GORGY RULA
Si Shaun Salvador ang ipakikilala sa bagong sitcom ng GTV na Tols.
Ang Tols ay kuwento ng triplets na magkakahiwalay na pinalaki ng mga kamag-anak dahil sa nagtrabaho sa ibang bansa ang kanilang ina na ginagampanan ni Rufa Mae Quinto.
Pero pagbalik ng kanilang nanay, gusto niyang pagsamahin ang kanyang tatlong anak na ginagampanan nina Shaun, Kelvin Miranda, at Abdul Raman.
Kaagad na nagkasundo ang tatlong Kapuso heartthrobs pagkatapos nilang mag-workshop at nakapag-bonding lalo sa taping.
Sa mediacon ng Tols na ginanap sa Novotel sa Cubao, Quezon City, nung Lunes, June 6, 2022, si Shaun ang inalaska nang husto nina Kelvin at Abdul.
Ibinuking nila kung sino ang Sparkle artist na matagal nang type ni Shaun. Sabi ni Abdul, guest daw nila ito sa Episode 9 ng Tols.
Si Kelvin ang nagbigay ng clue na si Faith da Silva pala ang inili-link nila kay Shaun.
Kuwento naman ni Shaun, “Maganda po si Faith. Kasi dati pa lang po, magkakilala na kami nung high school pa kami. Siya po kasi ang prom date ko.
“Nagkakilala po kami sa mga VTR, sa commercial. Yun lang po masi-share ko.
"After ng prom, hindi na po kami nagkita, dun na lang po uli sa taping ng Tols. Nag-enjoy lang po kami sa taping.”
Hanggang sa mediacon ay todo-asar pa rin nina Kelvin at Abdul si Shaun.
“Kasi, parang nakuwento ko sa kanila na naging prom date ko, tapos pagdating sa set, naging guest namin siya sa isang episode. So, pinag-aasar na nila ako,” pakli ni Shaun.
Niligawan ba niya noon si Faith?
“Parang ganun po,” sagot ni Shaun sa PEP Troik.
“Niligawan ko siya before, pero hindi kami nag-end up together. Hindi lang talaga nag-work out.
“Nung panahong nagku-commercial kaming dalawa. Parang ano po, tumigil po kami sa isa’t isa,” saad ni Shaun.
Sa June 25, 7:05 p.m., mapapapanood ang Tols sa GTV.
Bukod kay Rufa Mae, kasama rin sa cast sina Betong Sumaya, Rolando Inocencio, at iba pang talents ng TEAM na sina Arkin del Rosario, Raymond Mabute, at Olive May ng grupong Calista. Mula ito sa direksiyon ni Monti Parungao.
JERRY OLEA
Pan-GTV na uli si Kelvin Miranda? Nagbida si Kelvin sa GTV series na The Lost Recipe with Mikee Quintos.
Kapagkuwan ay ginawa niya sa GMA-7 ang Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgette with Beauty Gonzalez, at Mano Po Legacy: Her Big Boss with Bianca Umali and Ken Chan.
At any rate, andami-daming baguhang aktor ngayon. Kani-kanya sila ng pasiklab upang umangat.
Sa bagong streaming platform na AQ Prime Stream, nag-frontal nudity sina Drei Arias, Conan King, Seon Quintos, Kurt Kendrick, Lloyd Agustin, at Juan Calma.
Doon sa BL anthology na Love at the End of the World, payanig ang pagbubuyangyang ng private part nina Nico Locco at Elijah Filamor. Pwetmalu ang iba pang mga aktor dito na sina Markki Stroem, Kristof Garcia, Rex Lantano, at iba pa.
Sa pelikulang Ang Bangkay, nagulantang ang isang beteranong direktor sa pagbubuyangyang ng mga aktor.
Sa Vivamax, nagpasilip ng ari sina Luis Hontiveros, Juami Gutierrez, Massimo Scofield, AJ Oteyza, at Joeser Sinfuego. Sandamukal ang may pa-butt exposure.
Si Albie Casiño, payag mag-frontal basta siya ang bida at makabuluhan ang proyekto. Ganoon din sina Aljur Abrenica at Benz Sangalang, ready mag-frontal for the right project.
Matapos mag-frontal sa launching film niyang Lockdown, pinagdudahang dildo ang ipinasilip ni Paolo Gumabao sa Silip sa Apoy.
Halatang peke iyong ari na ibinuyangyang ni Kit Thompson sa Sarap Mong Patayin.
Nag-frontal si Sean de Guzman sa Lockdown at Anak ng Macho Dancer. Afterwards ay hanggang pawetpaks na lang siya. Abangan natin kung may payanig muli si Sean sa pinagbidahan niyang Fall Guy.
Walang kiyeme sina Vince Rillon at Rash Flores sa pagbubuyangyang, pero na-edit out naman ang pagpo-frontal nila sa final cut ng kani-kanyang pelikula. Peke iyong ari ni Vince sa may ending ng Kaliwaan, doon sa torture scene niya.
At any rate, ang pralala ng tatlong bida sa Tols, si Shaun daw ang madalas na napapahubad. Parang yung sa Palibhasa Lalaki na sa last sequence ng sitcom ay may napa-prank, at si Shaun ang madalas nilang pagtripan.
Si Kelvin daw ang laging nangunguna sa pag-prank sa kanila na bigla silang bubuhusan ng tubig. Kaya may mga pa-abs sila rito at pabakat pa.
“Anong klase po bang hubaran ang gusto nila?” tanong ni Kelvin.
“Ang term ni Direk, may pabukol ba?” ayon naman kay Shaun.
Dagdag na kuwento ni Kelvin, “Dalawa na sila nabiktima ko kasi mahilig talaga ako mag-prank sa kanila sa eksena.
“May mga eksena kasi dun na tuwing last sequence… hindi nila alam na lagi namin sila sinusorpresa sa ganung bagay.
“Nag-usap-usap naman po kami na kapag may ganung eksena, huwag na lang ma-conscious. Ibigay na lang natin sa mga manonood, sa eksena para sa ikabubuti ng show,” pahayag ni Kelvin.
Sabi naman ni Shaun, “Ako po yun ang laging hubadero dito, bilang ako yung tambay saka ako yung mahilig sa chicks. Character ko na po yun.”
Abangan natin kung mas kakagatin ang Tols kaysa sa GVBoys: Pangmalakasang Good Vibes nina Jerome Ponce, Nikko Natividad, at Dave Bornea na nag-streaming sa Puregold Channel sa YouTube.
Si Nikko, pwetmalu maski sa Instagram account niya. Si Dave naman, katakam-takam ang mga pa-thirsty sa IG, di ba?
NOEL FERRER
Owwww, is this station-produced or a blocktimer? Sana, pangatawanan ng GTV ang pagpo-promote ng programang ito at ng iba pa nilang programa nila.
Hopeful ako kasi malaki talaga ang potential ng network as an alternative. Go, go, GTV!!!
