coach Julius.

Hindi pa puwedeng masabi ang final date ng wedding.

Hinihintay pa kasi ang kumpletong clearances at permit, hindi lang as a citizen pero as a military person dahil si Hidilyn ay kasama sa Air Force. May protocols iyon!

hidilyn & julius in baguio

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero natitiyak nating ang wedding gown ni Hidilyn ay likha ni Francis Libiran.

Magandang makita na umakyat sa Baguio ang pamilya nina Hidilyn (from Zamboanga) at Coach Julius (from Guam) sa matulain at malamig na Baguio.

Magpapamilya ba agad ang magsing-irog? Kung mabuntis agad si Hidilyn, paano ang Paris 2024 Olympics?

Sabi sa ibang studies, lalong lumalakas ang ibang babae kapag makapanganak.

Whatever her decision is, the Hidilyn story becomes more interesting and inspiring!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umakyat ng Baguio ang engaged couple na sina Hidilyn Diaz at Julius Naranjo para sa kanilang prenup shoot. Nagtungo rin ang dalawa sa BenCab Museum waterfalls kung saan nag-picture taking sila kasama mismo ang National Artist na si BenCab (kanang larawan).
PHOTO/S: Noel Ferrer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results